CHAPTER TWENTY ONE

1K 87 6
                                    

NAPALUNOK ako habang nakatitig ako sa malaking gate na sumalubong sa akin pagkababa ko ng taxi. Nasa harap ako ngayon ng bahay ng mga Zamora, at halos malula ako sa laki nito.

Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at napagdesisyunan kong pumunta dito sa bahay nina Quintus. Ang tanging motivation ko lang ay ang suporta ng mama ko at ang sobrang pagkamiss ko kay Quintus na halos dalawang linggo ko nang hindi nakikita.

Tinamaan rin ako sa pinagsasasabi sa akin ni mama noong nakaraan. Wala rin namang mangyayari kung patuloy lang akong matatakot. Kung mananatili akong duwag, mawawala si Quintus sa akin.

At kahit ganito ang ugali ko, mahal ko ang ungas na yun. At hindi ko kayang mawala siya sa akin.

It's now or never. I have to deal with this before I completely lose him. Tibayan mo na lang ang loob mo, Jaira. Don't get intimidated. Iyan na lamang ang mga sinasabi ko sa sarili para hindi mabahag ang buntot ko. Hindi ko na pwedeng sayangin ang pagkakataon na ito.

Kahit kinakabahan, nilakasan ko ang loob ko at pinindot ko ang doorbell. Andito na ako, hindi na ako pwedeng umurong. Kung gusto ko talagang patunayan na mahal ko si Quintus, kailangan kong lakasan ang loob ko. It's time na ako naman ang mag-effort para sa kanya.

Agad akong pinagbuksan ng guard, at tinanong kung sino ako.

"Jaira Federio po ang pangalan ko. Gusto ko po sanang makausap si Senator Zamora – yun eh kung andyan po siya... Pero kung wala po –"

"Sandali lang, Miss," pagputol niya sa akin. May kinausap muna siya sa radyong hawak niya, bago niya ako muling binalingan ng pansin.

"Pwede na daw po kayong pumasok. Gusto niyo po bang samahan ko kayo?"

Umiling ako. "Huwag na po. Kaya ko naman pong mag-isa."

Hindi na nagpumilit pa ang guard at hinayaan na lang akong tumuloy nang mag-isa. Bago marating ang marangyang mansyon ng mga Zamora ay dadaan pa ako sa isang mahabang pathway na napapalibutan ng mga halaman. Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng kaba. Bakit parang ang dali ko naman atang nakapasok? Ano ang catch?

Teka. Nag-ooverthink na naman ako. Relax, Jaira. Wala ka pa nga sa harap ni Senator Zamora tapos ganyan ka na?

Ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad, hanggang sa madaanan ko ang isang napakalaking Siberian husky na nakatali sa ilalim ng isang malaking puno. Napatayo ito mula sa pagkakahiga nang makita ako, at pinagmasdan ako. Napatigil din tuloy ako, at para akong timang na nakikipagtitigan sa aso. Ilang segundo rin kaming nasa ganoong sitwasyon, at akala ko talaga ay kakahulan niya ako. Pero matapos ng ilang sandali ay bumalik na sa pagkakahiga ang aso.

Wow ha. Komportable ba ang asong 'to sa mga taong hindi niya kilala? Weird.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad, hanggang sa marating ko ang mansyon ng mga Zamora. Mangha akong napatingin sa laki at gara nito, nang biglang nakaramdam ako ng dagundong sa loob ng dibdib ko.

Bigla akong kinabahan. Naku naman. Huwag ngayon. Andito ka na, Jaira! Bakit ngayon ka pa maduduwag? Hindi ba mahal mo si Quintus? Patunayan mo naman!

Napalunok ako at inangat ang kamao ko para kumatok sa pintuan ng bahay. Pero bago pa man lumapat ang kamay ko ay biglang bumukas ang pinto, dahilan para matigilan ako sa kinatatayuan ko.

Bumulaga sa akin ang isang pamilyar na mukha.





"IKAW si Jaira, hindi ba?" tanong sa akin ng babaeng nagbukas ng pinto. Isa siya sa mga kapatid ni Quintus. Nakita ko kasi siya noon sa ospital kaya natatandaan ko pa ang mukha niya.

Something About Us [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon