"Sometimes, we shouldn't get too excited, so we don't get too hurt."
This is the day. Pauwi na ng Pilipinas ang bestfriend kong si Lance at susunduin ng buong family namin ang family nila. At talagang kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit. Am I just too excited? Nagkikita naman kami lagi sa skype. Parang wala rin namang anim taon na lumipas. Sabi nito may surprise ito sakin. Ano kaya yun?
"Baby, are you ok? Bakit ang putla mo?" Tanong ni Mommy sakin.
"Am good, Mom. It's just the coldness here maybe." Naghihintay kami sa loob ng Hotel Lounge ng NAIA Terminal 1. Nakakapasok kami sa loob through Employee's pass kasi isa sa mga division manager yung kaibigan nila Daddy na friend din ng Daddy ni Lance.
Pilit binigay sakin ni Mommy ang scarf niya pero di ko na kinuha. Di ko din naman alam kung bakit namumutla ako eh. Di naman talaga ako nilalamig. Ilang sandali lang nag-ring ang cell phone ni Mommy.
"Hon, have they arrived?...Ok... We're going there..." Masayang ngiti ang sinalubong sakin ni Mommy."Let's go Baby, they're here."
Lalong parang gusto kong mag-tumbling. Parang hinahalukay yung sikmura ko. Pero mas ramdam ko yung pag-aalsa ng puso ko sa excitement. Lumabas na kami ni mommy para magpunta sa Arrival entrance. We saw dad and behind him are Lance's parents. Pero nasaan si Lance?
"Lynette, Hija. You have grown so sleek and beautiful just like your mom." Masuyong sabi ng mommy ni Lance sabay yakap sa akin.
"Thank you po Ninang Lucy. Welcome back po sa inyo ni Ninong Jake?"
"Dalaga na ang inaanak ko ah. May boyfriend ka na ba?" Biro sakin ni Ninong Jake. Yumakap din ako sa kanya at nagmano na din.
"Ayaw mag-boyfriend niyan Mars, Pards. Magtatapos daw muna siya." Sabi ni Mommy sa kanila na ikinangiti ng maluwag ng Daddy ko.
"Laking pasalamat nga namin ni Anette dahil hindi kami binibigyan ng sakit ng ulo ng dalaga namin." Gusto ko mang ituon ang atensiyon ko sa kanila at sa kwentuhan nila pero may hinahanap ako. Asan na ba yung mokong na yon? Bakit di siya kasama nila ninong at ninang. Hindi ko na matiis.
"Ninang, si Lance po?" Sakto naman na naramdaman ko ang kalabit sa likod ko. Gusto ko sanang mairita dahil ayaw ko ng hinahawakan ako pero paglingon ko ay nanlaki ang mga mata ko at napangisi ako.
"Hello there Lynce!"
"Lance!" Hindi na ko nagpigil at halos patalon ko siyang niyakap. Napaangat pa ang paa ko sa lupa dahil pabuhat niya akong niyakap. Ramdam ko na malaki ang ngiti niya kahit di ko nakikita. Mahigpit din ang yakap niya sa akin.
"I miss you so much Lynce." Bumitiw na ito ng yakap at humarap sa akin. " And you're so cute, of course!" Cute lang! Ouch!
"Parang namang hindi tayo nagkikita everyweek sa skype." Ngiti lang ang ginawa nito. Halos nakalimutan ko na na may mga iba pang tao sa paligid namin at sa kanya lang talaga nakatuon ang buong pansin ko. "Ano nga pala ang surprise mo?" Nakita ko ang pag-iba ng expression niya. Parang nahihiyang ewan. Tuluyan siyang bumitiw sa akin at lumingon sa likod ko. Napalingon na rin ako.
Lumapit si Lance sa babaeng ngayon ko lamang nakita. Inakbayan nito ang babae at iginiya palapit sa akin. "Lynce, tito, tita, this is Shania, my girlfriend." Pakilala ni Lance sa babae. Girlfriend! What the...?
Nung nakita ko siya, alam ko na, na posibleng magkasintahan sila. At nagdulot yun ng kakaibang sakit sa puso ko kahit di ko alam kung bakit. Maganda ito at mukha ring mabait. Inabot nito ang kamay sa mga magulang ko bago sa akin.
"Hi Lynette, it's nice to finally meet you. Lagi kang kinukwento sa akin ni Lance." Nakangiting sabi ni Shania. Maganda talaga ito at mukhang anghel.
"Nice to meet you, too. I hope they're nothing nasty." I tried to kid I just hope it didn't sound bitter. Gusto ko sanang sabihin na 'Ikaw hindi nabanggit kahit minsan". Pero diba nga surpresa nga pala ng damuho kong bestfriend na may girlfriend na ito. Bakit kailangan mangsurpresa pa eh nakakasama nga ng loob. Hindi nakakatuwa ang mga ganitong surpresa.
"No, of course not. He talks about you like how he adores a younger sister." Shania answered while looking at Lance.
Err. "Yeah. I am like his younger sister. He's few months senior than me, right, Kuya Lance?" Binigyan ko ng diin yung dulo at tumingin kay Lance. Bahagyang kumunot ang noo nito.
Naiinis ako na hindi ko maintindihan. Surely, nakakatampo, oo. Pero bakit parang sa kaibuturan ng puso ko sana hindi na lang sila. Sana hindi na lang ganito.
"So, lets go. We prepared something at home. Shania, you can join us." My mom said joyfully.
She looked at Lance and he just nodded with approval. "Ok po Tita, kung hindi naman po ako nakakaistorbo."
"Oh of course not. Since you and Lance are together, my daughter, for sure, will have another friend in you." My mom continued. I wish she didn't say that. But of course I can only smile to them. Then only she saw Lance smiled.
Napansin kaya niya na nawala ako sa mood. Nawala yung excitement na nararamdaman ko nung dumating sila. Napalitan ng bigat sa dibdib. I am trying to sulk discreetly.
Sabay-sabay na kaming nagtungo sa Innova namin. Halos di kami magkasya dahil sa dami namin at dahil sa bagahe nila. Dagdag pa na hindi naman inaasahan na may extra passenger pa.
I really don't like what is happening to me. I don't usually get annoyed but that is what I am feeling right now with her presence. She took the limelight and suddenly the whole trip to our house which is just next to Lance's house became such a boredom to me. I almost didn't talk aside from the answers 'yeah', 'ok' and 'sure'.
Umabot pa ang ganoong eksena hanggang sa dinner namin. Sad to say, wala namang nakakapansin sa mood ko. Hanggang sa matapos ang dinner at kwentuhan at makabalik ang mag-anak sa sariling bahay nila. Si Lance naman ay nagpaalam na ihahatid ang girlfriend sa bahay ng mga ito.
And that is how my day ended. I went upstairs immediately when they were gone. I heard my mom called but I really couldn't stay down any longer. My eyes were pooling with tears. And I don't want them to see. I don't have any explanation to what I am feeling. What I know is that, I was supposed to be happy today, but I wasn't.
I shouldn't have been too excited. I would have felt better today. I don't know what time I slept but my eyes closed immediately after I heard the sound of his car outside their house.
-----------------------------
Vote and comment
BINABASA MO ANG
From the Start
Fiksi UmumYou will always be the one person in my heart... When we fall in love the first time, we actually want it to last forever. But if the person you love, is destined with someone else, is there anything you can do aside from letting go and try to love...