(Naomi's POV)
Aish. Nakauwi din. Hindi ko kasabay umuwi si Trake ngayon kasi may kukunin daw sya sa condo nya
Si Xander naman iniwan ko na dun. Takot ako magbyahe ng pagabi na eh kaya dapat maaaga akong nauwi
Nagcomputer lang ako pagdating ko since wala naman kaming assignments
Nagview na lang ako ng mga trending topics sa school page namin (School ni Noemi)
Nakita ko sa pinakauna ang School Festival
Tapos ang sumunod ko namang nakita at about kay Xander at Trake
Seriously? Sikat agad si Trake?
Kitang kita ko yung nakalagay sa taas ng pangalan nila, Harrowth University's Hotties
Tawa ako nang tawa pagkabasa nun. Grabe lang ah. Kung sino pa yung ayaw ng attention sya pa ang nakakakuha nun. I mean ayaw kasi ni Trake sa attention. Ok lang naman siguro si Xander kasi sanay na yun sa attention.
Pero si Trake?!
Iniisip ko pa lang kung paano kumukulo yung dugo nya kada napapansin sya nang mga tao natatawa na ako
Teka ba't ko ba sya iniisip?! Syempre kasi crush ko sya!
Aish erase-erase
Nagview pa ako ng ibang topics at nakita ko ang pangalan ni Noemi doon. Ni-click ko yung link at binasa yung content
Nakalagay dun na ang laki ng pinagbago ko—I mean ni Noemi
May picture pa nga eh. Yung isa si Noemi talaga at binu-bully sya nung mga panahong yun. Yung isa naman ako na pinatumba yung mga babae
Nakalagay dun na parang pinagco-compare nila yung Noemi before and after ng aksidente
Well, Nabasa ko dito na si Noemi daw subsob sa pag-aaral. Iisa lang ang kaibigan at yun ay si Liam. (Teka di ko na nakikita si Liam ah) Nagsimula daw syang i-bully ni Xander dahil nabasag daw ni Noemi ang tumbler nya na bigay pa raw ng daddy nya. Tapos ayun yung ibang estudyante nakigaya at binully na rin si Noemi. Tapos yung Noemi daw ngayon—Which is ako—ibang-iba daw sa dati. Tamad daw (ehem! Grabe naman ah!) kasi natutulog lang sa klase---(Hmmm totoo naman)---- pero matalino pa rin daw (Kasi napag-aralan ko na yan!). At higit sa lahat matapang kasi nagawa raw labanan si Xander
Ba't ba takot na takot sila kay Xander? Dahil anak ng may-ari ng school? Mabait naman yung mokong na yun may pagkaloko-loko lang talaga
So ayun nga yun lang ang nakalagay. Thankful ako pareho kami ng style ni Noemi pagdating sa pananamit. Di ko na kailangan magbago ng style. Hahaha
Simple lang kaming manamit ni Noemi
Jeans at T-shirt kapag naalis then lagi naman kaming naka-uniform
Bumaba na ako nung tinawag ako nila mama para kumain
Nung nasa hapag-kainan na kami bigla akong tinanong ni mama
"Anak, Anong gusto mo sa debut mo?"
BINABASA MO ANG
My name is Naomi Tachibana
Genç KurguAkala nya ganun-ganun na lang ang buhay nya Mananatili na lang syang dalaga hanggang sa pagtanda nya dahil simula pagkabata hindi sya pinapayagan ng mommy nya na makipag-interact sa mga lalaki. Hanggang sa may nangyayaring hindi inaasahan. Nagkapali...