The Deal one shot (complete)

287 5 7
                                    

The Deal (one Shot)

by: sakura4ever

A/N: eto na naman po ako at nakagawa ng story.. kung anu ano po kasi pumapasok sa toktok ko at nakakaimagine ako ngayon ng kung ano-ano.. hehe :)) but hope you like it.. pasensiya po kung may mga typo or wrong grammar man ako diyan.. thanks <3

-------------------------------------------------------

"James, sinong tinitingnan mo diyan?"

"huh? wala ah!"

"sus, kunwari ka pa! eh sa tuwing dito tayo nagpapractice lagi mo tinitingnan yung babae dun na palaging nakaupo sa bench kapag napunta tayo dito eh"

Hindi ko na lang sinagot si France. Andito kasi kami ngayon sa park kung san kami lagi nagpapractice ng sayaw para sa mga sinasalihan naming contest. At sa tuwing magpapractice kami dito, may babaeng laging nakaupo dun sa bench malapit sa stage. Kung minsan nanunuod siya sa practice namin pero madalas ang pinapanood niya eh yung mga batang naglalaro.

Sa totoo lang, maganda siya, maputi at maamo ang mukha. Mukha siyang mabait at mahinhin. Matagal na rin akong interesadong malaman kung ano talaga ang buong pagkatao niya kaso inuunahan ako ng kaba at hiyang lumapit sa kaniya kaya hanggang tingin na lang ang nagagawa ko.

"uy James nakatunganga ka pa rin dyan. Start na ang practice! Mag-ayos ka na nga diyan!"

"opo ito na po"

hmm.. siguro naman makikilala ko rin siya..

soon..

-----------------------------------------------------------

YES!!

Nanalo kami sa contest!! haha ^O^ Anyway, andito ako ngayon sa park. Hindi para magpractice, kundi para hanapin yung babaeng laging nakaupo sa bench. Dahil masaya ako ngayon sa pagkapanalo namin, napagdesisyunan kong kausapin na siya at kilalanin sya.

At di nga ako nagkamali, nakita ko siyang nakaupo doon. Palapit na ko sa kaniya ng makita kong may tatlong lalaking lumapit sa kaniya. Hindi muna ko dumeretso patungo sa kaniya at tumayo muna ko sa isang tabi na maririnig ko ang usapan nila. Ano kayang kailangan nila duun sa babae?

Narinig kong nagsalita na yung pinakamatangkad sa tatlo..

tangkad: hi miss, bat nagiisa ka lang diyan?

hindi sumasagot yung babae, hindi rin siya nakatingin sa mga lalaki. Dun siya nakatingin sa mga batang naglalaro. Tapos yung naka-jacket naman yung nagsalita.

naka-jacket: miss bingi ka ba?

tapos yung pandak naman ang nagsalita..

pandak: pare bingi ata toh eh, at mukhang bulag pa. Parang hindi tayo nakikita.

Winave ni pandak yung kamay niya sa mukha nung babae, parang tinetesting niya kung nakakakita ba yung babae o hindi.

tangkad: pare, walang pakialam oh! banatan na natin toh!

ano daw?! babanatan nila yung babae?!

naka-jacket: hingan na lang natin ng pera pang yosi pati panginom pare..

pandak: dalhin na lang kaya natin toh sa kuta natin, mukhang mabubusog pa tayo dito..

tangkad: uy! mas type ko yan ah! sige yan na lang gawin natin..

Hala! Hindi ako papayag diyan!! Pupuntahan ko na siya!! Ayaw ko ng tumunganga at manuod lang sa kanila!! Ang nakakainis lang, itong babae parang walang pakialam sa pinaplano nila dahil tahimik pa rin siyang nakaupo at nanunuod dun sa mga batang naglalaro!! Hindi ba siya pwede magreact?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Deal one shot (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon