TAAS-NOO kong hinarap ang lalaking nanghipo sa akin. Bakit ako matatakot, eh ako naman ang binabastos niya?
"Sigurado ka? So para saan pa ang mga recorded footages ng mga CCTV dito sa café kung hindi ko gagamiting ebidensiya? Pwede kong kunin yun, tapos gagamitin ko laban sayo. O kaya, ipopost ko na lang sa Facebook. Pasisikatin kita. Alin sa dalawa ang mas gusto mo?"
Natahimik ang lalaki, pati na ang ibang mga nagtatrabaho sa café at ang iba pang mga customer na kasalukuyang kumakain. Lahat sila ay nakatingin sa amin, at para bang hinihintay nila ang susunod na mangyayari.
Ayoko naman talagang gumawa ng ganitong eksena, lalo na't baka masisante pa ako sa part-time job ko dahil sa nangyaring ito. Pero hindi naman ako basta papayag na mabastos ng kahit sino.
"Ano, wala ka bang isasagot? Naghihintay ako." taas-noo kong tanong sa lalaki. Hindi ako papayag na magpatalo sa kanya, at kahit pa mayaman siya, kayang-kaya ko siyang i-intimidate.
"I... I want to talk to your boss..." sabi ng lalaki na pilit pang nagpapaka-confident sa harap ko.
"May problema ba, Sir?"
Paglingon ko sa pinanggalingan ng tinig ay nakita ko si Sir Beans na papalapit sa amin. Nakabukas ang pinto ng office niya, at nasa labas na sina Ten, Jakob, at Axis na pinanonood ang mga pangyayari. Si Quintus naman ay nanatili sa loob, pero nakamasid siya habang nakasandal sa pintuan. Hindi maipinta ang mukha niya, at halatang-halata ang pagdilim ng mukha niya, na para bang gusto niyang pumatay ng tao.
Well, lagi naman siyang ganun eh. Lagi naman siyang mukhang galit.
"I-ito kasing waitress ninyo eh. Kanina pa ako inaaway. Walang respeto! Hindi niyo ba –"
"Respect begets respect, Sir. Kayo ang unang bumastos sa kanya, kaya talagang babastusin niya rin kayo," kalmadong tugon ni Sir Beans.
"Does this mean that you are siding on this stupid employee of yours? How pathetic," pailing-iling pang untag ng lalaki.
Sir Beans chuckled, before a devilish smirk became visible on his face. Inayos niya ang salamin na suot, bago tiningnan nang masama ang lalaki.
"Sir, the only pathetic person here... is you. As much as I want a lot of customers to patronize my café, I cannot tolerate a disgusting low-life like you to humiliate and insult my employees. So kung mahal mo ang buhay mo, lumabas ka ng café ko at huwag ka nang babalik. The moment I see you set foot on my door again, I will scoop your eyes with a fucking spoon. Do you get me?"
When Sir Beans took a step towards him, bigla na lamang nagtatakbo palabas ng café ang lalaki sa sobrang takot na baka saktan siya nito. Mas matangkad man si Quintus kay Sir Beans, hindi hamak na mas malaki naman ang katawan ng huli. Mas nakakasindak talaga.
Nang makaalis ang lalaki ay bumalik na sa payapang sitwasyon ang lahat. Bumalik na sa loob ng office sina Ten, Jakob, at Axis, habang si Quintus naman ay nanatili sa labas at nagmamasid pa rin. Ang ibang mga waiters at barista ay balik na rin sa pagtatrabaho nila, at ang mga customers ay nagpatuloy na rin sa kani-kanilang mga ginagawa.
Iniwas ko ang mga mata ko sa titig ni Sir Beans habang hinaharap ko siya. Alam kong katapusan na ng pagtatrabaho ko dito. Pero okay lang. At least naipagtanggol ko ang sarili ko.
"Sir Beans, sorry po talaga sa nangyari. Hindi ko lang po talaga napigilan ang sarili ko kasi nanggigigil na ako dun sa lalaki. Alam kong tatanggalin niyo na ako dahil sa nangyari, kaya nagpapasalamat na lang po ako sa pagbibigay ninyo ng trabaho sa akin –"
"What the heck are you saying?"
Napatingala ako at gulat na napatingin sa mukha ni Sir Beans. "Hindi niyo po ako tatanggalin sa trabaho?"
BINABASA MO ANG
Something About Us [✔]
أدب المراهقينEverybody knows Quintus Zamora as a monster. Sabi ng iba, para daw siyang hindi nakakaramdam ng sakit kahit pa nakikipagbasag-ulo, at talaga namang halimaw siya kung manakit ng kaaway niya. He's almost a superhuman, base sa mga kwento nila. I know...