Kabahayang yari sa kahoy at semento, na mas nabibigyang pansin dahil sa maliwanag na kalangitan. Mga maiingay na kapitbahay, isama pa ang mabungangang landlady na naniningil ng renta, na sumasabay sa mainit sa yakap ng hangin sa balat ko.Ito ang araw araw na aking napapansin sa bawat umaga ko sa bayan na aking kinalakihan. Mas lalo kong nabibigyang pansin ang aming lugar tuwing ako ay nagpapalipas ng oras sa rooftop ng apartment na inuupahan ko.
Pinasadahan kong muli ang paligid bago ako bumaba at magtungo sa aking inuupahang apartment.
Nasa huling baytang na ako ng hagdan pababa sa rooftop nang makita ko ang aburidong mukha ni Aling Sebel na gigil na gigil sa pagkatok sa pinto ng tinutuluyan ko.
Malas, bulong ko sa aking sarili. Kung kailan namang walang wala ako saka maniningil ng utang ko sa renta si Aling Sebel. Nasa puntong tataas muli ako sa rooftop nang inabot muli ako ng malas dahil napansin ni Aling Sebel ang presensiya ko.
"Hoy Margarita pumarine ka nga sa harap ko." Nakataas ang kilay na sabi ni Aling Sebel.
"B-bakit po?" Nagdadalawang isip pa ko na lumapit sakanya ngunit lumapit pa rin ako dahil baka lalong magalit si Aling Sebel pag di ko siya sinunod.
"Aba Margarita anong petsa na oh? Hanggang ngayon wala ka pa ring bayad diyan sa kwarto mo? Aba dalawang buwan ka ng ganyan ng ganyan ah? Kung hindi ka pa magbabayad mapipilitan akong palayasin ka." Sabay bukas niya ng dala niyang pamaypay.
Napanguso na lang ako sa tawag sakin ni Aling Sebel.
"Aling Sebel bakit naman po Margarita? Ganda ganda ng—"
"Yasmeen Margarette Revo, aba'y kagandang pangalan nga ano? Tunog mayaman. Babagay sana pero mahirap ka pa sa daga. Kung gusto mong tawagin kitang Margarette o kaya Yasmeen aba magbayad ka muna. Kung ibenta mo na lang kaya ang pangalan mo, nang may maipangbayad ka naman sa renta mo! Ang kapal ng mukha mo umangal sa Margarita eh wala ka ngang pambayad sa renta." Taas kilay niyang sabi sakin. Sa ugali ni Aling Sebel makakapasok siyang kontrabida sa mga telenobela.
Grabe naman sa 'mahirap ka pa sa daga' di naman kaya, sadyang nagkataon lang na natanggal ako sa trabaho at wala pa kong nahahanap na pagtatrabahuhan kaya wala akong maipambayad.
"Ah eh, pupwede namang hong Margarita na lang ang itawag niyo sakin Aling Sebel." Mas lalong tumaas ang kilay niya sa sagot ko.
"Hoy Margarita, ano man ang itawag ko sayo pagbabayarin pa rin kita ng renta." Napayuko na lang ako sa sinabi ni Aling Sebel.
Paano na to? Wala naman talaga akong pambayad. Hays, nakakainis naman kase yung babaeng nagreklamo sakin sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko eh. Di ko naman sinasadya na matapunan siya ng coffee tapos nireport niya agad ako sa owner ng coffee shop, nag sorry na naman kaya ako sakanya. Hays, kainis talaga.
"Aling Sebel, wala pa po kase talaga akong maipapambayad ho sainyo eh, kita niyo naman po kakatanggal ko lang sa trabaho ko. Heto nga ho at mabubutas na ang tiyan ko sa araw araw na pagkain ko ng noodles. Maawa naman ho kayo sakin oh, magbabayad naman ho ako pagka nagkapera na." Sabi ko gamit ang boses kong kaawa awang pakinggan, sana lang maawa sakin to si Aling Sebel, dahil kung hindi, di ko na alam saan ako pupulutin neto.
"Haaaay nako ewan ko sayo, butas butas ang tiyan ka pang nalalaman diyan, nako pag ikaw di pa nagbayad, matatagpuan yang katawan mo diyan sa may ilog na butas butas." Sabi nito sabay irap.
YOU ARE READING
The Billionaire's Poor Girl
RomanceNababagay ba ang isang mahirap sa isang mayaman?