CHAPTER THIRTEEN

1.1K 84 18
                                    

            "WALA na bang ibibilis yang paglalakad mo?" naiinis na tanong ni Quintus habang naglalakad kami papunta sa library. May reaction paper kasi kaming dapat gawin para sa isang major subject.

Kahit masama ang pakiramdam ko ay pilit kong binilisan ang paglalakad ko, kung may ibibilis pa.

"Kung nababagalan ka sa akin, eh 'di mauna ka na. Wala naman tayong usapan na sabay tayong pupunta ng library ah."

Medyo napahiya si Quintus dahil sa sinagot ko. Kung hindi lang nanghihina ang katawan ko ay talagang pinagtawanan ko siya at ginatungan ko pa siya ng pang-aasar. Pero hindi ko na talaga magawa. Ewan ko nga kung saan pa ako kumukuha ng lakas para makapaglakad.

Ilang araw ko nang iniinda ang sakit ng ulo at panghihina dahil wala na rin kasi akong walang matinong tulog. Nagrereview kasi ako para midterm exams, lalo na't exam week ngayon. Wala akong panahon mag-review dahil pagkatapos ng klase ay nagtatrabaho ako. Kaya nga late ako nakakatulog dahil nagtatiyaga pa rin akong mag-aral at gumawa ng mga school works kahit hatinggabi na.

Habang pinipilit kong makahabol kay Quintus ay bigla na lamang akong napatigil sa kinatatayuan ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Parang umiikot ang paningin ko at unti-unti akong nawawalan ng balanse. Sobrang bilis ng mga pangyayari, kaya hindi ko na halos namalayan na nawalan na ako ng ulirat.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na unconscious, pero bahagya akong nagising nang maramdaman kong nakaangat ang katawan ko sa lupa. Bahagya kong binuksan ang mga mata ko, at una kong nakita ang mukha ni Quintus. Umaagos ang pawis sa mukha niya, at halatang-halata ang pag-aalala niya habang karga ako.

Gusto ko sanang magsalita, pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. At kahit gawin ko man iyon ay paniguradong wala ring lalabas na boses galing sa lalamunan ko. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko, at pinakinggan ang kung anumang masasagap ng tenga ko.

Nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni Quintus, at hindi ko mapigilang mamangha sa tunog ng tibok ng puso niya. Parang musika sa pandinig ang ritmo na iyon, at hindi ko mapigilang makaramdam ng comfort at security habang nakasandal ako sa katawan niya.

Sunod kong naramdaman ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Bahagya kong iminulat ang mga mata ko, at doon ko napagtanto na dinala na ako sa clinic. Nakaramdam akong muli ng pagkahilo, kaya agad kong ipinikit uli ang mga mata ko.

"Miss, yung kasama ko nahimatay..." ani Quintus sa nurse na naroon.

Nagsasalita ang nurse, pero ang mga sinasabi niya ay parang hindi naman tugon sa sinabi ni Quintus. Mukhang may iba itong kausap.

Narinig kong huminga nang malalim si Quintus bago tumikhim, pero wala pa ring ginagawa ang nurse.

Paniguradong naiirita na 'to si Quintus...

Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya, pero nakarinig na lamang ako bigla ng tunog ng parang may kung anong nabasag. Tapos ay umalingawngaw na ang malakas na boses ni Quintus.

"Kapag ikaw nakipagkwentuhan pa diyan sa kausap mo sa phone sisiguraduhin kong wala ka nang trabaho bukas!"

Nang marinig iyon ng nurse ay agad itong gumalaw para asikasuhin ko. Gusto ko sanang sitahin si Quintus dahil sa ginawa niyang paninigaw sa nurse, pero hinang-hina pa rin ako.

Halos hindi ko na naramdaman ang mga pinaggagagawa sa akin ng nurse para lang umayos ang lagay ko. Narinig ko rin na nag-uusap sila ni Quintus tungkol sa nangyari sa akin, pero wala na akong pakialam doon.

The only moment that mattered is when I felt Quintus' warm hand touch my head. Hinaplos niya ang ulo ko, at nang sinubukan kong imulat ang mga mata ko, nakita ko ang ngiti niya.

Something About Us [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon