Entry 21~ Things change.

66 4 0
                                    

<DALES' POV>

Few days before vacation ends..

May lakad kami ngayon ni Sammy. Pinilit niya ako kasi daw malapit nang umuwi si Ace at we won't be able to bond together daw. Kaya pumayag naman ako. Tama naman siya eh. Buti nalang uuwi na yung baby ko. <3

"Tara doon tayo!" tuwang tuwa naman na sabi ni Sam nang biglang....

*BOOOOOOGSH!!!*

O___O

May bumanggang sasakyan sakanya! Tumakbo naman ako kaagad at lumapit kay Sammy.

"Tulong!" sabi ko sabay buhat kay Sammy.

"Halika dito isakay niyo siya!" sabi naman nung nakabangga sakanya.

Kinakabahan ako. Ngayon lang bumalik yung bestfriend ko tapos kukunin na kaagad siya? Diyos ko, wag naman po sana. Hayaan niyo pong masamahan ko pa ng maraming maraming araw ang kaibigan ko.

"D-dale, m-mahal na m-mahal kita.. W-wag mo akong i-iwan.." sabi ni Sam tapos nawalan na siya ng malay.

"Wag kang bumitaw Sammy! Malapit na tayo."

Pagkadating naman namin sa Hospital eh agad naman siyang dinala sa emergency room at tinawagan ko si Tita Sharie para ibalita sakanya. At agad-agad naman siya pumunta.

"Anong nangyari sa anak ko?!" habang umiiyak na si Tita Sharie.

"T-tita.. Nabangga po siya ng kotse." sabi ko na naiiyak na ako..

Napaupo nalang si Tita Sharie sa may waiting shed habang umiiyak. Tinawagan ko naman si Ace at sobrang nag-alala naman siya ng sobra at uuwi daw siya as soon as possible.

Naghintay naman kami ng ilang oras at pinapakain ako nina tita Sharie pero wala akong gana dahil gusto kong makita ang bestfriend ko.

**

"Where is the parent?" sabi ng doctor.

Pumasok naman si tita Sharie at paglabas niya eh lalo siyang humagulgol sa iyak. Hindi ko naman siya matanong dahil alam kong hindi pa siya makapagsalita dahil parang in shock pa siya sa mga sinabi siguro ng doctor sakanya.

"Dale, promise me one thing.. Hindi mo iiwan ang anak ko at hindi mo siya pababayaan." sabi ni tita. Hindi ko maintindihan.

"Bakit po tita anong nangyari?" kinakabahan talaga ako.

"Dale,  she's not in danger sa aksidente pero.. May sakit siya.. Ngayon ko lang nalaman dahil I didn't know." sabi ko

"What?! Ano pong sakit niya tita?" sabi ko

"Just promise me iho, na hindi mo iiwan si Sammy kahit anong mangyari." sabi niya.

"Opo tita." yun nalang ang nasabi ko dahil hindi ko matitiis makita ang kaibigan ko na naghihirap dahil may sakit siya.

**

Ilang araw din akong nagpabalik balik sa hospital para bantayan si Sammy. Tinawagan naman ako ni Ace at sinabi niyang ngayon daw siya uuwi at sunduin ko daw siya. 

Hinintay ko munang makatulog si Sammy para makaalis na at sunduin si Ace. Masaya ako na nandyan na siya. Bubuksan ko na sana yung pinto para lumabas pero..

"Aww.. Arayyy.. Dale.. Hindi ako makahinga..." sabi ni Sammy.

"Nurse!!! Hindi siya makahinga!" sabi ko at nagpanic ako. Dahil sa kaba ko na baka kung anong mangyari kay Sammy eh nakalimutan kong susunduin ko pala si Ace. At nalowbat ang cellphone ko.

___________________________________________

<ACE'S POV>

Nasaan na ba si Dale? Kanina pa ako naghihintay dito T____T mag iisang oras na akong naghihintay pero wala parin. Tinatawagan ko siya pero out of coverage. Napano kaya siya? May masamang nangyari sakanya? Lowbat ba siya? O nakalimutan niya? Arghhhh.

Dalawang oras akong naghintay sa terminal pero walang Dale na dumating para sunduin ako >___< Kaya nagpahinga nalang ako at natulog. Hindi ko naman alam kung saang hospital andoon si Sam :/ Makatulog na nga.

**

*toktok*

Nagising naman ako sa pagkatok ng pinto ko. Sino kaya ito? "Pasok" sabi ko. Nabigla naman ako nung nakita ko si Dale. Tinalikuran ko lang siya at pumikit ulit para matulog. 

"Baby. sorry." yun lang yung nasabi niya. pero hindi ako sumasagot ay kunyari eh natutulog ako.

"Baby, si sammy kasi eh.. Sinumpong siya. Tapos nagpanic ako kaya nakalimutan ko na susunduin pala kita. Sorry na.." sabi ulit niya.

"Ahhh.." yun lang yung nasabi ko. Sobrang nadisapoint ako sakanya kahit alam kong tama naman yung ginawa niya. Sino ba yung maysakit dito? Sino ba ang mas dapat i-prioritize? Diba si Sam? Pero nalulungkot ako. Sobrang namiss ko siya eh.

"Anong gagawin ko para mapatawad mo ako? Kausapin mo naman ako oh." hindi ko naman siya matiis at niyakap ko agad siya dahil sobrang miss ko na talaga siya at ayokong magind mapride ng dahil lang sa maliit na bagay.

"I miss you baby." sabi ko

"I missed you too. Promise baby hindi na ulit ako makakalimot." sabi niya.

"Promise yan baby ha? I love you." sabi ko tapos dumampi ang labi niya sa mga labi ko. Namiss ko siya. Mahal ko siya.

______________________

To be continued.

Then you found me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon