One Day Love Story (One Shot)

28 0 0
                                    

Naniniwala ka ba sa love at first sight? Eh sa destiny?

Narinig mo na ba yung kantang “Isang linggong Pag-ibig”?

Ngayon, mababasa mo na ang One Day Love Story na 3minutes ko lang pinag-isipan at 30 minutes ko lang itinayp sa laptop. Charr. Di ko alam kung nakailang minute ako. :D

Pangalawang linggo ko palang sa hayskul pero may bagong bestfriend na ako sa bagong paaralang pinapasukan ko.

Kristine: Uy, girl! Selfie na naman!

Inagaw ng maganda pero boyish at medyo nakakabwisit, inuulit kong medyo nakakabwisit na bestfriend ko yung tablet ko.

Kristine: Anak ka ni Mang Kanor, Camera360, Louie? Srsly?

Bakas ang pandidiri sa muhka nito.

Hindi ko rin talaga maintidihan kung pano at bakit ko to naging kaibigan. Bestfriend pa?!

Wala na akong maisip pang maisagot sa kanya kundi ismid. Lumabas ako ng room tutal lunch break pa naman namin.

Naglakad-lakad ako sa school grounds nang napadaan ako sa isang trash bin saka ko naisip itapon yung balat ng candy na kanina ko pa pinakaiingat-ingatang itago sa bulsa ko. Nakakasilaw kasi sa linis tong pinasukan kong unibersidad. Hayss.

RandomGuy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito..

Nabigla ako nang biglang may background music sa tabi ko at napatingin ako sa pinagmulan ng magandang boses. Hindi lang pala boses ang maganda sa kanya, pati muhka nya.

RG: Hi miss, naniniwala ka ba sa love at first sight?

Lakas maka-John Lloyd Cruz sa My Amnesia Girl ah.

Louie: *smiles

*silence

*walks away

RG: Ako nga pala si Alex. And you?

Inigiya naman niya yung kanang kamay niya. Inabot ko yun.

Louie: Louie.

Maikling sagot ko. Muhka siyang harmless pero nahihiya ako at pa-demure ako syemre.

Alex: Hmm, ang cute ng name mo. Panlalaki. :D

Louie: Cute din po yung pangalan mo.

Alex: Pero mas cute ka.

Tugsh. Ayun, rinig niyo? Nahulog na yung puso ko. Medyo corny pero kilig ano?

*Awkward silence

Naglalakad pa rin kami sa oval nang bigla na naman siyang kumanta out of the blue

Alex: I think I’m falling, falling in love with you…

Louie: Alam mo, muhka kang timang.

Alex: Ha? Paano ako naging muhkang timang?

Nakakita ako ng empty bench at dun naupo. Tumabi naman sakin yung stalker ko. ^_^v Oo. Stalker. Lakas makasunod kung saan ako pumunta eh.

Louie: Biglang kakanta out of the blue eh.

Alex: Turn off ba yun?

Louie: Hmmm.

Nilagay ko yung kamay ko sa baba ko na parang nag-iisip ng isasagot. Yung ngiti sa muhka nya unti-unting naging frown.

Louie: Hahah. Hindi naman. Muhka kang batang inagawan ng candy. Oh, gusto mo? *sabay abot ng potchi

Alex: Akooo.. na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundo… Oooh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Day Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon