Demetria, nasan ka na?
Hindi kita mahanap
Kung ako'y iyong tatanungin kung sino ako
Ako ang iyong sarili.
Hindi kita maintindihan,
Bakit ikaw ay ganyan?
Bakit hindi mo kayang ipakita sa iba
Ang tunay mong nararamdaman?
Wala ng ginawa kundi ang magsilbing payaso sa ibang tao
Hindi iniinda ang lahat ng sakit na natatamo,
Emosyonal man o pisikal
Hindi ka pa rin umiiyak
Ngunit hanggang saan ka lalaban?
Ikaw ay may pinag aralan,
Bakit mo sila hinahayaan,
Na gawin lahat ang labag sa iyong kalooban?
------------------------------------