İ

141 1 0
                                    

"Deniiiiisssseeee" bulyaw ng auntie ko na may nakasabit na tuwalya sa balikat.

"Bakit po auntie?" Sabi ko agad dahil alam kong kapag isang segudo pa ang wala ako eh matinding sermon nanaman ang aabutin ko.

"Bakit kulang ng tatlo ang mga plato?" Mataray niyang tanong sakin na nagpakabog naman ng puso ko.

"A-ahh e-ehh k-kas-si p-po m-may pusa pong tumalon galing bubong at aksidenteng natalunan yung mga pinggan k-kaya n-naba-asag po y-yung t-tatlo" mahina kong sabi na dama ang panginginig dulot ng takot sa mga tingin ni auntie.

Bata pa lamang ako ay naandito na ko nakatira kila auntie. Ang totoo niyan di naman ganito si auntie noong nabubuhay pa si mama ngunit nang namatay ito ng dahil sa malubhang karamdaman at nabaon kami sa utang ay naging ganyan na siya sakin dahil ako ang parati niyan sinisisi sa lahat ng kamalasang nangyayari samin.

"Ano ka ba?! Wala ka bang utak?! Minsan gamitin mo yang kokote para di nabubulok at puro kapalpakan nalang ang dinudulot mo dito sa akin!" Bulyaw niya na may kasama pang pagduduro sa noo ko.

Kung akala niyo ay iiyak ako eh hinding hindi yun mangyayari dahil sa kasamaang palad ay sanay na ko sa mga ganitong eksena.

Halos araw araw kung hindi niya ko nabubulyawan eh sandamukal na trabaho naman at kung hindi ay ikukulong sa bodega at di bibigyan ng pagkain hanggang kinabukasan kaya sanay na ko.

Minsan iniisip ko nalang na hanggang makatapos lang naman ng college ko toh titiisin eh at pagkatapos non.. hola! Aalis na ko at maghahanap ng trabaho.

"Hay nako! Bat di mo pa kasi yan paalisin ma? Eh wala na nga yan mabuting naitutulong dito?" Kinabahan naman ako sa sinabi ng pinsan kong si allana.

"Isa ka pa! Edi mawawalan tayo ng muchacha dito! Sino nalang ang maglilinis ng bahay? Magluluto? Maghuhugas?"

Nasaktan man sa sinabi ininda ko pa din ito at nagpasalamat nalang na mukhang kahit anong mangyari eh parang di naman ako mapapalayas ni auntie.

"Pasensya na po auntie papalitan ko nalang po ung mga nabasag pag nakuha ko yung sweldo ko sa martes" pagpapaumanhin ko sa mababang tono dahil halatang high blood nanaman si auntue sakin.

"Osiya! Mamalengke ka dun!"sabi niya at inabutan ako ng isaang daang piso.Mabilis ko naman itong kinuha bago pa magalit si auntie.

"Opo.. pasensya na po ulit auntie.." sabi ko at umalis pero bago umalis di ako nakaligtas sa mga masasamang tingin na pinukol sa kin ni allana.

Linggo ngayon kaya wala kaming pasok ni allana kasalukuyan akong nasa second year college at nag aaral sa Maria Christina College kasama ang pinsan kong si allana.

Actually magkaedad lang kami ni allana pero di kalat sa school na magpinsan kami dahil aniya nandidiri daw siya na isiping magkadugo kami.

Di ko nalang pinapatulan dahil baka lumaki pa ang away.

Bumili nalang ako ng isang kilong tilapia, repolyo, siling haba at iba pang ipangsasahog ko para sa sinigang at agad na umuwi dahil kung magtatagal pa ko eh baka bulyaw nanaman ang abutin ko.

















------------

A/n: Hi mga bebs hihihi expected na walang magbabasa nito pero since binasa mo sana ipagpatuloy mo... thanks sa pagbabasa lovelots❤

-sheng

Sold For A Million DollarWhere stories live. Discover now