PAGDATING ng alas otso ay nagsasara na kami sa café. Kahit pwede na akong maunang umuwi ay pinili ko munang magpaiwan para tumulong sa paglilinis at pagsasalansan ng mga gamit. Hinihintay ko kasing lumabas ng office niya si Sir Beans.
Balak ko kasing kausapin siya tungkol sa bag na pinabibigay daw niya, base na rin sa sinabi ni Quintus.
Ilang minuto rin ang lumipas bago lumabas si Sir Beans. Sinundan ko siya hanggang sa parking area, at doon ko na siya kinausap.
"Sir Beans?"
Bubuksan niya na sana ang pinto ng kotse niya pero napatigil siya nang marinig niya ang pagtawag ko. Hinarap niya ako na para bang alam niya na ang sasabihin ko.
"May sasabihin ka ata."
"Uh, gusto ko lang po sanang magpasalamat sa pagbigay ninyo sa akin nung bag. Nakakahiya naman po. Gusto ko pa sanang ibalik kasi pwede naman akong bumili na lang ng bago. Hindi niyo na po kailangang mag-abala."
"Wala yun. Concerned din naman ako sayo lalo na't si Quintus pala ang nakasira ng bag mo. Just take the bag, Jaira," kalmado niyang sagot bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya.
"Hindi naman po galing sa inyo ang bag na yun, hindi ba?"
At sa pangalawang pagkakataon ay napatigil muli si Sir Beans dahil sa sinabi ko. Sabi na eh. Tama talaga yung kutob ko.
Isang ngisi ang lumitaw sa mukha ni Sir Beans. "Paano mo naman nasabi?"
"K-kutob ko lang po..." I admitted.
Bahagyang tumawa si Sir Beans. "Matindi rin ang mga kutob mo ah. Accurate."
"So hindi po talaga galing sa inyo yung bag?"
Umiling siya. "Hindi. Galing yun kay Quintus."
"Pero bakit kailangan niya pang sabihin na galing sa inyo yung bag na yun?"
"Kapag sinabi niya kasi na galing sa kanya ang bag na binibigay niya, malamang hindi mo tanggapin. That's why he used my name, kasi alam niyang baka tatanggapin mo kapag galing sa akin. It would be hard for you to refuse kapag galing sa boss mo, hindi ba?"
Napatango na lamang ako. That actually makes sense. Mahihirapan talaga akong tumanggi kapag nanggaling na kay Sir Beans kasi baka mamaya isipin niyang hindi ako thankful sa pagbigay niya sa akin ng bag na iyon.
Huminga muna nang malalim si Sir Beans bago muling nagsalita. "Quintus is just like that. He's really weird, annoying, and different. Pagpasensyahan mo na lang. But trust me. Even though he's hard-headed and temperamental, he actually is a nice person. I'm his friend. I know him very well."
"Okay po..." tugon ko habang napapaisip dahil sa mga sinabi niya.
Tinapik ni Sir Beans ang balikat ko bago siya tuluyang pumasok sa kotse niya. Hindi rin nagtagal ay umalis na siya at naiwan akong nakatayo at nagmumuni-muni sa parking area nang mag-isa.
Alam kong nakakainis ang pag-uugali ni Quintus, pero hindi ko rin siya dapat husgahan lalo na't hindi ko siya ganoon kakilala. Mas kilala pa rin siya ng mga kaibigan niya, at kung sinasabi ni Sir Beans na mabuti siyang tao, then I should trust his words.
Maybe I need to look at Quintus at a different perspective. Maybe, there's something more to him that the naked eye cannot see.
KINABUKASAN, medyo nagulat ako nang makitang inookupa na ni Quintus ang upuan sa tabi ko. Ang seatmate ko naman na nakaupo doon ay lumipat na sa pwesto ni Quintus, kaya medyo naguluhan ako. Anong naganap at nagkaganito ang arrangement nila.
BINABASA MO ANG
Something About Us [✔]
Teen FictionEverybody knows Quintus Zamora as a monster. Sabi ng iba, para daw siyang hindi nakakaramdam ng sakit kahit pa nakikipagbasag-ulo, at talaga namang halimaw siya kung manakit ng kaaway niya. He's almost a superhuman, base sa mga kwento nila. I know...