So It's A Deal

42 4 0
                                    

*Alex's POV*

9:40 na, kailangan kong makaalis dito sa classroom at makapunta sa canteen as soon as possible, kailangan maunahan ko si bebe.

"Leslie, tulungan mo ako aacting ako" sabi ko kay leslie ng pabulong. Pakners in crime kami neto eh.

"Ok, basta yung pang lunch ko ha" sagot niya, madalas ko kasi siya ilibre eh. Scholar lang din kasi siya dito.

"Maam, excuse me nahihilo po ako" sabay acting na nahimatay at nagpasalo kay Leslie. Nakapikit na nga ako eh.

"Maam, dadalhin ko po siya sa clinic" sabi naman ni Leslie.

"Ok sige Miss Contreras, tutulungan ka na nila Dave at Sean" sabi ni Maam Lucid.

"No need maam, kaya ko na po" sabay hila sa akin ni Leslie. Nakakaladkad na ako ha. Aray ha.

So ayun nailabas na niya ako at nasa medyo may kalayuan na kami sa room.

"Here's for your lunch" sabay aboy ko sakanya ng 100.

"Salamat, ako na bahala magpalusot kay maam. Kukunin ko na rin ba yung bag mo?"

"No need babalik din ako." sagot ko.

"Sige pasok na ako." sabay alis na rin niya. At ako naman papunta na ng canteen.

Pagkarating ko ay nakita ko agad si Jade. Siya lang ang tao dito, malamang pinagbawal na naman niya ang iba na pumasok dito sa canteen.

Good, wala pa si bebe. Ayoko sanang kausapin si Jade pero no choice, kailangan kong gawin to para kay Bebe.

"Nickson" sigaw ko kaya napalingon siya.

"Oh Alex, bakit andito ka? Asan si Andrei?" sagot naman niya.

"Pwede ba ha tigilan mo na kami ha"

"Kayo? bakit? may ginagawa ba ako sayo?"

"Sa akin wala, pero kay Bebe Andrei meron"

"Ha? Masama bang magkagusto rin ako sakanya? O baka naman nagseselos ka? Bakit gusto mo na rin ba ako ngayon?"

"How dare you" sabay sampal ko sakanya.

Lalapit na sana siya sa akin at hindi ko alam ang gagawin niya pero natigilan siya sa sinabi ko.

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon