-
"...Dahil baka hindi kana makabalik pa.."
"...Dahil baka hindi kana makabalik pa.."
"...Dahil baka hindi kana makabalik pa.."
"...Dahil baka hindi kana makabalik pa.."
Paulit-ulit iyan sa pandinig ko, ano ang ibig niyang sabihin? Anong baka hindi na makabalik pa? Napatingin ako sa kanya ng may pag tataka pa din. Nanatiling tikom ang kanyang bibig at seryosong nakatingin sa'kin ng deretso.
"A-anong...Anong ibig mong sabihin?" tanong ko..Hindi siya sumagot, nanatili siyang nakatingin sa'kin na tila sinusuri ang buong kabuuan ko,. Napalunok ako saka ako umayos ng tayo, masyado akong naaapektuhan sa paraan ng pagtitig niya, nanginginig ang tuhod ko at konti nalang ay baka mapaupo na ako kaya naman humakbang na ako pabalik sa sofa saka umupo.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa'kin at umupo ng medyo malapit sa'kin.
"Hindi mo maiintindihan iyon sa ngayon,Queenie.." napatingin ako sa kanya, kumunot na naman ang noo ko. "..Darating ang panahon na ipapaintindi ko sa'yo ang sitwasyon pero hindi pa sa ngayon." lumingon siya sa'kin at halos kumabog ang puso ko ng makita ko ang lungkot sa kanyang mata.. Pakiramdam ko ay lumambot ang puso ko, pakiramdam ko ay obligasyon ko na palitan ng saya ang lungkot na bumabalot sa kanyang mga mata.
Tumango-tango na lamang ako saka nag-iwas ng tingin.
"Hihintayin ko na lang ang araw na ipapaintindi mo sa'kin ang lahat" saad ko saka ako tumayo. "Matutulog nalang muna ako ulit" dugtong ko saka ako naglakad pabalik sa kwarto ko..
bumuntong hininga ako at bago ko pa tuluyang buksan ang pinto ng kwarto ko ay muli akong lumingon sa kanya. Nakapikit na naman siya at deretso ang upo. Muli akong napabuntong hininga saka ako tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.
Pabagsak akong humiga sa malambot kong kama
"Ang weird talaga" bulong ko sa sarili ko..Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko ng makaramdam ako ng kakaibang kaba. Kaba na hindi ko malaman kung anong dahilan. Napapikit na lamang ako ng biglang pumasok sa isip ko ang napakaamo niyang mukha.
Ang mapula niyang labi, ang matangos niyang ilong, mapupungay na mata. Hanggang sa di ko namalayan na naka-idlip na ako sa sobrang pag-iisip
Pag dilat kong muli ng aking mata ay ang maamo niyang mukha agad ang bumungad sa'kin. Nakatayo siya sa gilid ng aking kama at deretsong nakatingin sa'kin.
Nanatili akong nakahiga at sinasalubong ang mga titig niya. halos hindi na ako kumukurap dahil natatakot ako na baka kapag kumurap ako ay bigla nalang siyang mawala, natatakot ako na isa lang itong panaginip.
"..Queenie..."
Muling kumabog ang dibdib ko ng muli niyang banggitin ang pangalan ko. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa hangin sa tuwing naririnig ko mula sa kanya ang pangalan ko. Hindi ko maintindihan pero napakasarap sa pakiramdam.
"Nakahanda na ang iyong pagkain..Kumain ka na" aniya saka siya deretsong lumabas sa kwarto ko. Nanatili akong nakatingin sa kinatatayuan niya kanina at muli akong napahawak sa left chest ko.
Ano ba talaga itong nararamdaman ko? Bakit ganito?
Muli akong bumuntong hininga saka ako bumangon at lumabas sa kwarto. Naabutan ko siyang nakatayo ng deretso sa gilid ng mesa kung saan nakahanda na ang pagkain, dahan-dahan akong umupo.
"S-sumabay kana sa'kin" alok ko ng hindi tumitingin sa kanya. Hindi ako nakarinig ng kahit anong sagot kaya naman napatingin ako sa kanya. "H-hindi ka kumain kanina ng almusal, b-baka gutom ka na" dugtong ko. Hindi siya umimik. Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin. "Bakit mo ba ginagawa ito? Sino ka ba talaga?" tanong ko..
Tulad kanina ay sinalubong ko ang bawat titig niya, pinag papasalamat ko na nakaupo ako ngayon dahil kung hindi ay baka kanina pa ako natumba dahil sa sobrang pagtitig niya.
"..tungkulin ko na alagaan at ingatan ka..Queenie" sagot niya.
"Pero bakit? Hindi ko maintindihan, bakit kaylangan mong gawin 'to?Pinadala ka nga ba ng magulang ko? kasi wala naman ako nakikitang ibang dahilan para gawin mo 'yan" saad ko ng deretso ang tingin sa kanya.
Muli siyang tumitig sa'kin, palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa niyang mata.. At muli kong nakita ang lungkot na bumabalot mula roon.
"Bakit..?" muling tanong ko.. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nadadala ako sa lungkot niya. Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit ganun kalungkot ang mga mata niya.
"..Dahil iyon ang inutos sa'kin. Ito ang trabaho ko,Queenie. Ang alagaan at ingatan ka...." lalong lumalim ang titig niya sa'kin.. "Hanggang sa huli..."
Natigilan ako sa sinabi niya.. Hanggang sa huli? Bakit? May katapusan ba ito? Napahawak na naman ako sa chest ko, bakit may kumirot sa parteng iyon? Bakit nasaktan ako ng banggitin niya ang salitang 'huli'. Bakit sobra akong nasasaktan sa isiping may katapusan ang lahat?
Buong maghapon ay iyon ang nasa isip ko.. Matapos kong kumain ng tanghalian kanina ay hindi na ako muling lumabas pa mula sa kwarto ko.. Pakiramdam ko ay natatakot akong makita siya..
Natatakot akong lumalim pa ang kung ano man itong nararamdaman ko.. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako..
Tulad ng inaasahan ko ay muli niya akong tinawag para kumain, inaasikaso niya ako. Hindi niya ako pinapabayaan...
Lumipas pa ang ilang araw na palaging ganoon ang nangyayari. Hindi ko alam pero nasasanay na ako.. Nasasanay na ako sa ginagawa niya. Nasasanay na ako na palaging siya ang kasama ko, nasasanay ako na palaging siya ang nakikita ko sa tuwing gigising ako pati na din bago ako matulog.
Nasasanay na ako na palagi siyang nandito at kasama ko at sobrang natatakot ako na baka isang araw..Ay bigla nalang siyang mawala sa'kin.
"..Huwag mong paglaruan ang iyong pagkain,Queenie. Hindi mabuti 'yan" suway niya sa'kin. Napatingin ako sa kanya. Halos mag da-dalawang linggo na kaming magkasama, dalawang linggo niya na akong inaalagaan.. Pero sa dalawang linggo na yun ay ni hindi ko manlang siya nakitang sinabayan ako para kumain..
"Ayaw mo ba talaga kumain?" 'yan ang paulit-ulit kong itinatanong sa kanya sa tuwing oras na ng pagkain. Ngunit katulad ng dati ay hindi siya sumasagot kaya hinahayaan ko nalang. Siguro ay kumakain siya kapag Tulog na ako.. Siguro ay nahihiya siyang ipakita sa'kin kung paano siya kumain dahil matakaw siya.,
Napangiti ako sa isiping iyon. Ang cute-cute niya siguro kumain.
"..Bakit ka ngumingiti?" muli akong napatingin sa kanya. Seryoso na naman siyang nakatingin sa'kin at palipat-lipat ang tingin niya sa mata ko at sa labi ko. Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ko at itinikom ko na lamang ito..
"H-ha? A-ano..M-may..may naisip lang ako" sabi ko saka ko inumpisahang kumain. Hindi ko na siya muling tinignan pa.. Baka kasi kapag tumingin pa akong muli sa kanya ay bigla ko siyang masunggaban ng halik.
Napatigil ako sa pag nguya at muling napangiti.. Sa tuwing naiisip ko na maglalapat ang labi naming dalawa ay nakakaramdam ako ng kung anong malilikot sa aking tiyan.
"..Queenie..Bakit ka nakangiti?" muli akong napatingin sa kanya. Ngayon ay deretso na ang tingin niya sa mata ko.. Humigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor. "..Itigil mo ang iyong pag ngiti..." mahinang saad niya.. "..Dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili..at masuway ko ang mahigpit na utos na ipinag bawal sa'kin..."
BINABASA MO ANG
My Immortal (Completed)
Fantasy- "You used to captivate me By your resonating light Now I'm bound by the life you left behind"