TGC#53

23.3K 412 5
                                    

#53

___________________

Heartbreak.





"What do you want Guia?" Pagtataray din ni Celine.


"Shut up sis. Hindi ikaw ang kausap ko" Lumapit si Guia sakin sobrang lapit niya at maya maya pa ay may binulong siya sakin.


"Leave my boyfriend alone Serah. Ian is mine now. Alam ko ang nangyari kahapon so dont act so innocent" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at naestatwa nalang ako sa kinauupuan ko.


Hindi na ko nakasagot dahil umalis na siya. Sumulyap pa ulit siya sakin at nginitian ako. Ngiti na hindi totoo. Ngiti ng masamang Guia. Kilala ko siya dahil kaibigan ko siya noon at alam ko ang ngiting iyon. Pinapakita niya lang ang ngiting iyon sa taong kinamumuhian niya.  Ngayon ako na ang kinamumuhian niya.


"That bitch. Ano sabi niya?" Tanong ni Celine sakin. Nagkibit balikat nalang ako at kumain na ulit. I acted that nothing happened. Ayoko na magkagulo pa. Ayoko na ng gulo.


------

Pagtapos ng klase ay nauna na umuwi si Celine dahil sinundo siya ni Josh. May pupuntahan daw sila? Mukang may date sila ah. Sana sila na talaga magkatuluyan. Nakakatuwa silang dalawa.


Lumabas ako ng campus at naghintay ng taxi. Dadalawin ko si lola ngayon. Habang naghihintay ako ng taxi nakita ko na pumarada ang sasakyan ni Ian sa di kalayuan. Bumaba siya at tumingin sakin.


Nagiwas ako ng tingin at kinuha ang phone ko. Kunyari may tinetext ako. Wag kang titingin Serah. May narinig akong malakas na tawanan at tilian ng mga babae kaya napatingin ako sa direksyon kung saan ko iyon narinig.


Nakita ko si Guia na nagpapaalam sa mga kaibigan niya. Inaasar pa nila si Guia at tinuturo si Ian. Hindi ko na napigilan napatingin na ko kay Ian. Nakasandal siya sa sasakyan niya at nakapaloob sa bulsa ang mga palad. Diretso ang tingin kay Guia. Sumikip ang dibdib ko.


The way he looks at her. Iba..ibang iba sa pagtingin niya kay Guia noon. Maamo at mahinahon na ngayon ang mata niya. Niyakap siya ni Guia at niyakap niya din si Guia. Hinalikan ni Guia ang pisngi ni Ian. Kinuha naman ni Ian ang bag ni Guia at nilagay sa back seat. Niyakap ulit siya ni Guia at ganun din ang ginawa ni Ian.


May ilan pang kaibigan si Ian na lumapit sakanila. Hindi pa din bumibitaw si Ian kay Guia. Ganyan din siya noon sakin...Ang sakit pala. Napahawak ako sa dibdib ko at nag iwas ng tingin. May tumigil na taxi sa harap ko. Bago pa ko sumakay sumulyap ulit ako sakanila.


Hinalikan ni Ian ang noo ni Guia. Doon tumulo na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit..Parang nabasag sa milyong milyong piraso ang puso ko. After 3 years mahal ko padin si Ian. i hate him. Nagagalit ako sakaniya. Sasabihin niya mahal niya ko pero ayaw niya na sakin? tapos ito makikita ko? ako naman to si tanga tinatak sa utak ko na may pagasa pa.


Kahit lagi kong sinasabi na ayoko na at wala na kaming pag asa ni Ian meron pa din talagang konting konting pag asa na natitira. Pero ngayon wala na ang pag asang iyon.


Di ko na namalayan na malapit na pala ako sa ospital ni lola. Pumara ako at binigy ang bayad sa driver. Huminga ako ng malalim bago bumaba. Ayoko makita ako ng lola ko na ganito. Magaalala lang siya ng sobra.


Binati ako ng guard at ng nurse ng front desk pagkapasok ko. Halos kilalang kilala na nilako dahil tuwing day off ko pumupunta ako dito para bisitahin si lola.


"Bakit namumugto ata ang mga mata mo Serah?" Tanong ni Mae sakin. Si Mae yung nurse na nagbabantay sa lola ko.


"Allergy. Kumain kasi ako ng itlog kaninang umaga ehh" Pagsisinungaling ko. Muka naman naniwala siya at sabay na kami pumunta sa kwarto ni lola.


Pagpasok ko ng kwarto ni lola ay gising siya. Nakita ko ang unti unting pag babago ng eksresyon niya. Ngumiti siya sakin lumapit naman ako at nag mano.


"Lola kamusta po kayo?" Tanong ko sa lola ko. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko bago tumingin ng diretso sakin.


"Ito, Nahihirapan na ko. Pasensya ka na sa lola ha. Hindi na kita naasikaso. Matagal na kong nakahiga nalang dito" Mahinang sagot niya sakin.


"Lola oras na din naman po para ako ang mag alaga sainyo. Kaya dapat magpagaling po kayo ha" Hinaplos ko ang kamay ng lola ko. Shes the only family i have. Masakit isipin pero wala nang kasiguraduhan kung gagaling pa siya.


"Nakakapagod na Serah. Wag na natin pilitin apo. Gusto ko na magpahinga" Hindi ko na napigilan ang pagiyak ko sa sinabi niya.



"Lola wag naman kayo ganyan. Gagaling pa kayo ehh" Yumuko ako dahil hindi ko kaya makita ang ngiti niya. Nasasaktan ako.


"Serah. Tama na. Papahingahin mo na ang lola. Tinatawag na ako ng panginoon" Aniya. Umiling ako at pinunasan ang luha ko.


"Lola kasali ako sa fashion week. Papanuodin niyo pa yung mga disenyo ko diba?" Tumango si lola at ngumiti pa ulit.


"Pangako ko sayo apo. Mapapanood kita. Ngayon palang ay pinagmamalaki na kita. Proud na proud ako sayo. Napakatalino mong bata." Hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.


"Lola. Pangako niyo yan ah? aasahan ko kayo lola. Kaylangan lola mapanood niyo ang disenyo ko sa fashion week. Inspirasyon ko kayo sa lahat ng gawa ko" Medyo tumawa siya at tumango.


Mahinang mahina na talaga si lola. Hindi na siya nakakatayo at mga nurse nalang ang nagaalaga sakaniya lagi. Wala din naman kasi pamilya si lola. We only have each other.


Pagtapos kong bisitahin si lola dumiretso na ko pauwi. Pagod na pagod ako. Iyak nalang ako ng iyak.Wasak na ang puso ko sa lola ko mas lalong nawasak pa dahil kay Ian. Kelan ba matitigil ang mga sakit na to.


Kung sana madali lang maging manhid ginawa ko na. Ngayon alam ko na bakit ayaw na ni Ian sakin. Ayaw na niya mamatay ng paulit ulit. Ganito pala ang pakiramdam ng mamatay ka. Naramdaman niya ito at ngayon ako naman ang nakakaramdam. Heartbreak is the worst.

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon