“sino bang crush mo?”
“si LEE MIN HO..”
O_O
LEE MIN HO??! ANONG LABAN KO DUN??
Yun ang madalas kong tanong at sagot naman niya sakin at naiisip ko rin lagi na… ANONG LABAN KO KAY LEE MIN HO… WALA D’BA?? PERO SABI NIYA…MERON…
----
Si Lee Min Ho na isang sikat na Korean Actor na gumanap sa papel ng sikat ng karakter na si Gu Junpyo pati na rin si City Hunter na kinababaliwan ng maraming tao lalo na ng mga kababaihan pati na ng babaeng MAHAL ko. Anong Laban ko d’ba?
“napanood niyo na yung commercial niya yung sumayaw siya… ganito oh… bananana..na” at sumayaw siya ng weird na sayaw na nakakatawa. =__=
For sure yung kinukwento niya eh yung Lee Min Ho na naman na yun. Kakarating ko lang yun agad maririnig ko. Masakit.
“hahahahahaha, ang kulet sumayaw siya ng ganun?..hahahaha” sabi nung kaibigan niya
“oo kaya, ang cute nga niya eh…hahahaha” at nagtawanan sila.
Siya si Melisse friend ko na kasing ganda ni Park Min Young.Ang babaeng mahal ko ,na adik na adik kay Lee Min Ho wala siyang ibang bukambibig kundi si Lee Min Ho. Sa tuwing magkasama kami si Lee Min Ho lagi niyang kwento.
Si Lee Min Ho na gwapo, cool at sikat na mahal na mahal niya, ano namang laban ng isang nerdy ,simply plain at nobody na tulad ko??
WALA.
TALO NA AGAD. Hindi pa nga nagsisimula wala na. Hayy.
“uyy…lalim huh?!” si Melisse
“kase naman ang layo niya talaga…”
“ahh yung mahal mo?”
Tumango ako. Alam niya kase na inlove ako ang hindi niya alam eh siya yung babaeng mahal ko.