Darwin's POV
Sumunod lang ako kay aleya papasok sa mansion nila ni tita. Buhat buhat ko pa rin si zed na ngayon ay tulog na tulog na. Mga pasado alas dose palang ngaun dito kaya wala pang masyadong taong gising kaya wala pang nakakakita sa amin.
Habang nag lalakad kami papunta sa kwarto ni aleya ay nakasalubong namin si Tita.
"ohh nandito na pala kayo" sai ni tita at tinignan kaming dalawa ni aleya "oh!! Asan ung iba?" tanong naman ni tita.
Tinignan ko si aleya at mukhang walang balak sumagot kaya ako nalang ang sumagot kay tita. "Ay tita I think pinapagalitan na po sila ng HM kanina pa po kasi sila nagtuturuan kung sino ang unang papasok sa portal eh." Sagot ko kay tita.
"Hay nako! Mga batang un parang mga nanay at tatay nila dati takot na takot pumasok sa portal. Aminin ko man kahit ako natakot pero medyo nasanay na din haha." Sabi naman ni tita habang tumatawa pa.
"yeah tita si aleya nga po nagsuka pa kanina eh doon sa basurahan sa park. Hahahahaha" kwento ko kay tita habang tumatawa.
Tiningnan ko naman si aleya ayun ang sama nang tingin pero binalewala ko lang un at ibinalik ang tingin kay tita. At ayun si tita nag pipigil ng tawa. Haha
Aleya's POV
Letse tong mga toh pinagtatawanan ako. Bakit masama bang mahilo at sumuka dagukan ko tong mga to eh.
"Psh" ang nasabi ko nalang at naglakad nang tuloy tuloy papuntang room ko. Iniwan ko na si Darwin bahala sya dyan che.Naramdaman ko naman na agad syang sumunod sa akin.
Headmistress Sabrina's POV
Pagkalabas ng paglabas ng mga bata ay napapailing nalang ako pano ba naman kasi eh habang nalabas ng pinto asaran ng asaran hindi man lang naisip na nandito nako.
At nako malilintikan talaga sakin tong si Methy eh sarap hambalusin eh tawagin ba naman akong losyang eh? Mukha ba kong losyang ha? Ano sagot!.
Hayts parang kami lang nung mga bata kami. Makukulit din.
Alam ko naming mapapadali lang ang misyon nila dahil ung apat na pinapahanap ko sa kanila ay kilala lahat ni Methy un.
Lumabas ako ng office ko upang maglibot sa academy.
"Kayo na kasi ang mauna" boses ng babae un ah.
"Bat kami bat di kayo total ladies first naman eh!" sigaw ng isang lalaki parang pamilyar ung boses eh.
Ano ba naman tong mga studyanteng toh alam ba nilang class hours ngayon. Hay nako baka balak pang mag cutting ng mga ito.
Pagsilip ko sa mga batang un ay lintek nayan sila Heinrich ang nakita ko at ayun nag-aaway-away kung sino mauunang papasok sa portal. Mga loko talaga.
"Kayong mga bata kayo bakit hindi pa kayo pumapasok dyan sa portal ang gagaling nyo din noh kanina ko pa kayo binigyan ng misyon hindi parin kayo nakakapasok dyan!" sigaw ko sa kanila. Kakaloka tong mga batang to mabilis akong tatanda sa mga toh eh. Baka maging losyang na talaga ako.
Tinignan ko naman sila isa isa. Kulang ng dalawa.
"Ahhh HM nauna nap o sila zed, leader pati po si Methy" sagot naman ni Chicka.
Hindi ko naman na iyon pinansin.
"Pumasok na kayo dyan Dalian nyo at naghihintay sa ang tita Kayza nyo doon bilis!'' sigaw ko uli sa kanila. "Subukan nyo magturuan kukutusan ko kayo isa-isa" dagdag ko pa.
Mukhang natakot naman ang mga ito at dali-daling nagpasukan sa portal.
Nauna sila Duanne at Serina at un sunod sunod na nako naman oh kailangan pa talagang sigawan eh.
Duanne's POV
Nauna na kami ni Serena dahil ang tagal na din talaga namin don. nakakayamot na din kasi eh. Ewan ko nga din kung bakit nakikisali ako sa pagtuturuan nila at hindi nalang sumunod kila Methy eh. May saltik din utak ko noh.
Ang sakit din kasi sa tenga ng bunganga ni HM. Sigaw ng sigaw kakairita.
Paglabas namin sa portal ay nandito kami sa park ngayon. Sa tingin ko mga alas dos palang ng madaling araw ngayon. Kasi naman ang dilim pa at walang mga tao.
Lumabas na rin sa portal ung mga sumunod. Papasok din naman pala kasi sa portal nagtuturuan pa eh..
Si Droi ang nag lead ng way papunta sa mansion nila tita Kayza
Ayun nagtatawanan at naguusap pero kadalasan asaran lang kami hanggang makarating kami sa mansion nila tita.
Agad naman kaming sinalubong ng guard at binati at pinapasok.
"An tagal nyo naman" bungad agad sa amin ni tita.
"Sorry po tita Kayza" pagpapaumanhin naman namin
"HAHAHAHAHAHAHAHA'' tawa ni tita. "Ano pinagalitan ba kayo ni Sabrina sinigawan kayo no? hahaha" tanong ni tita habang tumatawa. Putek parang bata talaga.
"Ah yes po tita ang panget nya ngapo habang sinisigawan kami mukhang stress na stress eh" sagot naman ni Serena.
"By the way po tita Kayza asan po sila Leader pati po si Methy?" tanong naman ni Ken.
"Hay nako andun na sa kwarto ni Yelena. Hindi na kayo hinintay alam nyo naman si Yelena ayaw maghintay." Sagot ni tita.
"Loko talaga si leader sinolo na si Methy" biro naman ni thunder.
"Hay nako sige na pumunta na kayo sa mga kwarto nyo at magpahinga at bukas na bukas ay sisimulan nyo na ang misyon na ibinigay sa inyo ni Sabrina" sabi ni tita.
Agad naman kaming pumunta sa kanya kanya naming kwarto. Tama si tita maaga kami mamaya para mabilis na matapos ung misyon namin.
Inaantok na rin ako kaya nag shower na agad ako at nagpalit at natulog na...
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
So ayun hahaha ang tagal tagal ko ng hindi nag update noh. Sorry super busy talaga haha. salamt sa pagsupport sa story na ito. haha pansin nyo parang walang english hahah katamad na mag english eh haha. love lots
BINABASA MO ANG
Magical Academy:the long lost legendary princess
FantasiaIsang batang masiyahin at makulit ngunit noong syay lumaki di alam kung anong nangyari naging cold ito hindi lang cold kundi sobrang cold. Weird At Nerd Ang tingin sa kanya ng mga mortal Sa immortal sya ay pinakamalakas. Ngunit tingin sa kanya ng mg...