CHAPTER 16

1.7K 56 4
                                    


Xian's POV

Nagising ako ng maaga at pagkagising ko ay hindi ko na naabutan pa si dad. Mukhang umalis na rin ito matapos ang nangyari sa pagitan namin kahapon.

Sabado na nga pala ngayon kaya napagdesisyunan ko munang mag-jogging sa subdivision namin. Naisipan kong magpunta na rin dito sa may park na lagi kong pinupuntahan to unwind after what happened this week.

Nagiikot-ikot lang ako sa paligid ng may napansin akong babae na nakaupo sa isang bench. Nakasuot ito ng black t-shirt at simpleng maong pants. Nang lumapit ako dito ay napansin kong si scholar iyon at hawak ang keypad niyang cellphone.

May hinihintay siguro siya kaya dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at umupo rin sa kabilang side ng bench kung saan siya nakaupo. Mukhang hindi naman niya ako napansin agad dahil busy pa rin siya sa cellphone niya. Tinignan ko kung anong ginagawa niya pero nakakita lang ako ng snake na gumagalaw sa screen at parang kinokontrol niya ito using the keypad.

Umubo-ubo pa ako kunwari pero wala pa rin siyang pakialam.Napansin niya lang ako ng lumingon-lingon siya sa paligid. Nagulat pa nga siya ng makita ako at parang ngayon niya lang naramdaman ang presensiya ko sa ilang minutong pagtingin ko sa kaniya.

"Hay nako sabado na nga ikaw pa rin ang makikita ko? Nakakaumay ah." sabi niya at tinarayan ako. Bumalik naman siya sa pagkalikot sa maliit na cellphone niya at maya-maya ay titingin sa paligid. "Ano ba iyan bakit hindi ko muna natanong kung anong oras? At bakit nga ba hindi ko rin nahingi ang number niya?"

Halatang namomroblema siya habang lumilingon-lingon sa paligid.

"What a miracle! You have a date? I I thought nobody would even take a glimpse of you." Pagpaparinig ko at humalakhak pa pero ni wala man lang siyang reaksyon sa sinabi ko at patuloy pa rin sa paglingon sa paligid.

"Hoy babae!" Sigaw ko rito pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Nang mapikon ako ay hinila ko siya kaya inis siyang napatingin sa akin.

"Ano bang problema mo mister Xian?" Inis na sabi niya habang nakatingin sa'kin.

"Who says na pwede mo akong tawagin sa first name ko?" 

"Bawal ba?"

"Ayoko. Close ko lang ang tumatawag sa akin ng ganoon. Close ba tayo?"

"Tss edi pangit na lang!"

"Aba--"

"Hays bakit nga ba kinakausap pa kita? Wala ka rin namang sense kausap."

"Is that so?" Tanong ko sa kaniya at hinila siya sa braso.

"Hoy umayos ka nga! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh!" Inis na sabi niya.

Tumingin naman ako sa paligid at nakitang halos lahat nga sila ay nakatingin sa amin, especially sa akin. May naririnig pa akong, ang sama ko daw na boyfriend, wala daw akong puso at bakit ko daw sinisigawan at sinasaktan ang girlfriend ko.

Gusto ko mang ipagsigawan na hindi ko girlfriend ang babaing ito ay hindi ko na itinuloy dahil mas gagawa lang ako ng scene. Tinignan ko si scholar at nakangisi ito habang tinitignan ako. She's like asking what would I do after getting their attention.

Lumapit naman ako ng sobrang lapit sa kaniya at hinawakan agad ang batok niya para hindi siya makaatras pa.

"Oh baby I'm sorry. I'm just jealous when he's beside you. Ikaw naman kasi eh lapit ka ng lapit sa kaniya kahit alam mo namang nagseselos ako!" Naglalambing kong sabi na siyang nagpakunot-noo sa kaniya.

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon