Cassie Ortez's POV
“Dali na kasi Cass!” Sabi ni Sophia habang itinutulak niya ako sa isang ride sa amusment park na pinuntahan namin.
“Wag kasi kill joy Cass.” Isa pang sigaw ni Lyza.
Talaga naman tong dalwang toh. Ipinipilit nila akong sumakay sa isang mataas na roller coaster pero dahil sa phobia ko sa heights halos nag wawala na ako sa isang tingin plang sa sobrang taas na coaster.
“Ngayon lang naman, eh. Please!” Hay sus. Eto nanaman yung puppy dog eyes ni Sophia at Lyza.
“Kahit ano pa man gawin niyo hindi talaga ako papayag! Sige na kasi kayo na muna. Dito lang ako sa may bench mag hihintay. Sige na.” Nag pout muna yung dalawa bago tumakbo para pumila.
Ay, ako nga pla si Cassie Ortez, Cass for short. Kilala ako bilang top notch student sa campus. Hindi ako yung tipong babae na mahilig sa mga gala o parties. Down to studying kasi ako. Marami din naman nag sasabi na cute ako pero pang pa flatter lang naman yan. Si Sophia Banarez at si Lyza Magtibay ay ang mga roommates ko sa aming dorm not to mention best friends ko rin sila. Wala din yung mga parents ko kasi nasa abroad silang dalawa. Si kuya Ash naman, nag tratabaho sa isang malayong lugar. Minsan-minsan ko na rin siya nakikita. Siya yung nag alaga saakin ever since umalis ang parents namin kaya close na close talaga ako kay kuya Ashton.
“Cass!” Biglang may sumigaw ng pangalan ko kaya napalingon ako. Tumatakbo papunta saakin sina Sophia at Lyza. Magulo ang buhok ng dalawa parang may turnado na dumaan.
“Ano nanyari sa inyo? 10 minutes lang ang lumipas tapos parang inattack na kayo ng asong baliw.” Nag bigay ng glare sakin si Lyza bago nag face palm naman si Sophia.
“Kakatapos lang naming sumakay ng roller coaster,” sabi ni Sophia. “Ah. Pero kailangan na natin umuwi. Gabi na tapos may pasok pa tayo bukas.” Mahimbing na sinabi ni Lyza.
Nag-nod kami ni Sophia habang sabay-sabay kami umalis sa amusment park. Bigla naman huminto si Sophia at lumaki yung mga mata niya.
“Oh.My.Gosh.” Ang nasabi ni Sophia bago i-shake niya kami ni Anne. “Tignan niyo! Sina Shinto Jae Fernandez at yung tropa niya! OMG, ang pogi nilaaaa!~”
Tumingin kami sa itinuturo ni Sophia at na palaki din ang mga mata namin ni Lyza. Sa may harap namin, doon, sina Shinto na naka black leather jacket at tatlong lalaki na naka lean sa black na BMW na sasakyan habang may dalawang babae na kausap ni Shinto.
Si Shinto Jae Fernandez ay ang bad boy ng school namin. Siya yung pinaka top leader ng tropa niya na kilalang bilang HB (Hell Breakers) at tawag sa kanila ang mga ‘demons’ ng HB. Loyal daw talaga yung mga tropa ni Shinto sa kanya. Mayaman talaga ang pamilya niya pero sa narinig ko, mag isa nalang lagi si Shinto kaya parang mysterious ang buhay ng lalaki na toh. May itsura din si Shinto kaya naman kilalang kilala siya ng buong school. Jet black ang kulay nang buhok niya na halos covered na ang both eyes niya tapos navy blue naman ang kulay ng eyes niya. Very muscular ang body, pale skinned pa siya kaya halata na hindi siya yung tipong lalaki na mahilig lumabas ng bahay.
“Tch, ang landi naman ng mga babae na yun,” sabi ni Sophia habang nag bibigay ng death glare sa dalawang babae na kausap ni na Shinto.
“Malay mo, baka isa sa mga babae dun GF ni Shinto. Halika na nga. Late na at baka mapagalitan pa tayo,” Sabi ni Lyza.
Sumunod kami kay Lyza papunta sa dorm. Naririnig ko yung tawa ng mga babae na kausap ni Shinto. Hay naku, mga malandi talaga.

BINABASA MO ANG
Here Comes Trouble!
Teen FictionSi Cassie “Cass” Ortez ay isang 17-year old na babae. Siya yung pinaka top-notch student sa Camerson Academy. Lagi siya down na down sa pag-aaral. Hindi siya yung tipong babae na mahilig mag party at gumala. Nung nag start na mag part-time job si Ca...