Naupo nalang ako sa isang bench kakahintay sa kanilang matapos. Ugh. Ayokong parang statwa lang. Kaya't tumayo nalang ako at tahimik na nagpagala-gala sa campus.
Nang biglang may narinig akong ingay ng bagong sapatos. O sapatos lang talaga ng mga naglalaro ng basketball. Malay mo, hindi lang si Andre ang gwapo dito? Bwahahahahahaha.
So sinundan ko ang tunog. At dumating nga ako sa basketball court. Nabigla nalang talaga ako nang todo nang nakita ko siya.
Andun. Pawis na pawis at kulang nalang buhusan siya ng tubig para overload na naman ang hormones ko.
Andun pa naman ang anak ng- si Dylan. Oo, yun na Dylan. Dylan Uy.
Basketball varsity pala siya? OMG. DI KO TALAGA AKALAIN.
Napahinto nalang ako nang biglang nakatitig na silang lahat sa akin at wala nang naglalaro.
Si Dylan nalang ang wala nakatingin.
"Huy, pare. Anyare?!" tanong niya nung napansin niya na.
Sinundan niya din ang direksyon ng mga tingin ng mga kalaro niya.
"Ba't andito ka?" tanong niya sa akin.
"Eh.. Kasi.. Kinausap ako ng p-p-principal. Ka-ka-ka-kaya.. Nawala ako tapos.. Ewan kaya.. Uhh.."
ANO BA, DEBORAH. PARA KANG TANGA. MAGSALITA KA NGA NANG MAAYOS DIYAN.
"Basta't ang alam ko'y nakarating lang nang bigla-biglaan ang paa ko dito. Yun na yun" mabilis kong tinuloy.
Napa facepalm siya. Ehhhhh.. sorry ah.
"Pare, kilala mo?" tanong ng katabi niya.
"Ahhh, guys. Family friend pala namin. Si, uh.. Debbie" pakilala niya.
"Hi!!" masayang ngiti at bati ng mga basketball players.
"Baguhan yan. Galing pa ng US" dagdag pa niya.
"AAAAAAH" parang mas nalinawan sila.
"Kaya pala di tayo kilala.." tuksong ngiti ng isa.
Ngumiti silang lahat.
"Hi, ito nga pala ang LTU Huskies. Kami ang basketball varsity team ng school. Ako nga pala si Brian" pakilala niya.
At isa-isa silang nagpakilala. Ang saya nilang kausap!
Heto nga si Kevin at si Chase! Hahahahahahaha!
Nang biglang------
BOOM! Ang pinto.
"Debbie?!" hanap ni direk.
Oops.
Napalukso ako. Kakatakot.
"My god! Kanina pa kami nag-aaalala kung nasan ka napdpad! Andito ka lang naman pala! Teka! Ba't parang ang close niyo na? Ha? Hoy, kayo!" turo niya sa mga Husky.
Nanlaki ang kanilang mga mata.
"ANONG GINAWA NIYO SA KANYA?!" demanda niya. Kakatakot ah..
"RELAX KA LANG DIYAN, SOF. Nagpapakilala lang kami sa kanya. Besides.. andito so Dylan. Di mo ba alam na magkababata sila?" sagot naman ni Brian.
"Naku, isa ka pa ha. Alam mo, kung di ka lang mas matanda sa akin, naku! Lagot ka na!" galit niyang sabi.
Lumingon naman siya sa akin at binira na ako palabas, "Sorry ha, kung ano man ang ginawa sayo ng mga lokong yun..".
Napangiti naman ako, "Sophia ba ang pangalan mo?".
At sa wakas, napangiti naman si direk, "Oo. Haha. Sorry nga pala. Ako si Sophia Ubod. Sabi pa nga nila- Ubod ng Ganda".
Natawa rin ako dun. In fairness, kakatawa din si scary direk. Ü
Di nagtagal ay nakalayo na rin kami sa stadium.
"Bigyan mo nga ako ng 3 things about yourself. At huhulaan ko kung saan dun ang hindi totoo" ngiti ni Sophia.
Napaisip tuloy ako nang konti. Hmmm..
"Galing ako ng US. British ang mom ko. Aaaaaat.. Hmmmm.. May crush ako dito sa school" tawa ko. \m/
Halos totoo lahat nang yun. Bwahahahahahahaha!
"Hmmmmm.. May crush ka dito sa school. Siyempre, baguhan ka pa, diba? Or don't tell me-- oh my god!!!!" sabi niya.
O.O A-a-a-a-a-anoooo??
"Si ANDRE?!" hula niya.
Pfffft.. "BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!" tawa ko.
Todo.
"Di noh! Di yun.." patagong ngiti ko.
"Ahhhhh.. So meron?"
Tumango ako.
"Edi asan dun ang mali??"
"Full blood Filipino po mom ko.." tawa ko.
Nagtawanan uli kami. Naglakad na uli kami. Hindi pa daw tapos eh. Kaya yun, dumating na kami sa Great Dome. Sabi ni Sof, dito daw mag ge-general assembly sa Wednesday. Super excited.
"Lupang hinirang, duyan ka ng magiting.." narinig kong kanta mula sa entablado.
"Debb, this is the glee club. Sila ang halos laging kakanta ng Lupang Hinirang sa atin" ngiti ni Sof.
Lumapit kami lalo sa kanila at naking, ang galing, ah.
Pagkatapos nila ay bumaba ang dalawang magagandang babae.
"SOF!" tawag nila habang tumakbo para mag hug kay Sof.
Pagkatapos ng BFF moment nila ay pinakilala agad ako ni Sophia.
"Van, Tiff, ito pala si Debbie. Debbie Rodriguez, baguhan. Mula pa 'to Amerika".
"Hi! I'm Tiffany, very nice to meet you" grabeng ngiting bati nung short-haired girl na matangkad.
"Welcome to LTU, my name's Vanessa" pakilala naman nung di-gaano matangkad na magandang girl.
"Sila ang major officers ng glee club. Si Van ang pres at si Tiff naman ang VP" dagdag ni Sof.
Nag-usapan kami nang medyo matagal-tagal din habang nagpa-practice ang glee club. Nang dumaan ang ilang sandali ay umalis na kami ni Sof at dumiretso kami sa lobby. May nakita akong parang foreigner. Agad namang tumakbo si Sof sa kanya at sabi "mauuna na kami, Debb ha. Maglu-lunch kami somewhere. So, okey ka lang mag-isa?".
Tumango nalang ako. "Okey, see you Wednesday" sabi ko habang palayo na sila sa akin.
Nag-isip isip naman ako nang kaunti habang nag-iisip kung asan ako gagala ngayon, o uuwi ba ako. NANG biglang may narinig akong mga halakhak.
"O! Debbie! Ba't andito ka pa?" tanong ni Cris nung nakita na nya ako.
Nagkamot ako ng buhok, "ahh, nauna na kasi sina Sof. At di ko alam paano umuwi". Ba't kasi ang iresponsable mo, Deborah?!
"Ganun ba? Hatid nalang kaya kita.." alok ni Dylan.
Umiling ako, "wag na. Tatawagan ko nalang si Kuya. Baka may ibang plano pa kayo ngayon".
He just shrugged. Shows he can't care enough. As expected.
"O... sumabay ka nalng sa amin?" alok din ni Brian.
WTF. Seriously?
Tumingin ako kay Dylan. Mahina siyang umiling. na parang tiningnan niya yung left side, tapos right. Ayaw niya? OUCH.
"Sige na! Hayaan mo yan si Dylan!" sabay siko ni Chase sa kanya.
Napahinga naman siya nang malalim. Parang nag give up. YES!
Ngumiti agad ako at tumango.
OMYGHAD. Ang aming pinakaunang gala. <3
Sabay sabaw kaming sumakay papunta sa isang mall.
BINABASA MO ANG
Ilang Saglit.
Teen FictionBumalik na si Debbie mula sa States na may natatanging hangad sa Pilipinas. At andito na nga si Dylan sa mismong harap niya. peroPaano kung ang pinagsimulan nila ay MURANG EDAD? At NAGTATAK na mula dun palang? Paano kung NAWALA nang saglit? At kung...