Suddenly Fall In Love

21 2 0
                                    

Panget siya. Hindi siya yung dream girl ko. Hindi siya maputi. Hindi mapula ang kanyang mga labi. Hindi siya maganda manamit. Kahit buhok nga niya ay panget rin. Kaya hindi talaga siya yung tipo ko at never ko siyang magugustuhan.

 Pero gaano nga ba ito ka totoo?

Ni hindi ko nga namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Isang araw nagising na lang ako na inlove na pala ako. Ayoko! Wala 'to sa plano ko. Ang balak ko lang laman ay gamitin siya para pagselosin ang ex-gf ko.

 Sawa na rin ako sa mga pang-asar sakin ng kaibigan ko. Pati na rin ang mga mapangutyang tingin ng mga kamag-anak ko. Hindi raw kami bagay, sa itsura pa lang.

 Pero tama ba na ang panlabas na anyo ang maging basehan pagdating sa pagpili ng taong mamahalin? I'm not sure. Isa lang ang sigurado ako, ayoko ng lumalim pa ito. Natatakot ako na kapag tumagal pa ito ay mahihirapan na akong putulin. Mas lalo lang kaming masasaktan. Natatakot rin ako na dumating sa puntong malaman niya ang totoo. Na palabas lamang ang panliligaw ko sa kanya. Kaya habang maaga pa ay gusto ko ng putulin 'to.

 'Pero kaya ko nga ba?" tanong na gumugulo sa isip ko.

~~~

Update?

Comment, Vote and be a Fan! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Suddenly Fell In Love (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon