Basahin pababa
Ako'y ubod ng pangit
Kaya't huwag niyo akong kombinsihing
Ako'y maganda
Dahil lagi kong iniisip na
Ayaw ko sa sarili ko dahil sa sobrang kapangitanAt ayaw kong magsinungaling sa sarili ko na
Maganda ang aking panglabas na kaanyuan lalo na sa aking looblooban
Kaya itatatak ko sa aking isipan
Na isa lang naman akong walang kwentang tao na d dapat pahalagahanAt hinding hindi ako magpapaniwala sa inyong pinagsasasabi
May karapatan parin akong mahalin ng isang tao kahit ganito ako
Dahil kahit anong mangyari
Hindi ako kamahal mahalAt wala ako sa posisyon na maniwala na
Maganda ako at mestisa
Dahil pag nakaharap ako sa salamin ay naiisip ko na
'Ganon ba ako kapangit para kamuhian ng tao? 'Basahin pataas
~Legendary_Euphrosyne
YOU ARE READING
The TRUTH
Ficción GeneralMinsan mo na bang naisip kung gaano kaimpluwensiya ang systema natin sa ating pang araw araw na gawain? Siguro nga't hindi natin namamalayan na isa na tayo sa mga sumasabay sa uso. Para sa ating mga millenial ito kaya siguradong makakarelate kayo.