SAKIT

196 0 0
                                    

SAKIT

Ano ba ang nararamdaman mo? wala ka na bang pag-asa sa buhay at susuko ka na?  Parang madaling isipin at sabihin sa isang taong may sakit, okey lang yan pagaling ka ah! Pinag pi–pray ka naming lahat, ngunit hindi nila alam kung ano ba ang gusto ng may sakit, pwedeng pagmamahal, sabihin na nating pera, para may katutuhanan naman, o kaya ay ang oras mo para sa kanya.  Ano ba talaga ang kailangan ng may taong may sakit? ‘di ba kagalingan niya, ayun lang naman ang gusto niyang mangyari gumaling siya. Pero paano? sa pamamagitan ba ng Doktor o Diyos, kung may sakit ka ba hindi ka humihingi ng tulong sa Diyos at higit sa lahat tahimik ka lang kung ano ang gusto mong gawin sa sarili mo. Dapat umasa ka kay Hesus na Dakilang manggagamot.

    Doktor, magulang o malalapit sa iyo ang gumagabay sa karamdaman mo o sila ang gabay mo, pero ang totoo kayang gawin ng Diyos na pagalingin ka sa isang iglap, manampalataya ka lang, bakit ka kaya nagkasakit?  baka ito na yung layunin niya na pagpahingahin ka sa mentalidad na pagod, emosyonal na pagod, pero hindi mo alam kung ano nga ba ang dahilan Niya?  pwedeng sinusubukan niya ang iyong pananampalataya kung tatawag ka ba sa Diyos na Dakila, yung tipong kahit hirap na hirap ka na at gusto mo ng sumuko dahil sa iyong sakit, pero  ito ay dahil gusto niyang maluwalhati ang kanyang pangalan. Tama ba mga kabataang Kristiano? Dahil kapag may sakit ka o ang iyong kaibigan, doon ka gagamitin ng Diyos upang ipanalangin mo ang taong ito, kadalasan nagiging dahilan pa ito na tanggapin ng taong may sakit si Hesus, at kadalasan din ginagamit ng Panginoong Hesus ang ating mga kaibigan para ipanalangin tayo, akala ng ni satanas ay panalo na siya dahil may sakit ka, pero hindi, magiging daan ito para humingi tayo ng tulong sa Diyos.

       Paano kaya kung ang isang tao ay may ketong lalapitan mo kaya? Mandidiri ka ba? Ito ang kwento ng ketongin.

 

       At narito, lumapit sa kaniya ang isang ketongin, at siya'y sinamba, na nagsasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako. At iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya'y hinipo, na nagsasabi, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nalinis ang kaniyang ketong. Matthew 8:2-3 TAB

Ang sakit ay hindi galing sa Diyos, sa tingin mo kanino? pero pinapayagan ito ng Diyos na mangyari para sa kanyang kaluwalhatian at kaligtasan ng tao upang makasama mo siya habang buhay, ‘di ba kapag may sakit ka doon mo lang nababanggit ang pangalan ng, Diyos ko po, Diyos ko po tulungan mo po ako, o lalo na kapag gumaling ka, magpapasalamat ka talaga sa Diyos, at sa mga taong ginamit niya para ikaw ay gumaling.

Naalala ko yung isang bata na may sakit habang kami ay nasa medical at Dental Mission, gusto n’ya daw gumaling, kasi namumula at hindi na niya halos mamulat ang kanyang mga mata dahil sa sore eyes, habang ang isang kabataan naman ay nagdadasal na may pagagalingin ang Panginoon ngunit, hindi n’ya alam kung sino ito, at makalipas ang sandali ay may lumapit sa kanya na isang bata na sabi, gusto daw gumaling at pagkatapos magdasal ng kabataan na ito ay bigla na lang may naramdaman ang batang may sore eyes at biglaang nawala ang pangangati at namumulat na ng maayos ang kanyang mata, ito ay tinatawag na instant healing. Sila ay aking sandaling kinausap at kumuha ng camera para i-record ang kwento ng bata. Salamat sa Panginoong Hesus na Dakilang gumagamot sa lahat ng may sakit. Kung Ikaw ay may  sakit ngayon mag-umpisa ka ng magdasal o kaya naman, kung may kakilala kang tao na pwedeng lapitan tawagan mo siya o kaya i-text, kung gusto mo naman sa networking sites mo siya kausapin gaya ng facebook, makakatulong ka dahil kadalasan ang tao ang ginagamit ng Diyos upang mag-pagaling katulad na lang ng kabataang ito. Mayroon din akong alam kung saan pwede kang dumalo sa isang simbahan tuwing unang buwan ng lingo 6:00PM sa Victory Churches of Asia (VCA)2nd floor right wing, kapag pumasok ka ng main entrance ng mall sa Robinson Novaliches tapat ng Sm Fairview. Subukan mo tiyak na kikilos ang Panginoon Hesus sa buhay mo manamlanpalataya ka lang at siguradong may kagalingan kang makakamtan, huwag kang mag-alala libre lng ito at walang bayad.

Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. Hebrews 11:1 TAB

     Ang isang bagay na naranasan ko ay ang Panginoong Hesus, na namatay at nabuhay muli siya lamang ang aking kinikilalang Panginoon at Tagapagligtas at Dakilang manggagamot. Sa Doktor ka lang ba nagpapasalamat? Dapat sa Diyos din, siya lang yung ginamit ng Diyos para maluwalhati ang kanyang pangalan, ang mga doktor ang ginagamit ng Diyos para gumaling ka, at marami namang biglaang gumagaling dahil nanampalataya sa Diyos, talagang Diyos ang kumilos sa kanila.

    Kadalasan ang ating sakit ang ginamit ng Diyos para makilala mo siya ng lubusan at ito ang magiging dahilan upang magbago ang iyong buhay, pero pangalawa lang iyan, una ay ang kaluwalhatian ng Diyos, ginagamit lang tayo ng Diyos para makapag mission dito sa lupa o sa mundo.  Diyos ang may alam o may akda ng lahat, kaya alam niya kung ano ang nasa isip mo at sa puso mo, na kapag nakakaramdam ka ng napakabigat na sakit at halos gusto mo ng mamatay at sumuko sa buhay, pero ang Diyos nakikita niya kung ano ang kailangan ng kanyang anak. Ang isang anak ng Hari na may sakit ay gumagaling, pero mayroon din namang hindi gumagaling bakit kaya? siguro tapos na ang mission n’ya dito sa lupa hindi natin alam ang pag–iisp ng Diyos gaya ng palagi kung sinasabi na, ang isang robot na naimbento ng tao ay kayang ipaliwanag ang kanyang imbensyon, ngunit ang robot ay hindi niya kayang ipaliwanag kung sino ang nag–imbento sa kanya, dahil isa lamang siyang robot na likha ng tao, gaya ng Diyos nilikha lang Niya tayo, patuloy ka lang magsisi  sa mga kasalanan mo at humingi lagi ng tulong sa Diyos walang ibang tutulong sayo kung hindi ang Diyos, Siya lang at wala ng iba. Ang robot ay parang sakit kapag nasira ito ay kayang gawin ng gumawa sa kanya, katulad ni Hesus siya ang nagbigay sa atin ng buhay at kayang-kayang ibalik ni Hesus ang dati mong lakas at sigla, lalo na ang iyong siglang spiritwal

    Ang isang Doktor na gumagamot ng sakit ay hindi makakapag reseta ng gamot kung hindi ka lalapit sa kanya at hindi mo sasabihin kung ano ang mga nararamdaman mo, sa pamamagitan nito ay may posibilidad kang gumaling o gagaling ka talaga, katulad din sa Panginoong Hesus lumapit ka sa Diyos at sabihin mong gusto mong gumaling, pero dapat sabihin mo din yung mga kasalanan na nagagawa mo o ginagawa mo bago ka lumapit sa Kanya, kasi galit siya sa kasalanan hindi sa tao. Ang masasabi ko lang ay dapat may personal na hipo ng Banal na Espiritu na ikaw mismo ang nakaramdam. Diyos lang ang nakakaalam ng lahat na pwedeng mangyari sa Buhay ng isang tao. Tumawag ka sa Panginoon kung may kailangan ka. Kailan ka huling nagdasal at humingi ng tulong sa Diyos para sa iyong sakit? Hindi pa naman huli ang lahat. Ano ang natutunan mo pagkatapos mong basahin ito?  Higit sa lahat ano ang sabi sayo ng Panginoon? Paano mo ito maisapamumuhay kung hanggang ngayon ay may sakit ka pa din? Bago ka lumapit sa Panginoon ay magsisi ka muna sa iyong mga kasalanan, at manalangin ng buong puso, naririnig ng Diyos ang iyong panalangin kahit hindi mo siya nakikita. Ito ang Pangako ng Panginoon na dapat mong panghawakan dapat mo lang manampalataya kahit hindi mo siya nakikita.

     Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag sa pamamagitan ng salita ng Dios, ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita. Hebrews 11:3. 

     ANG IYONG PANANAMPALATAYA ANG MAKAKAPAG-PAGALING SA IYO.

     Panginoon lumalapit po ako sa Iyo upang humingi ng tawad, alam ko po hindi tama ang aking mga nagawa o ginagawang kasalanan, ngayon gusto ko pong baguhin mo ako at humihingi po ako ng kagalingan na Ikaw mismo ang magpapagaling sa akin, ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na po ako sa Iyo. Maraming salamat sa pagmamahal mo at sa kagalingang tatanggapin ko.  Panginoon lumalapit po ako sa Iyo upang ibahagi kita sa iba at maranasan din nila ang tunay na pag–ibig ni Hesus at ang tunay na kagalingan na nagmumula Sayo. Sa Pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

 Sagutan ang mga katanungan sa ibaba:

A.Ano ang natutunan mo?  

B. Paano mo ito isasapamuhay? 

C.  Kailan mo ito sisimulan?  

D. Bakit mo ito gagawin at para kanino?

Ariel Laforteza

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SAKITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon