Chapter 1

130 0 0
                                    

Chapter 1

Stranger

Prologue:

     Oo mahirap mag move-on sa una. Pero habang tumatagal , maiisip mo na hindi talaga siya ang para sayo , na may dadating pa na mas higit sa taong nang iwan sayo. At balang araw, mawawala ang sakit na nararamdaman mo at magpapasalamat ka pa na kung hindi ka niya iniwan , hindi mo mahahanap ang taong para sayo talaga. Malalaman ba ito ni Rico?”

Story Prologue:

“Si Rico Martinez ay isang normal lang na College Student na kumukuha ng kursong H.R.S. o Hotel and Restaurant Services . Palabiro , minsan seryoso sa isang salita ay moody, Hindi ganun katangkad at tama lang ang kulay ng balat at ang madalas na napapansin sa kanya ay ang kanyang ngiti at mata pero sa totoo lang ay hindi sanay ngumiti si Rico, ibig sabihin ay bihira lang itong masilayan ng ibang tao. Pala-kaibigan rin si Rico, at kapag may mabigat siyang problema ay alam niyang may malalapitan siya. Noon ay mas sanay si Rico na nag-iisa, na kahit ba wala siyang kasama lumabas ay ok lang sa kanya, kaya’t dati ay nabigkasan siyang Loner.  Pangarap niya na maging isang magaling na manunulat balang araw, kung tutuusin ay maraming pangarap si Rico pero ang pagsusulat talaga ang nangingibabaw.”

“Dito na natin sisimulan ang istorya ng Pagmamahal na minsan meron ding kalungkutan , At paghihiganti na hindi maiiwasan na maaaring magbigay ng wakas. “

~

5:30 am gising na naman si Rico, wala parin pinagbago , nakatulala at para bang sobrang lalim ng iniisip, halos mag iisang linggo narin siyang ganito, simula nung iniwan siya ni Elyn. Habang inaalala ni Rico lahat ng magaganda at masasakit na ala-ala na iniwan sakanya, bigla na lang siyang napapikit at nakatulog ulit , Sa panaginip niya ay bumalik lahat ng ala-ala mula sa kanyang nakaraan.

<Rico>                  “Psst , ang ganda ni Elyn ‘no? pero parang ang sungit sungit.” Sabi ni Rico sa kaklase niya.

<Daryl>                  “Hindi yan , try mo kayang mag pakilala ?”

<Rico>                  “Eh may boyfriend yan ‘no ? baka mapahiya pa ako.”

Si Elyn Aquino,  isang I.T. Student , Mahaba ang buhok , Kayumanggi. Ang laging napupuna ni Rico sa kanya ay ang kanyang mga ngiti at ang akalang si Elyn ay masungit , Noong una ay hindi naman siya napapansin ni Rico pero nung nagtagal ay tumatak na sa isipan ni Rico si Elyn. At ng tumagal ay tuluyan na ngang nahulog ang loob ni Rico kay Elyn.

Pagkalipas ng ilan pang mga araw  , Unti unti ng nag paramdam si Rico. Sa pasimpleng pag message sa Facebook at pagbigay ng Poem kay Elyn. Hanggang isang araw , habang nasa classroom si Rico.

<Rico>                  “Daryl , halika may sasabihin ako”

<Daryl>                 “Oh ano un ?”

<Rico>                  “Tingin ka sa labas , andun si Elyn dba?

<Daryl>                 “Oo , bakit? Lapitan mo na kasi. “

<Rico>                  “May papabigay sana ako sakanya ehh. Ano ka ba hindi naman niya alam ang itsura saka pangalan ko ‘no”

Pagkatapos ng pakiusap ni Rico kay Daryl, pumayag siya at napabigay naman ni Rico yung gusto niyang ibigay kay Elyn.

<Rico>                  “Sana nagustuhan mo yung binigay ko kanina. From Someone” Mi-nessage ni Rico kay  Elyn through facebook.

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon