Chapter 34

4.5K 58 10
                                    

Iyon ang unang beses na nakita ni Miggy na umiyak nang gano'n si Francine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iyon ang unang beses na nakita ni Miggy na umiyak nang gano'n si Francine.

Tumulo na lang ang luha sa kanyang mga mata. Gusto niyang isipin na baka umaarte lang ito para pagtakpan ang kasalanan, ngunit ibang-iba ang naramdaman niya habang nagsasalita ito. Para bang ibinubulong ng kanyang puso na nagsasabi ito ng totoo.

Dapat nga ba talaga siyang makinig sa mga sinasabi ni Vera? O mas dapat niyang paniwalaan si Francine na kanyang asawa?

Hindi niya ito matiis. Pinunasan muna niya ang luha at madaling lumabas ng kuwarto. Nang makababa sa hagdan ay tumingin-tingin siya sa lahat ng sulok ng bahay upang hanapin ang asawa. Nakita niyang nakaupo si Francine sa may salas. Bahagya itong nakayuko na nakatakip ang mga kamay sa mukha at umiiyak.

Ganyan ba ang taong nagsisinungaling, Miggy? Ano bang klaseng asawa ka para saktan mo siya nang gano'n? Mas pinaniwalaan mo pa ang Vera na iyon, na wala nang ibang ginawa kundi udyukin kang gumawa ng pagtataksil.

Paano kung nilalason lang pala ni Vera ang isipan mo para agawin ka sa asawa mo?

Nakaramdam siya nang pagkakonsensiya. Alam naman niya na hindi si Francine ang taong pagtataksilan siya, ngunit nagpadala siya sa selos at pinaniwalaan kaagad ang mga pinagsasabi ni Vera.

Dahan-dahan niya itong nilapitan at lumuhod sa harapan nito. Inalis niya ang mga nakatakip na kamay sa mukha nito at tinignan ng seryoso sa mga mata.

"Babe, patawarin mo ako. Naniniwala na ako sa 'yo. Nilamon ako ng pagseselos kaya kita pinagbintangan ng gano'n. Hindi ko dapat ginawa iyon."

Idinampi niya ang daliri para pawiin ang pumapatak na luha sa mga mata nito. Humihikbi-hikbi naman si Francine habang nakatingin sa kanya.

"Hindi mo naman kailangang mag-quit sa trabaho para lang maging maayos tayo. Wala kang ginawang pagkakamali, o maging si Raymart man. Ako ang dapat na mag-adjust dahil ako ang malisyoso kung mag-isip. Ako ang dapat na magbago, magtiwala at umintindi sa 'yo. Obligasyon kong paligayahin ka, hindi para saktan ka."

Hinawakan naman niya ang mga kamay ni Francine ng mahigpit. "Babe, ipinapangako ko na hindi na mauulit ang lahat ng ito. Magtitiwala na ako sa 'yo nang buong-buo, basta't patawarin mo lang ako. Hindi na ako magagalit kay Raymart at hindi na rin kita hahadlangan pa sa trabaho mo. Totoo na talaga ito."

Unti-unting nawala ang bigat sa dibdib ni Francine nang makitang nagsisisi na ang asawa. Lumambot ang kanyang puso at talaga namang hindi niya ito natiis dahil sa matinding pagmamahal niya rito.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita, "Alam mo naman na hindi kita matitiis, 'di ba?"

"Pinatatawad mo na ba 'ko?"

"Pareho lang tayong may mga pagkukulang sa isa't-isa, babe. Kung patatagalin pa natin ang problemang ito ay baka kung saan pa umabot ito."

"I'm really sorry, babe..."

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon