Zariah's POV
Nasaan ako? Nakit ang dilim?
Inilibot ko ang aking paningin at wala akong ibang makita kundi ang mga naglalakihang mga puno. Am I in a forest? Nakit nasa gubat ako ng ganitong oras?Naglakad lakad ako sa gubot dahil may liwanag naman galing sa buwan. Ang ganda ng buwan ngayon, napaka bilog. Habang naglalakad ako, may narinig akong sumigaw. Kaya dali-dali akong nagtago sa isang malaking puno at nga damo.
"HANAPIN ANG DALAWANG IYON AT PATAYIN SILA!" Sigaw ng isang lalaking naka-kapa.
"MASUSUNOD PO!" sagot naman ng kanyang mga kasama.
Bigla na lamang silang tumakbo sa isang direksyon at mabilis na nawala.
Sino kaya sila? Sino ang hinahanap nila? Ako kaya? Wag naman sana. Wala naman akong ginawang masama diba?
Pero, buti nalang at nakatago ako agad."NANDITO SILA!" sigaw ng isang babae.
Siguro hindi ako ang hinahanap nila. " SILA " daw eh. Mag isa lang naman ako. Buti pa unalis nalang ako dito.
"Aaaaahhhhh!!" Narinig kong sigaw ng mga tao. Sigaw ng pag-iinda ng sakit. Sigaw na kasabay ng isang malaking pagsabog ng kidlat sa kanilang kinaroroonan.
Ano bang nangyayari? Bigla na lamang umulan ng malakas kasabay ng pagkulog at pagkidlat.
Hindi ko na matiis ang akong kuryusidad kaya tumayo na ako at mabilis na tumakbo sa daang tinahak ng mga naka-kapa kanina.
Nang makarating ako doon ay sya namang pagdating ng isa pang grupo ng mga tao--este Ewan ko kung tao ba ang nga to. Kasi nakasakay sila sa mga floating sticks. Bumaba sila at hinawakan ang kanilang mga stick. Para syang magic wand na mataas.
Nagharap ang dalawang grupo at grabe ang tensyon sa pagitan nila.