SCANDAL OF PRAISE!

376 2 2
                                    

What was my life before?

Ako ay namulat ng magsimulang mag-aral sa Elementarya, naglalakad patungong eskuwelahan hindi na ako sinusundo at hinahatid ng aking mga magulang siguro isang beses lang, ayun lang yung naaalala ko, natuto din akong magtinda ng plastik sa palengke sa murang edad. Ako ay umaalis ng bahay kapag wala na ang aking mga magulang at sumama sa aking mga kaibigan na naglalako ng paborito kung bibingka, kapag hindi ko naubos ang aking paninda ay kakainin ko na lang ito siguro mga walong taong gulang ako noon at higit sa lahat nagpupulot ako ng mga basura tulad ng balat ng zesto upang ibenta 50 sentimo pa nga ang isa dati, pero kapag nakikita ako ni Ina ay pinapagalitan ako dahil may dala akong basura para gawing pera, hindi kasi ako nasanay na humingi ng pera simula ng aking pagkabata simple lang yung buhay namin noong ako ay bata.

Nakatira kami sa Pajo Caloocan hindi ko na matandaan ang lugar na ito, basta ang alam ko ay may 7-11 store at mga pampasaherong bisekleta sa harapan sa may kanto at may malapit na church doon. Naaalala ko pa ay tuwing sasapit na ang sabado ay nagpupunta ako sa simbahan kasama ang mga kaibigan ko at may nangangaral sa amin na mga madre, kung hindi ako nagkakamali sa may Pajo Catholic Church yun, minsan din nagpupunta ako ng St. Joseph Church malapit sa aming bahay, kahit wala akong kasama basta medyo malapit siya sa Gregorio De Jesus School sa Manila kung saan ako nag-aral ng grade 1-2 yata yun, medyo malayo siya pero nilalakad ko lang.

Dalawa't kalahating taon akong tumira ng probinsya. Pagkatapos noon ay bumalik na sa Manila at sa Valenzuela ako nakitira sa bahay ng aking tito doon na din ako nakatapos ng Elementarya. Pagkatapos ng Elementarya napadpad ako sa Novaliches sa bahay ng isa ko pang tito, dito naman ako nakatapos ng High School.

Nagsimula akong mag-aral sa Novaliches High School at naging isang top honor student din ako ng isang taon at pagkatapos noon ay wala na, nahilig na ako sa sport at naging isang track & field player din ako ng aming eskwelahan. Nagkaroon na din ako ng karelasyon sa murang edad, labing tatlong taon pa lang ako noon ng magkaroon ng unang kasintahan. Naglingkod ako ng mahigit tatlong taon bilang isang Sakristan sa Immaculate Conception Parish na matatagpuan sa Green Fields III Subdivision, Novaliches Quezon City. Si Fr. Allan Samonte ang Pari noon, kasi kapag sakristan ka dagdag pogi sa mga kababaihan, mas lalo pa yata akong lumala, kasi natuto akong uminom ng alak, manood ng malalawaswang palabas, pumapasok sa eskuwelahan ngunit sa ibang lugar nagpupunta, pero habang ako ay naglilingkod sa simbahan bilang isang sakristan ako ay nagahasa, labing limang taon pa lamang ako noon at pagkatapos ay umalis na ako bilang isang sakristan.

Naisip kung mag-pakamatay na lang, wala akong pinagsabihan kahit sino. Noong ako ay nasa ikatlong baitang ng High School nagkaroon ako ng panibagong kasintahan hindi din kami tumagal at naghiwalay din kami at bago magsimula ang aking huling taon sa High School Life ay nagkaroon nanaman ako ng panibagong kasintahan, pero bago ang pasukan June 6, 2004 ng makilala ko ang babae ito at sa loob ng dalawang oras naming pag-uusap kami ay nagkagustustahan at hanggang humantong sa 'di namin inaasahan at ayun ay ang nag- siping kaming dalawa, hindi lang ito isang beses nangyari, sa sumunod na mga araw naulit ito hanggang sa umabot ng tatlong araw naming pagsasama, habang ang katiwala lang ang tao sa bahay nila kami ay nanalanta dahil ang bahay na ito ay bakasyunan lang pala, sa mga sumunod na araw nalaman ito ng magulang n'ya, ayun, pinabalik na siya sa isa nilang bahay at hindi na tuluyang nag-aral dito sa Novaliches. Ito ang dahilan ng aming kawalan ng kumunikasyon naging long distance ang aming relasyon at hindi din kami nagtagal, kasalukuyan akong dumadalo sa simbahan ngunit hindi na ako naglilingkod bilang isang sakristan, biro mo pagkatapos ng misa ay deretso na sa kama, ganoon ang buhay ko dati puro na lang emosyonal at walang buhay spiritwal isa akong makasalanan at nagpapanggap sa harap ng altar.

Sinubukan kung mag-entrance exam sa Polytechnic University of the Philippines at sinubukan ko ding maging isang track & field player at nakausap ko ang isa sa magiging coach ko kung sakaling ako ay matatangap bilang isang player, sila ang humahawak sa team Pilipinas, sinubukan kung magkaroon ng scholarship at pagkatapos ng aming pag-uusap ay gusto na nila akong kunin at turuan upang maging isang pambato ng Pilipinas. Hindi ko ito dinalo sa mga sumunod na araw ng aking unang pag-eensayo sana, sayang, maraming gustong makapag-aral ngunit ako ito ang sumayang, dahil siguro naging emosyonal ako, walang na akong kasintahan noon at lagi ko pang naaalala ang nangyari sa aking nakaraan, siguro isa ito sa mga dahilan kung bakit wala akong ganang mag-aral, hanggang ako ay napadpad sa Quezon City Polytechnic University at nagkaroon ng scholarship na halos wala na akong bayad sa eskwelahan sa loob ng isang taon ay isang libo lang ang aking tuition fee. Isa din akong Auditor sa Scholarship Youth Development Program o SYDP sa aming campus, bawat scholars ay may natatanggap na tatlong libong piso sa loob ng isang taon, ngunit pagkatapos ng isang semester ay hindi na ako nag-enroll at pumasok, hawak ko pa pala ang budget ng mga scholars ngunit hindi ko na ito nabigay dahil ako ay napadpad na ng Laguna at doon na tumira in short ninakaw ko na siya. Doon na din ako unang nag-trabaho ngunit nag-antay mona ako para maging legal age upang makapasok sa isang kompanya at ayun ay ang Panasonic sa Calamaba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TRUE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon