10 years ago......................
Hindi magkamayaw ang mga supporters ng magkabilang liga ng basketball teams na maglalaban para sa match na iyon. Palakasan ang hiyawan. Dumadagundong ang buong gymnasium sa ingay, hindi na magkarinigan, tanging cheering lang ang nangingibabaw. Mas maingay, mas magulo. Dahil ang maglalabang dalawang liga ay binubuo ng mga kasali sa federasyon. Meaning, lahat binabae ang kasali sa bawat team. Iyon ang isa sa pinakakaabangan ng karamihan sa mga estudyante ng Pearl of the East University tuwing University Foundation week na tumatapat ng Pebrero, dahil finale iyon, pagkatapos ng lahat ng palaro na para sa lahat at bago ang awarding.
"Excuse me, excuse me, excuse mehhh!!!" halos hindi na makahinga si Bianca sa labis na siksikan. Hila hila niya ang kamay ng kaibigang bakla na si Maryah Keri, na hila hila naman ang kamay ng isa pa nilang kaibigang si Asunta para lahat sila makasiksik sa unahang bleachers sa gymnasium na iyon. Mas maganda kung malapit lang sila para makita nila ng mas maigi ang laro, saka may sinusundang baklang player si Maryah Keri.
"Miss, puno na ang bleachers dito sa unahan, sa taas na lang kayo,"awat ng isang facilitator sa kanila. Gahibla na lang sana ay makakarating na sila sa tinutumbok na pwesto.
"Kuya, may space pang nasa-sight ang aking eyes, kung hindi mo natatanong, tumi-teleskopyo ito," in-empasize pa niya iyon sa pamamagitang ng pagpipilantik ng mga mata.
Napalatak ang facilitator sa kanya.
"Hindi na nga pwede miss, wag ng makulit, doon sa taas, madami pang space. Nakakaabala ka."
"Look here, kuya." Itinapat niya ang EKONOMISTA ID niya sa mukha nito. Sa mga pagkakataong ganito ay kailangan niya ng pass, wala naman siyang balak gamitin iyon dahil iba ang nakatoka na gumawa ng article sa event na iyon subalit kailangan, hindi sila makakapasok sa unahang bleachers. Miyembro kasi siya ng college publication ng College of Business Management, Accountancy and Economics, dahilan kung bakit nakakapag-aral siya ng libre sa magandang eskwelahan na iyon. Scholar kasi siya dahil sa school publication. She won in a national competition in journalism during her senior years in high school that automatically landed her the full PEU scholarship grant. Binigyan din siyang karapatan na makapamili ng course, kahit na hindi related sa Journalism, which is BS in Economics. Feuture Editor siya sa EKONOMISTA, at walang kinalaman ang event na iyon sa trabaho niya.
Napakamot na lang ang facilitator.
"Sige, pass."
"Go mga beks! Coming na tayo! Yuhoo!" tuwang tuwa na siya ng mapansing naiwan ang dalawang kaibigan.
"Mga beks!"
"Sorry miss, ikaw lang ang allowed."
Namaywang siya.
"Hoy, kuya, kasama ko ang mga iyan, photographer!" Itinuro niya si Maryah Keri, "Cheerer!" Itinuro niya si Asunta.
"Sige na, sige na!" halatang naiinis na sa kanila ang facilitator. Pero pinapasok pa din ang dalawa.
Sumabay sa ingay ng crowd ang tili nilang tatlo.
"Wagi! Winner ang beauty mo beks!" ani Maryah Keri.
"Ako pa ba!" maarteng nag-flip pa siya ng hair. Tawanan sila. Humanap na sila ng pwesto. Saktong dalawang magkatabing bleacher na lang ang available. Nagkatinginan silang tatlo.
"Uwi na Asunta, sayo pa lang di na ito kasya, hmp..." inginuso ni Maryah ang katawan ni Asunta. Napagkakamaliang mataba ang kaibigan nila kahit hindi naman masyado, malaking babae kasi ito at curvaceous pero mababa.
BINABASA MO ANG
30 Days with You (Completed)
RomanceBianca and Trevor met and fall in love in college. Subalit dahil sa hindi inaasahan ay nakipaghiwalay si Bianca sa kasintahan - where Trevor got on an accident the night after they broke up. Nagka-amnesia si Trevor, hindi na maalala si Bianca. But h...