DAHIL abala rin sa mga gawain sa school si Erika ay bihira na rin kaming magsabay pauwi, pero kapag may mga pagkakataong nagkakasama kami ay talagang sinusulit namin. Kapag medyo maaga siya nadidismiss sa klase ay sinasamahan niya ako papunta sa café. Sinasamahan niya ako maglakad papunta sa trabaho ko bago siya tuluyang umuwi sa kanila.
Pero noong araw na iyon ay hindi lamang si Erika lang ang kasama ko, dahil nagpumilit na sumabay si Quintus sa amin dahil pupunta rin daw siya sa café noong araw na iyon.
Nakayakap sa braso ko si Erika habang bumubulong, "Bakit pala sumasabay sa atin si Quintus?"
"Pupunta rin daw kasi siya sa café. Kaya ayan, sasabay na lang daw siya sa atin," tugon ko sa bestfriend ko.
"Sus. Baka naman kayo na kaya lagi ka niyang sinasamahan. Hindi mo lang sinasabi sa akin. Ikaw ha. Naglilihim ka na sa akin. Nakakatampo," biro ni Erika.
"Baliw 'to. Walang kami 'no. Ikaw ang malisyosa mo."
"O bakit? Ikaw ba, hindi ka nakakaramdam na may malisya sa mga pinaggagagawa niya niya para sayo?"
"Andami mong sinasabi. Baka mamaya marinig ka niyan –"
"Ay, confirmed."
Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatitig kay Erika. "Anong confirmed?"
"Confirmed na bet mo si Quintus," Erika replied like it was the most obvious thing in the world. "Ano na bang status niyo? Umamin na ba siya? Umamin ka na ba – Ay hindi. Syempre hindi pa. Ikaw yan eh. Syempre hindi ka aamin kasi ayaw mong magkaroon ng lovelife dahil natatakot kammmfff –"
Tinakpan ko ng kamay ang bibig ni Erika para matigil na siya kakadaldal. Baka kasi kapag nilakasan niya pa nang kaunti ang boses niya ay marinig na ni Quintus ang lahat ng mga sinasabi niya.
"Ang boses mo... Hinaan mo naman. Parang wala sa likod natin yung pinagtsitsismisan natin ah. Mahiya ka naman," nanggigigil kong bulong sa kanya.
Agad ring tinanggal ni Erika ang kamay ko na nakalapat sa bibig niya. "Eh totoo naman kasi yung mga sinabi ko. Gusto mo siya. Pero hindi mo magagawang umamin kasi natatakot kang magkalovelife kasi nag-aalala ka na maging katulad ka ng nanay mo na niloko, sinaktan, at iniwan rin sa huli," tapos ay inakbayan ako ni Erika, "Alam mo momshie, huwag kang mag-alala.Hindi naman namamana ang pagiging malas sa lovelife"
Nabuhayan ako sa sinabing iyon ni Erika, pero ayokong bumuo ng scenario sa utak ko na pwedeng may chance kami ni Quintus dahil baka umasa lang ako sa wala.
"Alam mo, wala namang malisya sa pagitan naming dalawa. Huwag ka ngang ano dyan. Hindi ba pwedeng nagmamagandang-loob lang yung tao?" tugon ko.
"Ikaw na ang pinaka-shungang in denial sa buong mundo. Ang obvious na nga tapos ganyan pa ang mga sinasagot mo sa akin? At kung sayo, walang malisya, sa kanya, definitely meron. Hindi ka naman niya bubuntutan at pag-aaksayahan ng oras at effort kung hindi ka niya gusto eh."
"Tumigil ka na nga. Isa pa at lalagyan na kita ng busal sa bibig," pagbabanta ko.
Habang naglalakad ay napalingon ako kay Quintus na nakasunod sa amin. Nakatingin lang siya ng diretso habang naglalakad kasabay naming dalawa. Ilang segundo ko lang siyang tinitigan, bago ibinaling muli sa daan at kay Erika ang atensyon at tingin ko.
Paulit-ulit na umeecho sa utak ko ang mga sinabi ni Erika dahil mas lalo akong nagkakaroon ng mga realizations. Kaya lang, yung mga realizations na iyon, lalo lang akong pinag-aassume ng kung anu-ano.
I shook my head vigorously. Ako na talaga. Ako na ang assumera ng taon.
BINABASA MO ANG
Something About Us [✔]
Teen FictionEverybody knows Quintus Zamora as a monster. Sabi ng iba, para daw siyang hindi nakakaramdam ng sakit kahit pa nakikipagbasag-ulo, at talaga namang halimaw siya kung manakit ng kaaway niya. He's almost a superhuman, base sa mga kwento nila. I know...