Best Friend o Best Love? (ONE SHOT STORY)

30 1 0
                                    

Franchesca Vogue’s P.O.V:  ( Sa Buwan ng  Enero)

“Hoy, gumising ka na riyan at may gagawin pa tayo!!!!!!!!!” Sigaw ko sa kanya sabay batok sa kanyang braso dahil parang napahimbing yata tulog nito.

“Aray naman.Hindi mo naman kailangan gawin iyon,mom!!!!” 

Ayyyyyyy!!!!! Ang batang ‘to.Nagawan pa akong pilosopohan. Hah!! May salita ba namang ganyan?!!! Anyways…

“Sabi ni Tita Rylie gisingin kita.Kailangan pa kasing bumili ng gatas para kay Erica.”

Si Erica naman ang 1 taong gulang na  kapatid ni Augustus at dahil wala pa ang babysitter niya, sila muna ang mag-aalaga at talagang hindi naman ito kayang hindi papansinin ni Augustus. Love kaya niya ang sister niya. So much for that, ako si Franchesca Vogue, 17 years young, ang bespren ng sikat na basketbol player sa paaralan naming “Westlife High” . Hindi naman ito ‘yong kuwento,  siya ang sikat at ako naman ang ‘nerd’. Sikat din naman ako sa skul dahil matalino ako at ako ang napiling representative sa kahit anong contest. Sabi naman ng iba maganda naman daw ako pero ayokong maniwala, lahat naman tayo maganda sa iba’t iba nating mga paraan.

“Ughhhhhhhhhhhhhh…..Fine.” Sumimangot siya at kumuha ng unan.

“Aray ko!!!!!!! Ang sakit nu’n ha.” Binato pa naman ako ng unan. Walang hiya ‘tong lalaking ‘to. Bakit kaya kami nagbespren noh?!

Tumawa siya at sinampal ako nang mahina lang.

“Gaga.Ang O.A mo,Frannie…unan lang naman iyan!!!”

See, let me restate what I just said. Bakit kaya kami nagbespren nito???............Oo nga pala, bespren ang mga ina namin kaya noong iniluwal kami, nagkasundo sila na kailangan parehong paaralan, parehong activities at  pareho lahat.Buti na lang hindi naman parehong undies. ..hahaha

“Hoy hali ka na at tinatawag na tayo ni mama” Hinawakan niya ang braso ko at hinatak ako  sa labas ng kuwarto niya.

“Uhmm…alam mo naman siguro di ba na topless ka ngayon?” Tanong ko sa kanya dahil wala naman siyang planong magsuot ng shirt

“Huwag na, sa kabilang bahay lang naman ang tindahan eh,” sabi ko na nga ba ang tamad-tamad ng lalaking ‘to.

“Hi po tita!!!!” sabi ko sa kanya sabay hug. Close kaya kami ni tita Rylie,kulang na nga lang eh patirahin ako sa bahay nila.

“Hi iha!!!! Sorry talaga at naabala kita. Ang tamad-tamad kasi ng anak kong ito.” Sabi niya sabay pikot sa tenga ni Augustus. Si Augustus naman ay nagkunwaring nasaktan pero alam ko, he’s also very fond of his mom.

“Ma, punta na kami.” Paalam ni Augustus at iyan, nagpaalam na rin ako.

“Hephep, anak…bakit nga ba kitang binibilhan ng mga damit lalong-lalo na ang t-shirts???” Tanong ni Tita Rylie na sabay point sa chest ni Augustus.

“Ma, madali lang naman ito eh. Nasa kabilang bahay lang naman ang tindahan,” sagot ni Agustus.

See, tamad, lazy, ano pang ibang synonyms na nasa Merriam Dictionary, ginawa para lang sa kanya.

“At, parang wala naman akong hindi ipapakita nito eh,” dagdag niya na sabay hawak sa kanyang katawan.

In fairness, maganda naman katawan niya pero hindi naman kailangan ipakita di ba para masabihan ng ganyan.

“Wohoooooooooooooooo,” sigaw ng puso ko “Pangmiss universe na iyan!!!!”

“Tanga, tanga, tanga. Pareho lang tayo na nasa iisang katawan,” sigaw naman ng utak ko.

Best Friend o Best Love? (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon