Chapter 7

60 2 0
                                    


"Hayyss inaantok pa ako." Sabi ko kay Richard na katabi ko at nilagay ang ulo ko sa shoulder niya.

Nandito kaming dalawa sa auditorium at hinihintay na lang namin sila Mae at Vladimir.

Imagine 4:15 in the morning pa lang nandito na kami sa school. Kasi napag-usapan namin na ang call time ay 4:00 para maaga at marami ng magawa. Pero eto wala pa yung love birds. 15 minutes na kami naghihintay ni Richard at napag-planuhan na namin ang gagawin dito sa auditorium.

"Matulog ka muna. Gisingin kita kapag nandyan na yung dalawa. Tatawagan ko na din sila." Tumango lang ako at ipinikit na ang aking mata.






"Sammy."

"Hmmm." Sabi ko at mas siniksik pa ang mukha ko sa hinihigaan ko ang bango kasi eh.

"Sammy, wake up." Sabi nito kaya napadilat ako at pumikit ulit. Naalala ko yung gagawin namin.

"Richard, nandyan na ba yung love birds?" Tanong ko sakanya. Bakit parang nag-iba ang pabango ng best friend ko?

"Oo. Tsaka di ako yung boyfriend mo." Napadilat ako at umalis sa shoulder niya. Sino ba 'to?

Pagtingin ko nagulat ako. Si Vladimir. Oh my g!! Siniksik ko pa yung mukha ko kanina kala ko si Richard. Nakakahiya tuloy.

"Ahh sorry."

"Ayos lang. Tayo na jan."

"Asan si Richard?"

"Kasama si Mae pumunta sa malapit na cafeteria bibili lang daw ng coffee at milk mo."

Napatingin ako sa wrist watch ko, 4:45 am na. 8:00 pa naman ang start ng klase namin kaya marami pa kaming oras.

"Kanina pa kayo nakarating?" Tanong ko kay Vladimir habang inaayos ang bandiritas sa tali.

"Oo mga 15 minutes ago. Pasensya nga pala at nalate kami ni Mae. Ang tagal kasi kumilos ni Mae." Sabi niya ng naka-ngiti habang nangkakamot ng ulo.

"Sabay ba kayo?"

"Oo sinundo ko siya sa bahay nila pagdating ko dun naliligo pa siya."

"Ah ganun ba."

Ang tahimik! Nagaayos lang kami ng bandiritas pero walang nagsasalita.

"Sam, pano nga palang gagawin natin?"

"Nasa papel kanina. Hindi ba binigay sayo ni Richard?" Tanong ko sakanya.

"Ah hindi niya binigay eh. Ayun ba?" Sabi niya at tinuro yung katabi ko.

Nasa gitna kami ng auditorium habang naka-upo sa lapag. Ibinigay ko sakanya at inayos na namin ang mga pwede na naming gawin para kapag dumating na sila Richard ay medyo konti na lang ang aayusin.

Nasa room na kami at 8:15 na ng umaga nagle-lesson na yung teacher namin. Ang aga-aga math kaya inaantok ako nakakapagod pa kanina dahil inulit namin yung ibang bandiritas dahil sinira ng mga preschool. Mamaya nga magpapa-request na lang ako kay Maam na wag papasukin yung mga bata sa auditorium dahil paulit-ulit ang trabaho.

Humikab ako kaso patay tayo dyan nakita ako ng teacher namin. Mabait naman si Sir kaso kapag may inaantok sa klase pinapahiya niya.

"Inaantok ka pa ba Sammy?" Tanong ni Sir saakin na medyo may galit sa boses.

Di mo ba nakita kaya nga ako humikab diba.

Yan sana sasabihin ko kaso wag na lang baka bumagsak pa ako sa subject niya.

"Hindi po sir. Sinubo ko lang po yung candy ko." Sabi ko at may candy naman talaga ako sa bibig eh buti na lang talaga.

Simula nun di na ako kinausap ni sir. Nagdaan yung dalawang teacher at recess na. Kaming apat diretso agad kami sa auditorium para ayusin ulit yung ibang decorations merong ibang grade 11 na nandoon para tumulong. Ako tapos si Richard nag-punta muna sa kami cafeteria para bumili ng food namin nila Mae.

Its only a DAREWhere stories live. Discover now