Chapter 65
Rochelle's POV
Di pa rin ako makapaniwala na nasa Baguio kami. Nakanganga pa rin ako ngayon at ramdam ko naman na tinaas ni Hubby ang baba ko para masara ang bibig ko. Wait, may narealize lang ako.
"Hubby bakit naman gabi pa? diba 10 hours ang biyahe papunta dito? It should be 6 in the morning right now." Taas kilay na sambit ko sa kaniya at halatang nagpigil siya ng tawa.
"It's morning already, Wifey." tawa niya at Napansin kong nakashades pala ako ng tanggalin niya ito.
Napahiya naman agad ako. Malay ko bang may shades akong suot. Ramdam ko namang yinakap niya uli ako patalikod at tinignan namin ang magandang tanawin. I felt secured in his arms, I feel safe. Kumalas na siya sa yakap at hinila uli ako papasok sa kotse. Ano ba talagang trip nito? Papalabasin ako ng kotse tapos papasok uli. Tsk, what a dumb hubby. Nagsimula na uli siya magdrive at hanggang ngayon ay di pa rin ako makamove on na nakashades lang pala ako kanina. Di kasi ako nainform na may shades ako kaya ganun. For the first time in forever, napahiya ako. Sinuot ko uli ang shades na nagpahiya sa akin at nagpout ako.
"Don't pout, wifey. You're seducing me." Sambit niya.
"Seduce mo mukha mo, bakit mo ba kasi ako binigyan ng shades." Napaismid ako sa kaniya.
"Because your sleep will be bothered by the sunlight." Parang shungang sagot niya at nagkibit balikat.
"Pwede namang eye mask nalang diba? Bakit shades pa." nakangusong tanong ko.
"It's the only thing available in my car." Tugon niya kaya nanliit ang mga mata ko.
"You have a woman's shades in your car..... WHY?!" tanong ko sa kaniya. Nakita ko namang Napalunok siya.
Tinanggal ko naman ang shades ko at tinapon yun sa likod. Baka ang may nagmamay ari noon ay ang ahas na nanngangalang Allysa. I would rather sleep being bothered rather than using her sunglasses. Nakasimangot ako ngayon at minumura na si Allysa sa isip ko. Nakatingin ako ngayon kay Hubby ng masama. Kung nakapapatay lang ang tingin malamang kanina pa ito patay. Padabog kong Kinuha ang cellphone at headset ko. Sinalpak ko ang headset ko a tenga ko at nag emote. Badtrip siya, magsama sila sa impyerna ng Allysa na yun. Pumikit ako at hinintay na dalawin ako ng antok at nakatulog na ako.
Nagising ako nang maramdaman kong inaalog ni Hubby ng marahan ang mga balikat ko. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang napakagwapo niyang mukha.
"Good morning, my sleepy wife." Sabi niya at hinila ako palabas ng kotse. Nakita kong may bitbit siyang dalawang maleta at Nagulat ako ng makita kong maleta ko yung isa. Paano napa sa kaniya ag maleta ko? Sa pagkakaalam ko nasa bahay lang yun, nasa walk in closet ko. Ang maleta ko ay kulay yellow, my favorite color.
"I told you, I've already handled everything. Including your things." Sabi niya at nakakalokong ngumisi sa akin.
Inirapan ko lang siya at Kinuha ang maleta ko mula sa kaniya. Akala niya ba na nakalimutan kong may sunglasses ng ibang babae sa kotse niya. No, di ko makakalimutan yun. Alam kong mababaw lang yun para sa iba but selosa ako. Iginala ko ang paningin ko at nasa isang hotel kami. Hay, memories. Naalala ko tuloy noong nagtagaytay kami. Hinawakan niya ang kamay ko at binawi ko naman agad yun at sinamaan niya ako ng tingin. Hinawakan niya uli ang kamay ko ng mahigpit at hinila ako—wait! Hindi hinila, KINALADKAD ako papasok ng hotel. Kinausap niya ang babaeng malandi ang tingin na nasa front desk at mukhang nirarape na niya ang hubby ko sa isipan niya. Sinamaan ko siya ng tingin habang natawa siya ng pabebe. Nakita kong tapos na makipaglandian ang hubby ko at ang sama ng tingin ko sa kaniya samantalang siya naman ay nakangisi sa akin. F*ck you talaga. Hinawakan niya ang tiyan ko na ikinagulat ko.
"Hi baby! Are you hungry? Sorry for starving you and your lovely mother." Parang may batang nasa loob ng sinapunpunan ko na kinakausap niya. Nakita ko naman na yung babaeng kausap niya kanina ang bumusangot. Buti nga sayo. Inabot niya ang kamay niya at kinuha ko naman iyon. Sumakay na kaming dalawa sa elevator at pinindot niya ang 4th floor. Siniringan ko siya at naramdaman niya naman atang nakatingin ako sa kaniya kaya napalingon siya sa akin.
"What?" natatawang tanong niya sa akin.
"Anong baby ka diyan? May lovely mother ka pang nalalaman?" sabi ko sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay.
"Why? I just did that to lessen your jealousy." Nakangising sabi niya sa akin.
"What the? I am not jealous!" sabi ko at pinadiyak ang isa kong paa.
"Psh! Denial queen." Sabi niya at inirapan ako. Aba, siya pa ang may ganang mang irap sa akin. Sapakain kita diyan eh. Bumukas na ang elevator at kinaladkad niya uli ako. Naglakad kami sa Mahabang hallway hanggang sa tumigil kami sa isang pintuan.
ROOM 923
Kinuha niya ang keycard sa bulsa niya at inislide niya doon sa may knob ng pintuan. Pagbukas ng pintuan napanganga ako literally dahil nakita kong ang laki. Ang ganda, may maliit na chandelier sa ceiling at may sofa at coffee table sa gitna. May flower vase na puno ng yellow roses. Yellow din ang pinta ng pader. Nandidito si Author hahaha, siya yung dilaw na pader.
"Wifey, go to the bathroom and check the things in there." Utos niya sa akin.
"Aba, bakit ako?" tanong ko sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napapout nalang ako.
Pumasok ako ng bathroom at binuksan ko ang cabinet sa loob. Towels, check. Bathrobes, check. Soap, shampoo and conditioner, check. Bathtub, check. The shower and faucets are working. Toothbrushes and toothpaste, check! Mukhang kompleto naman lahat ah? Ano bang trip ni Hubby at pinacheck sa akin ang banyo? At dahil wala akong magawa, pumunta ako sa may sink na may salamin sa unahan at naghilamos. Nakakita ako dito ng facial soap kaya tinry ko yun. I caressed my cheeks, and applied facial soap hanggang leeg ko. Naghilamos na uli ako ng tubig at tadan! Di na ako haggard. Kinuha ko yung towel at pinunas yun sa mukha ko kasama ang leeg ko. Hayst, lalabas na nga ako ng bany. Complete naman lahat ng Nandito eh. Binuksan ko ang pintuan at madilim. What the hell? Wag mo sabihing ay humugot ng electric card? Biglang Nagbukas ang ilaw at......
"SURPRISE!!"
WHAT THE FUDGE?!
¤¤¤¤¤¤
Haha, bitin ba? Sorry, wala kasi talagang time si Author huhu. Araw araw kami may pasok kahit weekends. Tapos bukas Simula na ng overnight hanggang Sabado d~^~b7. Its so cryable alam niyo ba yun? So hindi ko alam ang next update but mag uupdate ako kapag may time ako okie? Love you all! Lovelots!
Babush!
BINABASA MO ANG
The Campus Badboy is my Fiance?
Fiksi Remaja(COMPLETED) [HIGHEST RANK: #1 IN CAMPUSCRUSH] Ang hirap maging anak ng mayaman noh? Mapapa arrange marriage ka pa -__- Pero ano ang gagawin mo kapag ang fiance mo ay isang campus hearthrob at certified bad boy pa?? Kakainisan mo ba ito o mamahalin...