#Y
"hahahahahaha" panay ang tawa ko , nanonood kase ako ngayon pero hindi dahil sa pinapanood ako natatawa kundi dahil sobrang baliw ng kasama ko .
"Moses ano ba? Kanina ka pa ha" natatawang sabi ko eh pano ba naman kase simula nung nag umpisa tong pinapanood naming wala syang ginawa kung hindi takpan ang mata at tenga ko at syempre tinatanggal ko yun para naman maintindihan ko yung pinapanood namin.
"Juls naman alam mong hindi mo dapat pinapanood yan at naririning alam mong bawal nyan sayo" pagmamaktol nya sa akin.
" wag kang ano dyan Moses parehas lang tayo ng edad kung ikaw nga nagawa yan ako nga pinapanood lang eh" natatawa kong sabi sa kanya. "kaya ikaw pwede ba behave ka lang dyan gusto kong panoorin yung pinaghirapan mo" tumango na lang sye pero naka pout ang cute nya talaga
Naging maayos naman ang panonood ko kaya lng hindi ko maiwasang mag react
"Sanay na sanay ah , yun totoo Moses guymagamit ka nyan noh" nandun na kase sa scene na nag tetake sila ng droga.. lumingon sa akin si Elmo ang sama ng tingin nya sa akin.
"Joke lang ito naman hindi mabiro" pag bibiro ko sa kanya Halos tawa na naman ako ng tawa
"Moses Bagay sayo yung baliw baliwan mo" parehas kameng natatawa sino ba naman hindi matatawa diba , sobrang bagay lang talaga sa kanya
"magiging ganyan ako Juls kapag nawala ka sa akin" seryosong sabi nya sa akin.
" Hindi ako mawawala sayo Promise" pag sisisguro ko sa kanya
Ang mga sumusunod na eksena ay ikanagulat ko ng bonggang bongga sa in bonggang bongga sa sobrang gulat ko hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko , tatakpan ko ba mata ko ? o itutuloy ko ang panonood ? nagulat ako ng biglang dumilim ang pinapanood ko . tinakpan pala ni Elmo ang mata ko at sa pagkakataong yun hindi na ako pumalag pa
"pinabigyan na kita, ngayon ako naman ang masusunod kahit dyan lang sa eksenang yan , hindi mo dapat yan pinapanood o Makita pa" bulong nya sa akin, tumango na lang ako hindi na ako pumalag pa ayoko din naman panoorin yung ginagawa ni Kit ang kadiri kaya Hahahahahaha
Pagkatapos ng ekesena ni Kit tinanggal na ni Elmo yung kamay nya sa mata ko, tahimik na kameng nanonood Feel ko tuloy ang awkward dapat pala si Maqui na lang ang sinama kong manood nito
"Okay lang yan Juls wag kang ma awkward" bulong ni elmo
"oyyy hindi kaya" mabilis kong sabi sa kanya
"kilala kita Juls , titig mo pa lng alam ko na ibig sabihin" tumahimik bigla ako . kilalang kilala nya na talaga ako.
Ito na ang eksenang pinaka masakit na part para sa akin ang Love Scene nila ni Sophie, tatakpan na sana nya ang mata ko ng bigla ko syang tinitigan ng masama at dinuro sya.
"Su-bu-kan mong tak-pan ang ma-ta ko ya-ri ka sa a-kin" madiin kong sabi sa kanya
"pero Juls ayokong masaktan ka kaya please hayaan mo akong takpan mata mo please" pagmamaka awa nya
"NO" madiin kong sabi sa kanya at pinandilatan ng mata at sa pagkakataong yun wala syang magawa
Hindi ko namanlayan humihikbi na ako ng marinig ni Elmo ang hikbi ko bigla nya akong niyakap ng sobrang higpit
"I Love You Juls I Love You Juls I Love You Juls I Love You Juls I Love You Juls palagin mo tatandaan yan I Love You Juls I Love You Juls" pa ulit ulit nyang binubulong sa akin yan atlis kahit papaano medyo gumaan ang pakiramdam ko , humiwalay sya ng yakap sa akin at pinunasan nya yung luha sa mata ko "I Love You Juls tandaan mo palagi yan ah"