CHAPTER FIFTEEN

1.1K 97 17
                                    


PAGLABAS ko ng bahay, mukha ni Quintus ang unang bumungad sa akin. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa akin dahil nakataas ang isang kilay niya habang patingin-tingin sa suot niyang wristwatch.

"Akala ko wala ka nang planong pumasok. Ang tagal ko nang naghihintay dito sa labas," reklamo niya.

Napailing ako habang inilalabas ang bisikleta ko. "Eh sino ba kasing nagsabing maghintay ka dito sa labas ng bahay namin?"

"W-wala," nauutal niyang tugon dahil sa pagkapahiya, "Pero gusto ko sabay tayong papasok sa klase kaya andito ako."

"Para ka namang ewan. Kailangan ba talagang magsabay tayo sa pagpasok?"

"Oo naman. Para alam ng mga schoolmates natin na tayo nang dalawa."

"Hoy. Sinong may sabi na tayo nang dalawa? Hindi naman tayo ah."

"Eh 'di may 'something' na sa ating dalawa."

"Walang 'something' sa atin, 'no. Sinabi mo lang na gusto mo ako. Hindi ko pa naman sinasabing gusto kita ah."

"Pero hindi mo rin sinabing hindi mo ako gusto. At tsaka ang sabi mo, hindi mo pa sinasabi. Ibig sabihin gusto mo rin ako. Hindi ka pa nga lang handa na sabihin iyon. It's okay. Willing naman akong maghintay eh. Ikaw pa ba?"

Hindi ako nakasagot. Medyo nagsitaasan rin ang mga balahibo ko dahil sa sobrang pagiging accurate ng mga sinabi ni Quintus. At syempre namula rin ako. Feeling ko nga umakyat ang dugo ko sa mukha ko.

Medyo nahuli niya na ako dun.

Napailing na lang ako bago sumampa sa bisikleta ko. Aalis na sana ako nang biglang humarang sa dadaanan ko si Quintus.

"Para kang timang. Tabi nga dyan," sabi ko sa kanya.

"Sasakay ako sa bisikleta mo."

"Bakit? Eh 'di ba may kotse ka?"

"Pinaalis ko na eh. Sabi ko kasi sa kanya sayo ako sasabay."

Napakamot na lamang ako. Kahit barumbado si Quintus, minsan talaga lumalabas pa rin ang pagiging isip-bata niya. Gusto ko siya pero hindi ko alam kung magiging cute iyon sa paningin ko.

I rolled my eyes. Ano pa nga bang magagawa ko? "Sakay na. Dali."

Napangisi na lamang siya at agad na sumakay sa likod ko. Gusto kong magmura habang iniimagine ko ang itsura naming dalawa papasok sa school. May malaking lalaki na nakaangkas sa bisikleta ko. Magmumukhang maliit ang bisikleta ko at ang katawan ko dahil sa laki niya.

Pagsakay niya sa bisikleta ko ay bigla kong naramdaman ang mga braso niyang nakapulupot na sa bewang ko. "Bakit ka ba nakayakap? Bumitaw ka nga."

"Ayoko nga. Baka mamaya mahulog ako dito sa bisikleta mo. Alam mo namang delikado para sa akin na magkaroon ng injury," pagdadahilan niya.

I hissed. "Sus. Takot kang mahulog sa bisikleta pero ang lakas ng loob mong makipagbasag-ulo."

"Hindi na ako nakikipagbugbugan magmula nung sinabi mong itigil ko na yun. Kahit magtanong-tanong ka pa."

"Oo na lang," tugon ko habang lihim na napangiti. Hindi na ako sumagot pa at sinimulan ko na lamang ang pagpepedal para makapunta na kami sa school.

In fairness naman kay Quintus, hindi siya nangungulit o nanggugulo habang nagbibisikleta ako. Pero aaminin ko, kinikilig ako ngayon dahil sa mga pinaggagagawa niya. Magmula noong nagtapat siya sa akin na gusto niya ako, pakiramdam ko mas naging komportable ako sa kanya. Parang lalong tumindi yung connection namin. Hindi ko ma-explain.

Something About Us [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon