Letrang A "Crush kita

140 2 4
                                    

Letrang A "Crush kita"

Awayan, bangayan, at kulitan
Yan yung babaeng aking inaasam
Napapagising ng maaga
Para lang sa pagpasok siya agad makita

Sa tuwing paglakad sa paaralan
Mapapalingon kana lang na walang alinlangan
Sa ganda na Boses na meron siya
At tindig mo'y nakakaiyaya

Minuto, Segundo, gusto ng mata ika'y makita
Kasi sa bukang-bibig ika'y nakatalata
Sa pag-indak mo sa sayaw
Para bang hawak ko na  rin ang iyong kamay na walang kaagaw

Sa bawat sigaw mo
Para bang hindi ako makakareklamo
Kasi yung pangalan nagsisimula sa letrang A
Yung letrang A ika'y pinagpala

Kahit ikaw man ay Hindi maganda sa nakakailala sayo ay iba
Pero yung puso ko'y napasigaw ! Aba maganda!
Sa dulo man ay maingay
Pero itong kamay,Nagsasadyang tayo ay bagay

Kahit man ang iba'y nangungutya
Hindi natin binibigyan ng pansin, Silay pinaparaya
Sa daming tanong kung bakit ikaw?
Kasi yung puso ko'y ikaw ang sinisigaw

Kaya A kaya kitang mahalin
Sana akoy yung ringgin
Ngayon ay iyong nahahalata
Kasi Crush kita at Ito naman ay sadyang iniwan ng salita😞

-Hugoteroking

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon