CHAPTER SIXTEEN

1K 95 24
                                    


DAPAT ko na sigurong pagsabihan ang nanay at kapatid ko dahil sa pagpapakita nila ng suporta kay Quintus. Dahil sa pagiging welcoming nila, ginagawa nang tambayan ng mokong ang bahay namin. Kapag wala akong pasok sa café, dito siya nagsusuot. Kaya tuloy inuutusan ako ni mama na magluto ng pagkain para sa bisita.

Namimihasa na ang Quintus na 'to eh. Kung hindi ko lang gusto ang lalaking ito, pinakain ko na siya ng panis na pagkain.

Habang nagluluto ako noong mga sandaling iyon, panay naman ang butingting niya sa phone ko. Pakialamero kasi. Nagpalusot pang maglalaro ng mobile games, pero ang totoo pinagdidiskitahan niya lang naman ang laman ng phone ko. Kung magiging kami, malamang na si Quintus pa ang umastang girlfriend sa aming dalawa.

"Bakit laging tumatawag sayo si Beans? Tsaka kailan ka pa nagkaroon ng phone number ni Axis? Kelan niya hiningi ang number mo?" sabi niya habang magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa akin.

Gusto kong matawa sa reaksyon ni Quintus. Ang OA naman ng lalaking 'to. Hindi ako makapag-concentrate sa pagluluto dahil sa pang-iinterrogate niya.

"Bakit ba triggered ka? Eh mga kaibigan mo naman sila ah. Tsaka yang si Sir Beans, tumatawag yan madalas dahil sa trabaho. Nag-uutos lang naman yan ng kung anu-ano. At tsaka hindi ko na sinabi sayo na hiningi ni Axis ang number ko kasi nag-presume ako na baka alam mo naman yun dahil nga bestfriends kayo," pagpapaliwanag ko, tapos ay itinuloy ko na ang paghahalo ng sauce ng casrbonara na niluluto ko.

Hindi na lamang siya sumagot at ipinagpatuloy na lamang ang pangingialam niya sa phone ko. Ilang minuto ang lumipas, at bigla na naman siyang dumaldal.

"Andaming nakalagay sa cart mo ah. Bakit hindi mo bilhin?"

Ang tinutukoy niya ay ang mga bagay na nilagay ko sa online cart ko sa isang online shopping application. Naglalagay lang ako sa cart ng mga bagay na gusto ko at sa tingin ko ay kailangan ko pero hindi ko naman talaga bibilhin dahil syempre, wala naman akong pambayad.

"Kung may pambayad ako, eh 'di sana matagal nang walang laman yang cart ko. Ikaw kasi mayaman ka eh," masungit kong tugon sa kanya, "Hayaan mo na lang yan diyan. Nakalimutan ko na ngang merong laman yung online cart ko kasi matagal ko nang hindi binubuksan yan."

Napakibit-balikat na lamang si Quintus. "Okay. Sabi mo eh."

Ilang minuto niya pang pinagdiskitahan ang phone ko, bago niya iyon ibinalik sa akin. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa sala. Nang iwan niya ako sa kusina ay nakahinga ako nang maluwag. Finally, wala na ring makulit na lalaking maya't maya ang tanong at pang-uusisa sa phone ko at sa ginagawa ko.

Habang nagluluto ako ay bigla namang nag-ring ang phone ko na nakalagay sa bulsa. Baka si mama o si Aiden ang tumatawag. Lumabas kasi muna si mama para sumaglit doon sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya dahil sa isang emergency, tapos si Aiden naman ay nasa basketball court at naglalaro kasama ang mga kaibigan niya.

Pero nang makita ko ang phone ko ay nagsalubong ang mga kilay ko. "What the heck... Quintus!"

Biglang umalingawngaw ang malakas na tawa ni Quintus, at lalo itong lumalakas habang papunta siya sa kusina kung saan ako naroon.

"Ayos ba?" nang-aasar na tanong niya sa akin.

Binato ko siya ng trapo. "Sira ulo ka rin eh. Bakit mo pinalitan ng 'Babe' yung pangalan mo sa phonebook ko?"

"Bakit? Ayaw mo ba ng 'Babe'? Ano ba ang gusto mo? 'Baby'? 'Mahal ko'?"

Lumapit ako sa kanya at akma siyang babatukan, pero napigilan niya ako at hinawakan niya ang kamay kong nakaamba na sa ulo niya. Tapos ay ibinaba niya iyon at hinila niya ako payakap sa kanya. Hindi na ako nakaiwas pa, kaya nagawa niya akong maikulong sa yakap niya.

Something About Us [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon