Chapter 24 -Devil wolf

25.9K 794 26
                                    

Narrator's POV

Wala ng malay si Daseri dahil sa ginawang pagatake ni Randish sa kanya,punit punit narin ang damit nito at marami narin syang sugat at galos na natamo.

Humandusay ang walang malay na katawan ni Daseri sa lupa,sinlamig ng hangin ang kanyang katawan sa kabila ng mga lapnos na natamo nya dahil sa bolang tubig na umuusok pa tanda na napakainit nito.

Natulala si Roki sa nasaksihan, hindi nya lubos na akalain na may makapagpapabagsak sa kinikilala nyang Titania,at tanging isang Avera lamang ang may gawa nito sa kaibigan nya.

Bakit..???Papano...??

Yan ang tanong na hindi pa mabigyan ng kasagutan ni Roki, papano na talo si Daseri? Bakit hindi nya nagawang talunin ang isang avera na kung tutuusin ay may mataas panga ang rango nito.

Hindi mapigilang isipin ni Roki na baka mali ang naging pasya ng dating Titania na bawing sususnod na Titania si Daseri, pero sya at si Lilith ay iisa kaya imposibleng matalo ito.

Patakbo syang lumapit dito,inalalayan nya itong iunan ang ulo nito sa kanyang ito,tinanggal nya ang kanyang suot na jacket at ipinatong kay Daseri para matabunan ang kawawa nitong katawan.

Hinaplos nya ang mukha nitong mayron pang galos sa kabilang pisngi at malaking sugat sa noo nito a may tumutulo pang dugo.

"Daseri........gumising ka.."pagsususmamo ni Roki sa kaibigan,palagi man nya itong inaaway ay totoong naging kaibigan nya ito.

Lubos syang nag-aalala dahil baka napano na ito,hindi nya alam ang uunahin

Hihinga ba sya ng tulong o gagamutin nya muna si Daseri, nalilito rin sya dahil hindi pa sya nakakabawi sa nangyari.

Tinignan nya si Randish na hangang ngayon ay napapalibutan parin ng berdeng aura nito at nasaganun parin itong anyo.

Gusto man nyang lumaban pero aaminin nyang wala syang laban dito dahil kahit pinagkalooban sya ni Daseri ng kapangyarihan at bagong kakayahan ay hindi parin nya ito matatalo.

Dahil hindi sapat ang kapangyarihan nya ngayon dahil atagal tagal natin ng huli syang kumain ng kaluluwa ng masasama.

Habang si Randish naman ay malamig at walang emosyong nakatingin sa walang malay na si Daseri sa mga hita ni Roki.

Hindi nya maintindihan pero kaninang inaatake nya ito ay parang may pumipiga sa kanyang puso na hindi nya lubos na maintindihan kapung bakit.

Pero kailangan na nya itong tapusin dahil isusunod na nya ang lapastangang sumira sa kainosentihan nya,si Kyo!

Bagamat nakatakas at nailayo ito ng pinuno at ibang kasamahan nito ay magiging madali lanh sa kanya ang hanapin ito dahil isa syang avera na may malakas na pandama.

Hindi nya lang kayang kontrolin ang tubig,maging ulan at lahat ng bagay na may tubig ay makokontrol nya at mayron pa syang kakaibang abilidad dahil isa syang diwata ng tubig.

Hindi lang sya nakakalipad ,kaya nya ring mabuhay sa tubig dahil sa anyo nya.

Iniangat nya ang kanyang kamay sa ere,at lumabas ang liwanag sa kanyang kamay na kulay asul at berde.

Mayamaya pa ay kumawala rito ang tubig sa kanya mga kamay at pumopormang malaking bilog na gawa sa tubig na umuusok pa senyales na mainit ito.

Sa gagawin nyang ito,maaring mamatay ang sino mang tamaan ng kapangyarihan nyang ito dahil iba ang tunig na ito sa gamit nya kaganina.

Habang si Roki naman ay niyakap si Daseri na tila prinoprotektahan ito sa gagawing pag atake ni Daseri.

Inihagis ni Randish ang bolang tubig sa direksyon nila Daseri at Roki,ipinikit naman ni Roki ang kanyang mga mata,kung mamamatay syang muli ay nagpapasalamat sya dahil binigyan sya ng pagkakataon muli ni Daseri na mabuhay.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon