Cliche on Christmas I
"Anu nanamang ginagawa mo dyan hub?! Anung Amoy yon?" Natanung ko nang maabutan ang usok na ginawa Nya sa loob ng kusina.
"Wala kang pakialam!! Wag mo nalang akong pansinin." Sagot nyang hindi manlang tumingin sakin.
"Kaylan ka pa natutong magdroga?" Yun agad ang naitanong ko. Hindi ako tanga para hindi malaman Kung anong ginagawa Nya.
"Wala kang pake!!" Tanging sagot Nya lang.
"Nung nakaraan namakla ka! Ngayon droga naman? Nung pinagpalit mo ko sa mas pangit saken ay na tanggap ko, pero ang magdroga ka? Sobrang delikado na yan sa panahon ngayon!!" Nasabi ko sa pagaalalang Baka matulad sya sa mga napatay ng awtoridad dahil sa paggamit ng pinagbabawal na gamot.
"Mas maigi na yon kaysa--" *pakkk
Oo nasampal ko sya dahil ayokong sakanya manggaling na ayaw Nya na sakin."Bakit nasasakal ba kita? Mali bang nagalit ako nung naguwi ka ng bakla sa pamamahay ko? Ang magpapasok ng kung-sinusino sa bahay ko?" Sumbat Kong nagpagalit sa ekspresyon ng mukha Nya.
"Sige ipagpangalandakan mong pamamahay mo tong putang inang bahay na to!!!" At bigla syang umakyat sa Taas kaya sinundan ko sya.
Pagkakita ko ay ipinapasok nyang pilit ang mga damit at gadgets na binigay ko sa kanya, winasak Nya din yung build-in na alkansya ko sa pader ng kwarto namin.
"Anong ginagawa mo?" Natataranta kong tanong,"Lalayasan na kita Cedric!! Hindi na ko masaya sayo!!! Sakal na sakal na ko!!!" Naluluha nyang sagot.
"Putang Ina mo!!!! Pinagpalit ko ang pamilya ko sayo tapos ganito?" Naiyak ko Naring sumbat sakanya. Parang sobrang biglaan ng pagbabago nya at walang slow transition na sobrang kina inis ko, na feeling ko ay una palang niloloko Nya na ko, na feeling ko nung una palang ay Plano Nya na to pero bilang sa propesyon ko ay Hindi dapat ganon ang pananaw ko, na Baka may masmalalim na dahilan ang kalokohang to. Pinahinahon ko muna ang sarili bago muli syang kinausap.
"Hindi na ba magbabago ang isip mo hub?" Tanong ko at yumakap sa nakatalikod nyang katawan.
"Hindi na kita gusto. Gusto ko ng anak Cedric!! Gusto ko ng pamilya." Sagot nyang Hindi tumitingin sakin.
"Kaya Kong mag-ampon. Madali Lang satin yon, mapapakiusapan ko yung supervisor namin at pwede nating mapadali ang--" humarap sya at hinawakan ng sobrang higpit ang braso ko.
"Alam Kong Hindi ka bobo kaya alam Kong naiintindihan mo ang gusto ko." May emosyon sa mata nyang Hindi ko maintindihan Kung lungkot ba o galit. Pero mas nanaig ang hapdi ng hawak Nya sa braso ko na parang Plano nyang putulin sa higpit ng hawak Nya.
"Nico nasasaktan ako. Arrayyy Nico Anuba?!!!" Piglas ko ng pagkalakas lakas ng maisip Kong wala syang planong bitawan ako. Nang nabitaw sya ay bigla na syang umalis at Hindi na nagpaawat sa iyak at pagmamakaawa ko. Iniwan ako ng kaisaisang importanteng Tao sa buhay ko sa importanteng araw ng buhay ko, ika-disisais ng desyembre...
ang aking kaarawan.
At doon nagsimula ang pagiging miserable ng buhay ko. Dumaan ang dalawang taon Kung San matagumpay kong nasira ang sarili ko.
Nandyang nagloko ako, nagrebelde sa mundo, nagpakawasak, nagpagamit at natanggalan ng lisensya sa pinangarap na propesyon.Isang gabi sa paglalasing sa isang bistro ay nakalimutan ko ang wallet ko at wala akong ni singkong duling, pero tuloy Lang sa inom at Di ko na itinigil para Di mahalatang wala akong pambayad, nang maubos ang huling bote ay tumawag ako ng waiter at nagpadagdag pa; nang umalis sya ay kaswal akong naglakad palabas na parang wala akong pananagutan. Nang marinig kong:
"Sir! Wait Lang, dadagdagan ko pa yung order ng kasama ko at dito mo na kunin yung bayad sa card ko." Sobrang pamilyar ang boses na yon at Hindi ako pwedeng magkamali. Nag tuloy-tuloy ako sa paglalakad papunta sa kotse ng ate ko, Oo sa dalawang taon ay kinuha ako ng ate Kong si ate Cindy, sya Lang ang kinakapitan ko ngayon dahil walang wala ako at sya Lang ang meron ako; anyways...Nakarating ako sa kotse ng ate ko at nagkulong ako doon, umiyak ng umiyak nag-tantrums sa loob at Di sinasadyang napindot ang busina na nag tawag sa atensyon ng ilang Tao sa parking lot kasama ang kararating Lang na si...
Nico.
Inistart ko na ang makina at pinaandar ng humarang si Nico sa dadaanan ko pero tinuloy ko Lang kaso nakailag sya.
Pagkalampas ko sa pwesto Nya kanina ay huminto ako at binuksan ang bintana, halatang gulat pa ang ilang Tao sa parking lot nang tignan ko sila pero inignore ko sila at tumingin sa likod Kung saan sya nakapwesto sabay sabing:
"Ang pinaka nakakatakot sa lahat ay ang taong wala nang mawawala at naghahanap nalang ng hihilahin papuntang impyerno." Sabi ko sakanya ng Walang emosyon."Edi magpapahila ako." Pagkatapos na pagkatapos nyang sabihin yon ay pinaandar ko paatras at nakailag ulit sya.
"Puta ano ba!!" Sigaw Nya na halatang kinabahan din. Pinaandar ko na palayo sa lugar ang kotse ko at isinara ang bintana at binuksan ang aircon. Binuksan ko ang stereo...
🎵 Pasko na~ sinta ko~ hanap-hanap kita~🎵
Naalala ko Lang na mag-papasko na pala
🎵 nilisan ako~ Kung mawawala ka~ sa piling ko sinta~🎵
Nilipat ko ang stereo...
🎵 I don't want a lot for Christmas~
there's one thing i need~
Nilipat ko ulit...
🎵 pasko ng damdamin~ pasko ng damdamin~
Pinatay ko nalang at ayokong maging masaya.Nakarating ako sa bahay at parang walang katao-tao at nakapatay ang ilaw. Biglang...
"KYAAAAAAAAAAAARRRRRRK" marahas na sigaw na tila ginigilitan na nagmumula sa loob ng bahay kaya walang kiyeme'y tinakbo ko papasok ang bahay at..."SURPRIIIIIIIIIISE" Sigaw ng sobrang daming Tao. Mga taong ayokong makita, mga taong inspirasyon sa pagkasira ng buhay ko; sila ay ang pamilya ko't si Nico.
Sobrang nasorpresa ako; Kung saan gusto kong ibigti ang sarili sa harap nilang lahat.Tumakbo ako palabas, ayaw Kong makita ang Kung sino man.
Tumakbo ako papunta sa dulo ng main road ng subdivision Kung saan nandoon ang malaking tubig, at rumaragasang ilog.
Walang alinlangan kong tinalon ito at natapos ang lahat.
BINABASA MO ANG
CLICHĒ
Short StoryImagination is the funniest, wildest and bottomless thing in your mind that you can enjoy. But what if imagination plays around and trick you, to the point that you can't even know how to differentiate the real world and your paradise-like illusion...