Chapter V

58 1 0
                                    

God is Dead, He is Dead, and we have killed him.
- Friedrich Nietzsche

Nagising ako sa isang lugar na hindi ko alam pero mailalarawan ko na nasa isang lumang classroom ako. Gawa pa sa kahoy ang lapag, may butas at may mga crack sa kisame, napakaluma, parang ginawa noong panahon ng World War II. Teka, baka nagha hallucinate ako, nananaginip lang ako, di ito totoo.

Mga ilang saglit nakarinig ako ng tawanan sa likod. Sa aking pagtalikod may nakita ako, isang babae, napakaganda at nakaupo lamang sya sa upuan at nakapatong ang mga kamay nito sa lamesa. "Matagal na kitang iniintay." Sabi nya sa akin.

Hindi ko sya kilala sa pangalan pero namumukaan ko sya. Nakangiti lamang sya sa akin ng biglang may lumabas sa aking katawan, fuck, isang lalaki ang dumaan sa akin, para akong multo at dinaanan nya lang ako ng parang wala lang. Isang lalaki ang nakasuot ng formal at lumapit sya sa estudyanteng babae, maya maya, nagsimula na silang maghalikan biglang sinakal sya ng lalaki, gusto kong tulungan yung babae pero bakit di ako makagalaw? Nakatayo lang ako at kahit anong gawin ko, di ako makagalaw, maya maya, may pumasok na dalawang lalaki at inikutan sya.

"Oh amang nasa ilalim ng lupa, inaalay namin sayo ang babaeng ito." Tangina nakakakilabot. Hindi kaya? Gumagawa sila ng ritual? Ano to? Nakaka putangina nito, tapos maya maya, bigla silang nagsalita ng isang lenggwahe na hindi ko pa naririnig ng bigla syang sinaksak, teka? Hindi kaya? Si-

"JC!!! JC GISING!!" Napadilat ako at nakita ko na nasa hospital ako, nakita ko sila Sydney, Ella at Isaiah na nakatingin sa akin. Shit, ang sakit ng katawan ko, ng medyo nagkakamalay na ako, naka dextrose ako at may isang doctor na mino-monitor ako. "Kamusta ka JC?" Tanong ng doctor sa akin. "Medyo nahihilo po." Tumango lang sya ng ulo at may chineck sya sa papel bago nya kami iniwan. Maya maya bigla akong niyakap ni Sydney at umiyak sya. "H-huy Sydney, bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Tinignan nya ako ng luhaan. "Tangina mo JC!! Akala namin mamamatay ka." Sabi nya, napatingin ako kay Ella at mukha syang disappointed sa akin. Magso-sorry sana ako kaso umalis sya sa kwarto at iniwan kami dito nila Isaiah at Sydney, tinignan ko naman si Isaiah na masama rin ang titig sa akin.

"Sa susunod wag kang uuwi ng mag-isa, napapahamak ka palagi eh." Sabi nya at nilapitan ako sabay mahinang pagsuntok sa braso ko. "Aray naman." Sabi ko.

"Yan ang ganti ni Ella sayo, pinagalala mo sya, tapos tinakot mo."

"Teka Isaiah, anong nangyari sa akin?" Nagtinginan sila Isaiah at Sydney sa isa't isa at tinignan ako na parang may mali sa akin. "JC, nakita ka namin na nakapako sa lumang krus doon sa abandonadong simbahan." Sa sinabi ni Sydney, bigla akong kinabahan, tinignan ko yung paa at yung kamay ko at nakita ko na may na kasing laki ng pako na napapanood ko tuwing semana santa. Pero bakit wala akong maramdamang sakit?

Maya maya, bumukas yung pintuan at pumasok si Ella, kasama yung kaibigan ni Sydney na si Jeanne. "Jeanne? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Sydney sa kanya pero di sya sinagot subalit nilapitan ako ni Jeanne. "Sinapian ka?" Tanong nya.

"Ha? Anong sinapian?"

"Sabihin mo sinapian ka?"

"H-hindi." Nakita ni Jeanne yung sugat ko sa kamay at sa paa, nakita ko sa mukha nya ang takot at natakpan ng kanyang mga kamay ang bibig nya at tinignan ako, at tinignan sila Isaiah, Sydney at Ella. "Nakaramdam ako ng presensya ng demonyo, lalong lalo ka na JC." Nakakatakot na pagkakasabi sa akin ni Jeanne. "Kanina nakaramdam ako ng malamig na presensya doon sa klase ko, dahil di ako mapakali, sinundan ko yung lamig na yun hanggang sa nakarating ako sa doon sa simbahan and God knows kung gaano lumalakas ang kadiliman doon." Biglang huminga ng malalim si Jeanne.

"May masama akong balita sa inyo." The way na pagkakasabi ni Jeanne, nagdulot ng kakaibang tindig, na para bang may iniintay kami sa kanyang sasabihin. "Lumabas na ang demonyo sa simbahan at anytime, pwede nang maulit ang kwento na matagal nang kinalimutan ng eskwelahan. Ang Death Test." Ito na ba ang simula ng kwento?

"Mag-iingat kayo, ginawa ko na ang lahat para mapatigil ang pagpunta ng demonyo dito. Ipagdadasal ko kayo." At doon, iniwan nya kaming tulala.


Author's Note: Yan guys!!! Maikli lang talaga yung Chapter V dahil sa Chapter VI, dito na magsisimula ang patayan!!! Thank you so much guys sa pagbabasa, ihanda ang sarili sa mga twists, clues at may mga references na nabanggit ko nung 2013 Version, yun lang guys!! Happy reading!!

Death Test: REmake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon