#GMBGmomentwithSteven
ISIAH's POV
Maaga akong nagising dahil tutulungan ko si Miss Katana na maghanda sana ng almusal. Kaso ang sabi ni Miss Katana maaga daw umalis sina Storm at tanging si Steven na lang ang nandito.
"Iyong mukong na lang na 'yon ang ipagluluto ko."
"Pero 'di naman kumakain 'yon 'pag umaga, pa'no tamad kasi bumangon."
Napatingin lang ako kay Miss Katana, seguro nga matagal na siyang nag tatrabaho sa lugar na 'to at kilalang-kilala na niya ang mga ito.
"Anong klaseng mga bata ba sila Storm Miss Katana?"
Saglit na napatingin sa'kin si Miss Katana, at maya ay napangiti ito saka binalik ang tingin sa mga hinihiwa niya, para bang ngiti na may inaalala.
---FLASHBACK---
MISS KATANA POV
No'ng mga bata pa sila, masayang pamilya ang pamilya Mondroadou, lalo na no'ng nabubuhay pa ang mag-asawang Mondroadou.
Ang batang Young Master Sky, ang pinakamasayahin sa lahat, habang si Young Master Steven naman ang pinaka makulit, si Young Master Storm ang mahilig magbiro sa kanila, habang ang Young Master Seven naman ay baby pa lamang nang mga panahon na 'yon..
Naalala ko pa kung gaano ka mahal ng magkapatid ang isa't isa, pero dahil si Young Master Sky ang panganay maaga siyang nag-mature, at ang dalawang Young Master naman na si Storm at Steven ang pinakamalapit sa isa't isa.
Lagi silang naghahabulan diyan sa harden, diyan din nag pi-piknik ang magpamilya, walang ibang laman ang tahanan na 'to kundi puro kasiyahan.
"Bulaga!" Panggugulat ni Steven kay Storm na sinamahan pa nito ng tawa.
"Ano ka ba kuya Steven, alam mo namang magugulatin ako ei" Wikang iyak naman ni Young Master Storm.
"Uy sorry na Stormy, 'di ko sinasadya... Tahan na." Saka niyakap ang kapatid. "Oh ano? Okey ka na?"
Malambing sila sa isa't isa. At si Young Master Storm naman malapit din kay Young Master Sky. Ang sabi nga pinaglalapit sila dahil sa mga pangalan nilang langit at bagyo.
"Kuya Sky, Baket po ba Sky ang pangalan mo po?" Minsang tanong ni Young Master Storm sa Kuya niya.
"Hmm... Eh ba't ikaw?" Ngiti nito. "Baket Storm ang pangalan mo?"
"Kasi po sabi ni Daddy, maging kasing lakas ako ng bagyo."
"Ganun ba?" Nag-isip, "hmmm ako naman, kaya Sky pangalan ko kasi ako ang gagabay sa bagyo."
Lumipas pa ang maraming panahon, pasko at bagong taon na naging masaya ang tahanang ito, maliwanag at musika ang maririnig mo dito.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...