My Own Fairy Tale

221 16 3
                                    

Date published: November 13, 2018


~~~


"Hiwalayan mo ang babaeng iyon," ma-awtoridad na sabi ng tatay ni Kean sa kaniya.


Nanatili akong nakatago sa gilid at pinakikinggan sila. Lagi na lang ganito.


"Ayoko. Wala akong paki kung hindi kami magkatulad. Sana lang tanggapin niyo siya katulad ng pagtanggap niya sa'tin."


Lagi na lang kaming nakaririnig ng mga pagtutol. Masakit sa'kin pero tinitiis ko. Pero mas masakit ang makita si Kean na nasasaktan din dahil sa palagi niyang pagtatanggol sa relasyon namin.


"Pwes, may paki ang lahat ng narito, Kean! Hindi lang kami ang sinusuway mo, pati na ang dalawang dyosa! Hindi kailan man pinayagan ang pakikipag relasyon ng mga tulad natin sa katulad ng babaeng 'yon."


"May pangalan siya, 'ma."


"Wala akong paki. Sinisira mo ang balanse rito at sinusuway mo ang isa sa pinakamahalagang batas. Sana intindihin mo 'yon, Kean."




"Nahihirapan ka na ba?" tanong ni Kean habang nakapatong ang ulo ko sa balikat niya.


Nasa bubong kami ng bahay na tinutuluyan ko rito sa mundo niya habang pinagmamasdan namin ang mga bituin. Hindi siya normal, hindi katulad ko. Isa akong mortal at isa siyang Celestiale na nagmula rito sa Majestique.


Umiling ako. "Hindi. Kasama naman kita eh," saad ko. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagpisil sa palad ko.


Nakilala ko siya sa Mortal World. Bagong lipat siya sa bahay na katabi ng amin. Bihira siya lumabas at walang kinakaibigan. Hindi ko rin nakikita ang mga magulang niya o kahit kamag-anak man lang. Noong isang beses na tumambay ako sa bubong namin, nakita ko siya sa bubong din nila at nakatambay. Iyon ang unang beses na nagkausap kami hanggang sa naging malapit kami sa isa't-isa.


Siya ang nasasabihan ko ng mga problema ko bukod sa dalawa kong bestfriends at pinakikinggan naman niya ako. Lahat ng reklamo ko at nangyayari sa'kin, naku-kwento ko sa kaniya. Sobrang komportable namin sa isa't-isa. Naging magkasundo kami hanggang sa nagsimula siyang ligawan ako.


Nalaman ko ang lahat ng tungkol sa kaniya nang sagutin ko siya. Sinabi niya sa'kin ang tungkol sa pagkatao niya at ang mga kakaiba niyang kakayahan. Isa siyang prinsipe at pinatapon siya rito sa Mortal World para matuto at magbago. Naalala ko ang sinabi niya sa'kin noon, "Ikaw ang bumago sa'kin, Xyla. Salamat."


Tinanggap ko ang buong pagkatao niya katulad ng ginawa niya sa'kin. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't-isa. Hanggang sa inaya niya akong pumunta rito sa mundo nila. Para ipakilala sa ama't ina niya na mga hari't reyna.


Sobrang ganda ng lahat. Ang akala ko noon na hindi nage-exist, narito pala. Totoo pala. Ngunit hindi lahat naging maganda at maayos. Hindi ako tanggap dito dahil isa lang akong normal na tao. Hindi payag sa relasyon namin ang pamilya at kapatid niya. Hindi sang-ayon ang mga kaibigan niya sa'kin para kay Kean.

My Own Fairy Tale (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon