Chapter 14

56 13 0
                                    


Nakarating kami sa dulo ng zipline. Pakiramdam ko ay hindi mawala sa labi ko ang ngiti. Gusto ko pa atang umulit. Isang mataas na tore din ang sumalubong sa amin ngunit ang toreng ito ay hindi sing taas noong sa kabila, malaki ito at malawak ang looban. Tinulungan kami ng mga tauhan roon. At nang matapos ay umupo kami sa gilid upang hintayin ang pagdating nila Angelo.

"You really enjoy it huh?" nilingon ko si Art. His eyes was directed on me with humor. It seems like he's been watching my reactions since a while.

"And you didn't?" he tilted his head on and stare more.

"How could I?" I just smirk at him and lead my face back to the beautiful surrounding.

"Wow. Parang hindi ka na amaze sa nakita mo kanina." I said without facing him. I heaved a breath. Bakit ang tagal nila? Ano pa bang ginagawa nila roon?

"Maganda naman. But sometimes, we forget how beautiful things we seen before when something a lot more beautiful appears. Just like now."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nilingon siya. He's smirking while teasingly looking at me. My heart skip a beat. Pero nang ilang sandali ay natawa ako sa kanya. Tumaas ang kilay niya sa akin.

"Bumabanat ka ba?" Nagkibit balikat siya at iniwas ang tingin sa akin. "Hey? Don't tell me you're trying to pull some corny lines Art? Eww. Haha."

"Tss. I'm just trying."

"Okay. So you'll know what to say on Ashley?" He's smiles gone. He faced me with his blank expression. "What?"

Kinabahan ako. I know I am out of timing. Pero ginagawa ko lang ang alam kong tama. Pagod ang tinging itinapon niya sa akin. Walang salita ang lumabas sa bibig niya na para bang pagod na siyang kumontra.

Dinig namin ang malakas na ingay ng kumakalansing na bakal dahilan upang maputol ang tinginang binuo namin at lingunin ang paparating na kasama namin. Malakas ang sigaw ni Cassandra at ganoon rin si Angelo. Papalapit na sila at naging klaro sa paniningin ko ang pagkakakapit ni Cassandra sa braso ni Angelo, nakahilig rin ang ulo niya na parang takot na takot.

Nang makarating na sila ay tamatawa si Cassandra habang dumarekta agad ang paningin ni Angelo sa aming dalawa pero hindi iyon nagtagal ng limang segundo dahil nakangiti agad nitong binalingan si Cassandra.

"Angelo you look pale, are you alright?" Naiilang na ngumiti ito sa kanya. Cassandra touched his face and he just let her. Naputol iyon nang agad siyang mapatakip siya sa bibig niya. Napatayo ako at akmang lalapit nang makitang pumulupot ang kamay ni Cassandra sa likod niya. Pumunta si Art sa gilid at nilingon ako ni Cassandra nang may kakaibang tingin. "I can handle him." sinundan niya ito at marahang tinapik ang likod.

Ang dugo sa lahat nang katawan koy nag uunahan sa pag akyat patungo sa ulo ko. Mabilis ang paghinga ko at nagtiim bagang habang pinagmamasdan sila.

Hindi iyon mapuputol kung hindi lamang hinawakan ni Art ang baba ko at hinarap sa kanya.

"My favorite view is now gone. Is it because of them?" mas lalong humugpit ang panga ko at inilag ang mukha sa pagkakahawak niya. Hindi ko siya sinagot at tumingin na lamang sa tanawin sa harapan, kita parin sa gilid ng mga mata ang dalawang magkadikit, todo ang alalay sa kanya ni Cassandra habang siya ay patuloy sa pagsusuka. 

"Cassandra likes him." usal ni Art. Hindi ko siya kinibo. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng gana ko. Kung paanong kanina ay aliw na aliw ako at bigla nalang nawala ang pakiramdam na iyon ay hindi ko alam.

Hindi ko mapigilan ang pag lingon sa kanila. Nakaharap na sila sa amin at hindi ko rin inaasahang nakatoon ang mga mata ni Angelo sa akin. It is different from his usual expression. Simula noong dumating kami rito ay nag iba na ang pakikitungo niya sa akin.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon