Hindi Mabilang Na Dahilan

86 2 0
                                    

Hindi Mabilang Na Dahilan

Ang bilis nang araw, ang bilis lumipas.
Lahat ang bilis tumakbo parang ikaw at pag-ibig mong kumupas.

Ang sarap sa pakiramdam na may isang taong darating sa buhay mo at araw-rw sasabihing mahal ka niya. Ang sarap isipin na sa dami ng tao sa mundo may isang darating at ipaparamdam sayo,  ipaparamdam sayo na mahalaga ka, mahal ka at hindi nakikita ang iba sa paligid niya.

Lagi akong napapangiti kapag nakikita kita kasi ako yung tinatawag mong mahal mo diba,  tayo at nangakong mamahalin ang isa't-isa hanggang dulo,  hanggang dulo pero bakit naging hanggang dito?

Kapag nakikita kita ang sasaya mo hindi dahil sakin kundi dahil kasama mo siya, naiinggit ako,  hindi pala, nagseselos ako. Kasi sana ako yung gunagawa niyan para sayo. Ako sana ang nagpapasaya at lagi mong kasama pero anong magagawa ko kung nararamdaman kong hindi ako yung taong hinahanap mo para gawin to. Akala ko ba tayo lang dalawa,  akala ko ba kaibigan mo lang siya.?

Ilang beses na kitang pinaglaban pero ilang beses ka na ring sumuko.
Ilang beses ka nang bumitaw, kumapit ako habang sumisigaw.
Sumisigaw na hindi kita kayang mawala, hindi kita kayang mawala kasi ikaw ang ligaya ko,  buhay,  mahal at nagsilbi ko nang mundo.

Iniwan mo ako sa mga dahilang napakalabo,  umalis ka nang tuluyan at kung saan saan lumiko, pasikot sikot ang palusot at di ko alam kung alin ang paniniwalaan,  Saan tayo hindi nagkaintindihan at ano ang nasirang hindi mo naman nabuo? Ang dami mong iniwang dahilan na nagpagulo,  nagsisikan sa utak t pati na sa puso ko. Ang sakit,  ang sakit sakit na nakikita kang papalayo at walang makakapagpahinto sa pagpatak ng mga luha kahit mag abot ka pa ng panyo.

Pero alam mo yung mas masakit yung pinaniwala mo akong babalik ka pa,  pero pagkalipas ng ilang atmraw mayroon ka nang ibang sinisinta.
Hindi mo naman kailangan gumawa o mag imbento ng naraming kwento para iwan ako sana sinabi mo na lang.
Sinabi mo na lang na di mo na ko mahal, iiwan mo na ko at magpapakasaya sa taong alam mong para sayo at hindi yun ako.
Alam ko naman eh, alam ko pero hindi mo alam na alam ko kasi iniisip mong tanga ako, hindi tanga ang nagmamahal,  hindi bulag,  kundi umuunawa at minsan kailangan din magpalaya.

Hindi ko pinaparamdam sayo na hindi ako nasasaktan, ngumingiti ako at kunwari ayos lang.  Pero may mga sitwasyong bigla na lang tutlo ang luha ko hindi ko alam, hindi ko namamalayan.
Ang sakit palang maiwan,  ang sakit sakit lang na iwan nag taong akala mong kapag sumuko ka ay siya namang lalaban.
Hindi ko alam kung paano magsisimula at ibalik ang dating ako na buo dahil kasama ka pa,  paano na ko kung buo kana ulit sa piling ng iba.
Sa piling ng taong inakala ko papatatagin tayo at sa atin ay susuporta nun pala ay sisisra at sa akin ay aagawin ka niya.

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon