Skylar's POV
"So, how's the case?" tanong ko kay Asher nang minsang dalawin ko sa opisina nya sa Iced Gems.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Bakit hindi ka doon sa ex mo magtanong? Baka sakaling balikan ka pa nya kapag kinumusta mo," nang-aasar na sagot nya.
"Gago."
Tinawanan nya lang ako saka naiiling na binalikan ang trabaho sa laptop. Psh.
"Kumusta kayo ni Macey?" tanong ko saka komportableng umupo sa sofa paharap sa kanya.
"Ayos naman," walang malisyang sagot nya.
"Wushu," asar ko pa pero 'di na sya sumagot.
I haven't seen any of them for a while now. Minsan nga naisip ko, baka umiiwas talaga si Reese. I know she hates me. I've said a lot of things na hindi napag-isipang mabuti.
*knock*knock*
"Ash," tawag ng isang boses sa may pintuan kaya automatic akong bumaling doon.
I was surprised to see her standing at the doorway, and I guess she reflects the same reaction as well.
Her eyebrows furrowed for a moment before her face turned completely blank of any emotion. Ice princess.
Akala ko iiwas na naman sya at aalis. Pero nagulat ako nang nilagpasan nya lang ako at komportableng umupo sa sofa na malapit kay Asher.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?" pabirong tanong ni Asher pero nanatili ang poker face nya.
"You know I won't come unless I really need to," bale-walang sagot nya.
"O? Ano ngang kailangan mo?"
"I need you to be my date next week," sagot pa ni Reese.
Napamaang ako nang hindi oras. Ano raw? Pakiulit. Seryoso ba sya? I looked at Asher, and guess what? Nandoon na naman yung mapang-asar nyang ngiti.
"Anong meron?" hindi ko napigilang itanong.
She turned to me lazily. "Birthday party."
"Nino?"
"Why do you even have to know?"
"Baka kasi hindi nyo naman common friend?"
Tumaas nang bahagya ang kilay nya. "Ano ngayon? I can justify his presence if the need arises."
"No. Hindi ako payag," pagtanggi ko.
"Didn't know you hired yourself a spokesperson," she said directly to Asher. Ang mokong naman ngingisi-ngisi lang at kumakain na ng Piattos. Gag*. Akala mo nanonood ng pelikula.
"Hindi ako payag na sumama ka dyan, Reese," sabi ko pa.
"I'm not asking for your permission," matigas na sagot nya.
"Even so, Reese Ansherina," hindi ko mapigilan na naman. Nasasaktan ako na nandito naman ako, pero bakit parang ni hindi man lang ako kasali sa options nya.
"Ayokong sabihin 'to dahil magmumukhang manhid na naman ako at walang pakialam sa mga nasa paligid ko, pero dude, we already broke up," poker-faced na sabi nya. At nagyelo ako sa sobrang lamig nang pagkakasagot nya. And dude? What the heck?
"I don't remember breaking up with you," iritang sabi ko. Kasi totoo naman. Bigla syang umalis nang hindi man lang nagpapaalam. "Nakipag-break ka. Pero hindi ako pumayag. Remember?" panggagaya ko pa sa kanya, pero ni hindi man lang ako umabot sa 5 degree Celsius nyang coldness.
BINABASA MO ANG
The Iced Gems Series
Ficción GeneralA story of frienship, loyalty and love. Join these friends as they tackle issues of differences, brokenheartedness and life's surprises.