Chapter 14

2K 74 20
                                    

Ysha's Pov

Aish. Naiinip na ako sa totoo lang, hindi kce ako sanay na magsukat ng dress sa mall. pero nagtataka ako kung bkett ako dinala ni jazzle dito. samantalang ang sabi nya ay samahan ko lang daw sya sa bahay nila. malakas ang kutob ko na may sikreto sa akin itong si jazzle ehh, ano kaya yun lumabas na ako sa dressing room na may suot na simple red dress pero kahit simple lang toh mukhang mamahalin. tinignan ko ang tag nito at laking gulat ko na itong simpleng dress na toh ay nagkakahalaga ng 17k mahigit.

Wahhhhh. Grabe best ang ganda mo. manghang manghang sabi ni jazzle.

Maganda Nga Kaso Mahal Nman. nag aalanganin kong sabi.


Tsk. Ano kaba ok lang yan, tsaka isa pa ako nman magbabayad ehh. nakangiting sabi nya.



Aanuhin ko nman toh? Alam kaya ni jazzle na bday ko. pero imposibleng malaman nya kce tatlo lang kami nila mama ang nakaka alam nun. tsaka paano nman nya malalaman kung bago pa lang kami naging magkaibigan.


Saan ba talaga tayo pupunta? tanong ko kay jazzle. nasa parlor na kce kami ngayon. pinapaayusan nya ako. kanina kce binili nya ako ng dress na mahal at binili nya rin ako ng sapatos na mataas.



Isasama kita, pupunta tayo sa bday ng kaibigan ko. gusto kong makilala ka nila kaya pinaayusan kita?



Ehh, Hindi na sana ako nagbihis at nag paayos ng ganito. isasama mo lang pala ako. ok na sa aking simple ako? nagtatanong na sabi ko sa kanya.


Ano kaba? hindi nman pwede na ako maganda ang pagkakaayos tpos sayo simple lang, tsaka isa pa bihira ko lang nman gawin sayo ito ehh?  nakangiting sabi nya.



Hindi ko na sya pinansin at tinignan ko na lang ang sarili ko sa salamin habang hinahot oil yung buhok ko. Ma'am Aayusan ko na po kayo. nakangiting tanong sa aking nung baklang make up artist. Cge po. nakangiting sagot ko. inumpisahan nya na akong makeupan. kung ano ano ang pinahid at nilagay nya sa mukha ko. Kesyo may bb cream, foundation, eyeliner, eyebrow, contour, at blush on. nilagyan nya rin ako ng lipstick. pagkatapos nya akong makeupan ay nagsalita syang perfect ang ganda mo po ma'am sobra tuwang tuwang sabi sa akin ng makeup artist. tinignan ko ang sarili ko sa salamin at ganun na lang ang pagkamangha ko ng makita ko ang sarili ko. Ako ba talaga toh. tangong sagot ang nakuha ko mula sa makeup artist. dumating si jazzle ng hindi ko namamalayan.




Bhes ano ok kana. kailangan na nating umalis kce malapit na magsimula ang party. nakangiting tanong ni jazzle.



Oo, tapos na ako. tara na. nakangiting sabi ko sa kanya at nagbayad na si jazzle sa parlor at nagpasalamat na rin ako sa nag  ayos sa akin. sinabihan din ako ng makeup artist na bumalik at bibigyan nya ako ng career, hindi ko alam kung anong career ang sinasabi nya pero nangako na lang din ako na babalik ako. habang naglalakad kami papuntang parking lot ng biglang nagsalita si jazzle.




Bhes pwede bang hintayin mo ko dito may nakalimutan akong bilhin. O kaya kung gusto mo sa parking lot na lang para may bench tsaka isa pa malapit na nman? nagmamadali nyang tanong sa akin.




Ahh. Cge sa parking lot na lang ako maghihintay basta bilisan mo? nangangawit na kce akong tumayo at pagod na rin akong maglakad kaya nagdesisyon ako na sa parking lot na lang para nman makaupo ako.



Cge cge. sandali lang talaga ako bhes promise. nakangiti paring sabi nya.




Cge. naglakad na akong papuntang parking lot pero hindi pa ako nakakalapit sa bench ay may biglang dumating na van at may bumabang tatlong lalaki na may takip ang mga mukha. hinawakan ng dalawang lalaki ang kamay ko at yung isa nman piniringan ako. sa totoo lang pwede ko silang labanan ngayon kaso nga lang hindi ko ginawa kce naka dress at heels ako. hindi ako kumportable sa suot kaya hindi ako makalaban. ramdam ko na pinasok nila ako sa van pero pinabayaan ko sila kce tatlo silang may dala sa akin. sigaw ako ng sigaw pero may tinakip silang panyo sa ilong ko na may kakaibang amoy. ramdam ko na rin ang pagkahilo ko. hanggang sa nawalan ako ng malay.







Jazzle's Pov

Iniwan ko si ysha. dun para makakuha ng tyempo upang tawagin ko ang tatlong kong body guard na bihira ko lang kasama. kasali sila sa plano nmin na kidnapin si ysha para kahit isang beses makaranas sya sa buhay nya ng isang supresa. nakausap ko na rin ang kuya nya at nasa bahay na sila. sinabi rin nila na naroon na ang mga bisita at kami na lang ni ysha ang kulang. pagkaiwan ko kay ysha kanina ay pumunta na ako sa kotse ko at nagmaneho ako pauwi ng bahay. ang plano kce nmin ay pagdating ni ysha ay tatangalin ang blindfold at doon nmin sya kakantahan. alam kong tulog si ysha ngayon pero may limitasyon ang pangpatulog na pinaamoy nmin sa kanya. kaya saktong paghinto ng van dito sa labas ay gising na sya. nakarating na ako sa tapat ng bahay at sakto na nakita ko na ang van na pinagamit ko sa mga bodyguard ko. kaya bumaba na ako at pumasok na ako sa loob, pumunta na ako sa pwesto ng tatlong ugok at nakita ko na nagising na si ysha. gumalaw na ang ulo nya pero nakatakip pa rin ang mga mata nya. pinababa na sya ni elmer isa sa mga bodyguard ko at pinaglakad papalapit sa amin. wala paring kibo si ysha. siguro dala ng takot at bagong gising. naglalakad na si ysha hanggang sa nakarating sya sa pwesto nmin kung saan nakaayos ang handa nya. may dalawang malaking round table na puno ng mga pagkain. may isang table na para sa dessert at yung isang table nman ay para sa drink.  pink and black ang kulay na makikitang design. sa kanan makikita mo ang fountain at sa kaliwa nman ay ang pool. may swimming kce na magaganap after party kaya nagdala na ng sosuotin ang mga bisita. kaya sigurado na aabutin kami ng gabi. tinatanggalan na ng blindfold si ysha. dahang dahang dumilat si ysha at nung tuluyan syang dumilat ay sumigaw kami ng " Happy Birthday Ysha " gulat at magkahalong saya ang mababakas sa mukha ni ysha. kaya sinimulan na nmin kumanta hanggang sa matapos kami. umiiyak na yumakap si ysha sa mommy nya at ganun na rin sa kuya nya. sunod nya nman akong nilapitan at tsaka nya ako hinampas sa braso.



Ouch. masakit ahh, nakangiting sabi ko sa kanya habang hinihimas ko ang braso ko.



Nakakainis ka? Bkett hindi mo manlang sinabi sa akin na may supresa pala kayo. alam mo ba kung ano ano ang pumapasok sa isip ko kce akala ko na nakidnap ako. yun pala kasama sa plano nyo yun?  nakangiti pero tumutulong luha sabi nya.


Ano ka ba, huwag ka ngang umiyak papanget yung makeup mo nyan. isa pa tumutulo na yung sipon mo ohh. natatawang sabi ko sa kanya. inayos nman ni ysha ang sarili nya kahit wala nman talaga syang sipon. Sorry na gusto lang nman nmin nila tita na maranasan mong ma surprise ehh. sorry na rin kung natakot ka nmin. pero nagustuhan mo ba ang hinanda nmin para sayo?  happy birthday Bhes. inabot ko sa kanya ang regalo ko na nakalagay sa paper bag.


Salamat Bhes. nakangiti nyang sabi sa akin tsaka ako niyakap ng mahigpit. Iwan muna kita sandali bhes, pupuntahan ko lang yung ibang bisita para magpasalamat?



Cge. nakangiti ko ulit sabi. ang saya ko ngayong araw na ito. nakikita ko kce si ysha na sobrang saya. siguro ngayon nya lang ulit naranasan toh. buti na lang talaga at pinagtagpo muli kami ng tadhana para magkita. si ysha kce ang kauna unahang kaibigan ko. parang kapatid ko na rin. sya kce ang lagi kong kalaro at kasama nung mga bata kami. alam ko na hindi naalala ni ysha yun pero alam ko na darating din sa punto na babalik ang alaala nya.






A/N: Hi guys. sorry kung ngayon lang ako nag update masyado po kce akong busy. sa mga nag kocomment po na bitin kayo pasyensya na po kayo baguhan lang po ako sa paggawa ng istorya kaya mahirap pa pong mag isip ng idea. pero thankyou pa rin po sa walang sawa nyong pagsuporta. sana po magustuhan nyo.




Don't Forget To Vote And Comment.
                       Thankyou ❤




Mr. Rich Meets Ms. Poor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon