Hindi ako galit sa'yo,
Hindi mo kasalanan lahat ng ito.
Alam kong hindi mo sinasadya na masaktan ako,
Huminto lang sa pagtibok ang puso mo para mahalin ako.Huwag mong isipin na galit ako,
Kung ayaw na kitang makita kahit pa anino.
Wag kang mabahala kung wala ka ng marinig tungkol sa akin,
Ito lang ang paraan ko para kalimutan ka, ito ang dapat kong gawin.Lagi mong tatandaan na naiintindihan naman kita,.
Naiintindihan ka ng isip ko pero hindi ng nadarama.
Sobrang sakit kasing bigla mo na lang akong iiwan,
Pero sabi ko nga wag mong isipin na ikaw ang may kasalanan.Naiintindihan kita kung hindi kana masaya sa akin,
May magagawa ba ako, hindi na kita pipigilin.
Pero pakiusap huwag mo na akong abalahin,
Sinasanay ko na ang sarili kong wala kana sa piling.Hindi na ako iiyak dahil lang sa'yo,
At lalong wag mong isiping umaasa akong magkakabalikan pa tayo.
Huwag na natin isipin ang isa't-isa,
Nagkakilala tayo, nagkasakitan at magkalimutan na.Wag mong isipin na masama ako dahil iniiwasan kita,
May tao bang gustong pagmasadan ang taong nakasakit sa kanya?
Pero hindi ako galit sa'yo,
Alam kong masarap kang magmahal pero alam kong hindi yun ako.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoesíaFilipino poetry at pinaghuhugutan