(Naomi's POV)
Ang weird
Sabi ni mama hindi nya naman daw inutusan si Trake na sabay kaming umuwi
Tch. Ewan ko ba dun sa supladong yun. Pag uwi kasi namin dumiretso lang sa guest room
Sabi ni Mama dito raw muna tutuloy si Trake kasi nga dun na sya sa school ko nag-aaral. Mas malapit daw kasi sa school kung dito sya tutuloy
Sabado ngayon kaya walang pasok. Nandito lang ako sa kwarto ko at nagd-drawing ng anime. Wala akong magawa
*tok* *tok*
Tumayo ako at binuksan yung pinto ng kwarto ko. Nakita ko dun si Trake na nakatayo at nakapamulsa
Favorite nya siguro yung ganung tayo. Haha
"Bakit?"nagtataka kong tanong
Anong kailangan nito?
"Wala. Pinapa-check lang ni Tita kung anong ginagawa mo"sya sabay alis
Napaka suplado talaga
Bumalik na lang ako sa pagd-drawing ng anime nang biglang nagring yung phone ko
Yung totoo kailan ba ako makakapag drawing ng maayos?
Tinignan ko kung sino yung caller pero unregistered number. Sinagot ko na din baka kasi kakilala ko
"Hello?"
"Young miss, ako po ito, si Bretta"
Huh? Pano nya nalaman number ng phone ni Noemi? Sabagay, Connections
"Oh. Bakit? May pinapagawa ba si mommy?" tanong ko
Makakauwi na ba ako?
"Ahhh. Sabi po ni maam susunduin nya daw po kayo sa pinakamalapit na convenience store dyan. Kasama nya daw po si Maam Noemi"
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan
"U-Uuwi na ba ako?"
"Hindi po young miss. Magba-bonding lang daw po kayo"
"Ahhh. Ok. Sige magbibihis na ako at pupunta dun sa convenience store. Salamat"
Pagka end ko nung call napangiti ako. Masaya ako
Dahil ba magba-bonding kami? O dahil mags-stay pa ako dito?
======
Nasa tapat na ako nung convenience store at naghihintay
Kinakabahan ako kasi makakasama ko yung kakambal ko. Alam nyo yun...Yung feeling na makakapag bonding kayo ng long lost twin mo
Nakaka-kaba
Maya-maya may tumigil na pulang na kotse sa harap ko. Parang familiar nga yung kotse eh
Nagulat ako nung bumaba dun si Trake. Anong gagawin ko?!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya pagkalapit sakin
Anong isasagot ko?! Hindi nya pwedeng makita sila Noemi. Sana matagalan pa bago sila dumating >___<
"A-Ano....May inaantay lang" Sinungaling na talaga ako
"Sino?"
Kailangan pa ba talagang tanungin?!
"Ahhhhhhh.....W-Wala pala. Aalis na din ako kaya chupi ka na!"sabi ko nang may pilit na ngiti
"Tsss"sya sabay pasok sa loob ng convenience store
BINABASA MO ANG
My name is Naomi Tachibana
Roman pour AdolescentsAkala nya ganun-ganun na lang ang buhay nya Mananatili na lang syang dalaga hanggang sa pagtanda nya dahil simula pagkabata hindi sya pinapayagan ng mommy nya na makipag-interact sa mga lalaki. Hanggang sa may nangyayaring hindi inaasahan. Nagkapali...