Eleventh look

69 4 2
                                    

"Dadalhin pa ba natin yung kotse?" Tanong nya dahil mamamalengke kame.. Two days nalang at mahal na araw na.. Dun kase yung nakaset na araw namin para umakyat para mas nakakaenjoy dahil maraming taong umaakyat sa bundok pag ganong semana santa..

"Dadalhin mo pa ba? Baka traffic.. May tyangge ngayon dahil sabado e.."

He raised his eyebrow and said..

"I can manage the traffic baby ;)"

-_-

"Baby mo mukha mo.." Bulong ko.. Ayan na nakatrip na naman sha..

Parang kaninang umaga nung nagising ako.. Nakadantay yung paa nya saken at ginawa lang naman nya kong unan.. Yun bang kung makayakap wakas..

At ang bigat nya!! Promise!!

"Apo.. Wag mong sungitan yung kasintahan mo.. Hindi ka makakapag asawa, sige ka.." Nagulat ako sa biglang nagsalita.. Nasa likod pala namin si lola..

"Ay apo! Hindi ko po sha boyfriend.. Mamunurit yamu pu, 'bat ya pu kasi keng mental.." (Nababaliw lang po sha, galing po kase sa mental) natawa si Lola sa sinabi ko pero nahampas din nya ko ng hawak nyang sitaw.. Pero mahina lang.. Hehe..

"Huh?" Clueless akong tiningnan ni Canon..

"Wala!! Tara na.." Sabi ko na medyo natatawa dahil wala shang alam.. Haha!!

Paglabas namin ng gate ay nakita kong nay mga batang nagsasalamin sa side mirror ng sasakyan ni Canon..

Hindi naman kase nya mapapasok sa loob ng compound yung sasakyan dahil maliit lang yung gate namen..

"Huy!! Bawal yan!" Pabiro kong bulyaw sa kanila..

Napaharap sila saken saka napangiti..

"Ate Sam-Sam!!!" Sabi nung mga bata sabay takbo saken at dinamba ako ng yakap.. Haha!!

Apo sila ni Aling Trining..

"Sayo po ba yon ate Sam?" Tanong ni Bea..

"Ah hinde.. Sa boss-- sa kaibigan ng boss ko.." Sabi ko sabay ngiti..

"Ate Mataas na yung Rank ko sa LOL!!" Sabi ni Matthew.. Oo nga pala mahilig to sa online game..

"Talaga?? Haha!! Namimiss ko na din maglaro ah.. Hayaan mo sa susunod na uwi ko dito papatayo ako ng computer shop.. Tapos maglalaro tayo.." Sabi ko sabay tapik sa ulo nya..

"Ate Sam-Sam? Sino sha?" Napalingon ako sa likod at nakita ko si Leila na buhat buhat na ni Canon..

"Ah.. Sha yung may ari ng sasakyan.. Sha yung kaibigan ng Boss ko.. Oh Leila, baba ka na.. Kase aalis kame e.. Gusto nyo ba ng pasalubong?" Tanong ko saka kinuha si Leila at ibinaba..

"Opo!! Saken Manika nalang!!" Sabi ni Leila

"Ako gusto ko kotse!!" Sabi naman ni Matthew..

"What? Mahal yon haha!!" Sabi ko na natatawa..

Ngumuso sha..

"Joke lang naman po e.. Hehe laruang sasakyan nalang po.." Sabi nya na nakangiti..

"Sige.. O ikaw Bea? Anong sayo?" Tanong ko..

"Gusto ko po ng lutuan!! Yung laruan po.." Sabi nya kaya tumango ako..

"Sige.. Babalik kami agad.." Sabi ko saka sila tinapik sa ulo..

Pumasok sila sa Compound at nagtatakbo papunta sa bahay.. Siguradong inutusan sila ni Aling Trining na bantayan si Lola..

Pagkasakay namin sa sasakyan ay agad nya yong pinaandar..

Pag Tumingin Ka Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon