My Weird Boyfriend turns into a Hot Guy (OneShotStory)

3K 5 1
                                    

"Girl, bakit naman yun yung sinagot mo sa dinami dami ng manliligaw mo?"

"Ano naman? eh siya yung nagustuhan ko eh, tsaka para wala akong kaagaw sakanya. Nakita mo naman yung mga manliligaw ko diba? Sobrang dami ng mga babaeng umaaligid sakanila. Ayoko ng ganun, kontento nako sakanya."

"Kontento ka na dun sa weirdong yun? Dimo ba nakita itchura niya? Maygawd girl. Nakakasuka!"

"Excuse me? You're judging my boyfriend? Remember, boyfriend ko na siya. At kung sino man gumalaw o mambully sakanya, malalagot silang lahat saken! Even you Grace! So don't try on me."

~~~~~

Pag sabay kaming pumapasok ni Matt pinagchichismisan kaming dalawa. Yung iba sinasabe "Ano ba yang boyfriend niya, hindi sila bagay. Sayang beauty niya." yung iba naman "Ginayuma ata yung babae eh" nakakainis yung mga ganun. Hindi nila alam kung gano kalinis yung kalooban ni Matt. Bakit ba kase dun sila tumitingin sa physical na anyo at hindi sa ugali? Psh.

Dahil sa mga inggit at chismosang tao, nagiging matatag kaming dalawa ni Matt. As a matter of fact next Month half a year na kami. Sobrang mahal ko si Matt, alam ko hindi siya kagwapuhan. But who cares? Hindi naman yun ang tinitignan ko eh.

Oo pogi nga sila, pogi din ba ugali? Tss. They're like trash for me. What is beauty if your personality is ugly?

~~~~~~~

My name is Cheon Yi Seok. Pinakamagandang babae sa campus, as a matter of fact I'm the Campus Princess. Kinaiinggitan ng marami, dahil bukod sa matalino na't maganda ako, mabuti pa ang kalooban ko. Hindi ako kagaya ng mga babaeng magaganda jan na maganda lang sa labas pero pagdating sa loob wala na. Palaban din akong klase ng tao. Hindi ako basta bastang nabubully at mas lalong ayoko na may nabubully.

One time nagpapractice kami sa gym ng cheerdance namin, may biglang nagkumpulan sa gilid ng gym. Diko alam pero dinig ko nag aaway away. Dahil nga sa ayoko ng mga ganung klaseng bagay, lumapit ako at sinuway sila.

"Tigilan niyo na nga yan!" tumingin naman lahat saken, gumilid sila para makita ko kung ano mga nangyayare. Nakita ko yung isang kaawa awang lalaki na nakahandusay. Duguan yung bibig niya, basag yung salamin. Grabe halos dina siya makatayo.

"What happened? Sino may gawa nito sakanya?!" agad naman akong lumapit sakanya.

"Pwede ba?! Wag nalang kayong bastang tumayo jan?! Tulungan niyo kami!" may mga tumulong naman sakin. Hinarap ko yung lalaking tinuturo nila na bumugbog sa nakakaawang lalaki.

"Hoy ikaw!" nilapitan ko siya at bigla ko siyang sinapak ng napakalakas. Nanggigil ako grabe.

"Ano bang ginawa sayo ng taong yun at binugbog mo siya? Ha?! Gusto mo bang gawin ko sayo ang ginawa mo sakanya?!" Iba na aura ko. Naiinis ako sa mga taong walang ginawa kundi mangbully.

"Wag kang masyadong matapang babae. Baka dimo kilala kung sino kinakalaban mo!" sabi niya na pinupunasan yung dugo niya sa ilong.

"At sino ka naman para bantaan ako? Wala akong pakealam kung sino ka at wala akong balak malaman kung sino ka!"

"At pwede ba? Wag mo ng uulitin yang ginawa mo kung hindi, ako na makakalaban mo."

"Kayong lahat! Walang sino man ang may karapatan na mangbully ng kapwa niyo! Kung sino man ang mahuli ko na nangbubully, makakatikim saken!" at tuluyan nakong umalis.

Pumunta ako ng clinic para kamustahin yung lalaking duguan kanina. Nakita ko naman siyang nagamot na. Pumasok ako sa loob, umupo sa tabi niya.

"Okay ka lang ba? Wag kang mag alala, wala nang mangtitrip sayo." sabi ko sakanya

My Weird Boyfriend turns into a Hot Guy (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon