FINAL CHAPTER

1.9K 136 39
                                    


            SA TOTOO lang ay hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Tinawagan ko na sina Axis at Sir Beans, at nagpatulong na rin ako sa kanilang dalawa para itanong sa iba nilang kaibigan kung alam ba nila kung nasaan nagsuot si Quintus. Pero maging sila ay wala ring kaalam-alam kung saan nagtatago ang ungas na iyon.

Nasa tapat ako ng school namin noong mga sandaling iyon. Pumunta ako doon para magbaka-sakaling maisip ni Quintus na tumambay doon kahit imposible. Pero gaya ng inaasahan ko, wala rin pala siya roon, kaya wala rin akong napala sa pagpunta.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napaupo sa gutter sa tabi ng kalsada. Naubusan na ako ng options kung saan siya hahanapin. Hindi rin naman kasi siya palalabas ng bahay, hindi katulad ng mga kaibigan niya. Hindi ko rin siya matawagan kasi unattended ang phone niya. Kung wala siya sa kanila at wala rin sa bahay ng mga kaibigan niya, saan siya nagsuot?

Dahil disappointed, nagdesisyon na lang ako umuwi sa amin. Siguro bukas ko na lang siya uli hahanapin, o kaya makikibalita na lang ako sa mga ate niya.

Hindi naman kasi madaling hanapin ang taong ayaw naman magpahanap.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, at humakbang para tumawid. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay bigla kong narinig ang napakalakas na tunog mula sa isang sasakyan. Paglingon ko ay nakita ko ang mabilis na paglapit ng isang itim na kotse.

Nanlaki ang mga mata ko sa takot at gulat, pero hindi ko makagawang makaalis sa kinatatayuan ko. Nanigas ako sa pwesto ko, at wala akong maisip na gagawin para mailigtas ang sarili ko.

But for some reason, this feeling seemed familiar.

Ang pakiramdam ng biglang pagblangko ng utak ko, ang pagkapako ko sa kinatatayuan ko habang pinapanood ko ang sasakyang malapit nang bumangga sa akin. Lahat iyon nangyari na dati, at tandang-tanda ko pa iyon.

Napapikit na lamang ako mula sa pwesto ko. Siguro ito na ang katapusan ko... Bahala na.

Hindi ko na nakita pa ang mga sumunod na nangyari. Basta ang narinig ko na lamang ay ang ingay ng pagpreno ng sasakyan. Hindi ko naramdaman ang pagtama nito sa katawan ko. Ibig sabihin ay hindi ako nabangga.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, at doon ko nakita ang driver na papalabas ng sasakyan niya. Nagtatakbo ito papunta sa akin at kitang-kita ang pag-aalala sa mukha niya.

Si Quintus.

"Magpapasagasa ka ba? Bakit bigla ka na lang tumawid? Paano kung nasagasaan kita? Paano kung may nangyari sayo? Tinakot mo ako, Jaira! Buti na lang nakapagpreno ako agad..."

Madami pang sinasabi si Quintus, pero hindi na iyon pumapasok sa loob ng utak ko. Pinagmasdan ko na lamang ang mukha niya – ang mukha niyang mahigit dalawang linggo ko na ring hindi nakikita.

Unti-unting namuo ang luha mula sa mga mata ko.

Umangat ang isa kong kamay at sumampal nang malakas ang palad ko sa mukha niya, kaya natigil siya sa pagsasalita. Hinawakan ni Quintus ang pisnging tinamaan at gulat na napatingin sa akin.

"Bakit mo ako sinampal?"

"Bakit hindi kita sasampalin? Antagal mo nang hindi nagpapakita sa akin! Hindi ka pumapasok sa school. Hindi rin alam ng mga kaibigan mo kung nasaan ka. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin... Miss na miss na kitang bwisit ka..." Hindi ko na napigilan pa ang mga luha sa mga mata ko, at kusa na itong nahulog sa pisngi ko nang mapatitig ako nang direkta sa mga mata niya.

"Hindi ako nagpakita sayo kasi nasaktan ako. Nasaktan ako noong basta mo na lang akong pinagtulakan palayo. Sinabi ko naman sayong handa kitang ipaglaban sa daddy ko kahit pa sinasabi niyang hindi ka niya gusto. Wala naman akong pakialam sa sasabihin niya eh. Sayo ako may pakialam kasi mahal kita. Alam mo naman yun eh. Pero pinagtulakan mo ako palayo.

Something About Us [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon